Chapter 20

49 5 0
                                    

Chapter 20

She will be loved

Tumakbo ako papunta kay kuya Caio, I want to talk to him. Gusto kong damayan siya kahit ngayong araw lang dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

"Glenn, where are you going?" Julia asked, hindi ko siya pinansin. Mabilisan akong tumakbo papunta sa gate para habulin ang sasakyan ni Caio na palabas na.

"Kuya Caio!" Sigaw ko dito kahit alam kong hindi niya ito rinig. "Fuck!" Mura ko nang tuluyan na itong umalis.

Napasabunot ako sa aking sarili at bahagyang sinipa ang aking kanang paa dahil sa inis.

"Kung minamalas ka nga naman oo" pabulong ngunit may halong inis na saad ko.

"Let him be. He needs a space, hindi madali sa kaniya ang pinagdaanan niya ngayon" singit ng nasa likod ko. Lumingon ako kay Jarrett upang makita siya.

"Tha'ts why I want to be with him right now. I don't want him to suffer alone" giit ko dito. Jarrett shooked his head na tila ba'y hindi sang ayon sa sinabi ko.

"Sa tingin mo ba ay gusto ng kapatid mo na madamay ka sa sakit na nararamdaman niya ngayon? If I am your brother then I wouldn't do that" seryoso niyang sabi. Bumuntong hininga ako, he has a point. Siguro ay ipagsasabukas ko nalang ang pakikipagusap sa kaniya.

"I need to go home" pagpapaalam niya sa akin, gulat akong tumingin sa kaniya. Oo nga pala, tapos na kaming magpractice ngayong araw. Marahan akong tumango sa kaniya at tahimik na sinamahan siya papunta sa kaniyang sasakyan.

"Where's your guitar?" Kuryuso kong tanong ng hindi ko ito nakita na nakasabit sa kaniyang balikat.

"I left it in your lib" maikli niyang sagot na ikinatango ko naman. I understand, it will be less hassle for him sa tuwing pupunta siya dito.

Jarrett stop from waliking at tiningnan akong mabuti, ang mga mata nito'y para bang sinusuri ako. Tumaas ang kilay ko, ano na namang tinitingin tingin niya? Gusto niya bang sundutin ko ang mata niya?

Mas lalong tumaas ang kilay ko nang bahagya siyang humalakhak.

"Your expression is so cute that even I, can't handle it" pabulong at umiiling na sabi nito. Hindi man narinig ang kaniyang sinabi ay umasta akong parang alam ko.

"Ako na ang bahalang magsabi sa kanila na uuwi ka na. I'm sure na hahanapin ka ni Julia" mataray na saad kk. Jarrett again laughed at ginulo na ang buhok ko.

"Alright, give me your number. I'll gonna text you kapag nasa bahay na ko" inilahad nito sa akin ang kaniyang cellphone na tinanggap ko naman.

Do he really need to text me? I mean, I know na kailangan ko rin malaman ang number niya just in case of emergency pero ang pagtext sa akin na nasa kanila na siya? Hindi ba't gawain yun ng magkarelasyon?

Lito man sa aking iniisip ay inilagay ko pa rin ang number ko sa cellphone niya. Pagkatapos ilagay ay nanginginig na isinauli ko ito sa kaniya. Seryoso itong nakatingin sa kaniyang cellphone habang nagtitipa kaya naman ay sumilip ako rito.

He dialed my number, wala ang cellphone ko dito.

"Just save my number" saad niya. Muli akong tumango sa kaniya. "Sige na pumasok ka na" taboy nito sa akin, sumimangot ako sa kaniya at bahagyang umatras para makadaan ang sasakyan niya mamaya.

"Not yet, you are my visitor. I need to make sure na safe kang makaalis ng bahay" pagtanggi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin kaya naman ay muling lumabas ang dimple sa kaniyang pisngi.

"Alright then, I'm going first?" Tumango ako.

Pinanood ko ang kaniyang kotse habang lumalabas sa loob ng garahe namin. Sinundadn ko ito ng tingin at ng wala nang makita ay huminga ako ng malalim.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon