Chapter 15

50 5 0
                                        

Chapter 15

Are we good now?

"May napili ka na bang kanta?" Saad ng nasa likod ko. Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Yup" tanging sagot ko. Pumikit ako ng mariin at malaya kong nilasap ang malamig na simoy ng hangin. Instead na sa clinic kami pumunta tulad ng inirason namin sa aming adviser ay dito kami dinala ng aming mga paa.

Naramadaman ko ang pagtabi ni Jarrett sa akin, lumayo ako ng kaunti dahil halos magkadikit na ang braso namin.

"Why don't you comeback to our room?" Tanong ko sa kaniya, ngumisi siya sa akin at sumandal sa edge ng pader.

"Five minutes, Aiglentine" mahinang saad niya, ngumuso ako. Mahuhuli kami kapag hindi kaagad siya bumalik.

"Can I ask a question?" Napalingon ako sa kaniya. Tumaas ang kilay ko, hindi ba't nagtatanong na siya?

"Why do you hate me?" Ngumisi ako at ibinalik ulit ang tingin sa baba.

"Because you're a nerd" matigas na sagot ko. "I hate nerds" dugtong ko.

"But why Aiglentine? Wala kaming ginagawang masama sa 'yo" bahagya akong humalakhak sa sinabi niya pero tumigil rin para sagutin siya.

"He have once hurt me, Jarrett" seryosong saad ko. Lumunok ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Memories are now flashing through my mind kaya naman ay halos hindi na ako huminga.

"He's my friend, actually I like him despite of his looks. The feeling is mutual between us, he told me that pero hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay sasaktan niya ako" I stopped for a while at bahagyang yumuko. The pain is now filling up inside pero alam kong kaya ko pang ituloy ang mga gusto kong sabihin.

"He hurts me physically, Jarrett. Hindi ko alam kung bakit noong mga oras na 'yon ay nagkaganon siya. He looks crazy, obsessed on me, nakakatakot. I tried my best para intindihin siya pero sa kalagitnaan 'non ay may nalaman ako. He was manipulated by this lady, nakakainis lang kasi yung babaeng 'yun ay minsan ko na ring pinagkatiwalaan. Lumayo ang loob ko sa kanila dahil sa nangyari, he explained those things on me pero hindi na naging sapat. Tinigil ko na dahil baka sa huli ay ako na ang malunod" tumahimik ang paligid pagkatapos kong magsalita. Narinig ko ang malalalim na hininga ng katabi ko kaya napalingon ako rito.

He's massaging his head, ang kaniyang noo ay nanatiling nakakunot.

"Wait did you just said that someone hurts you? Alam ba nila ito?" Seryosong tanong niya. Umiling ako, hindi ko binabanggit sa mga kapatid o pinsan ko ang nangyari. I don't want to let them know na minsan ng nasikmura ng lalaki ang prinsesa nila.

"Fuck! Aiglentine, they need to know this" natatakot akong umiling dahil sa sinabi niya.

"No please, Jarrett. I don't know kung bakit sinabi ko ang lahat ng ito sa 'yo but please, let me garner my trust on you" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya. "Ayoko ng magkagulo pa" dugtong ko. Mahina siyang nagmura sa harap ko at inis na sinabunutan ang sarili.

"Who's that man?" Seryosong tanong niya, muli akong umiling. I don't want to bring up his name, baka mamaya ay magkaroon ng tensiyon at sumugod siya doon.

"Jarrett please"

"If you don't want to tell his name then, how did he hurt you?" Ang mga mata niya na kanina'y galit ngayon ay napalitan ng awa sa kaniyang mukha. Umismid ako, hindi ito ang gusto kong makita sa kaniya. I don't want him to pity me.

"He punched me on my stomach" wala sa sarili kong sagot. Narinig ko muli ang malulutong niyang mura habang sinasabunutan ang kaniyang sarili.

"Fuck that man! Kapag nalaman ko talaga kung sino 'yon Aiglentine, mababasag ang mukha niya" galit na saad niya. Umurong ako ng kaunti papalayo sa kaniya dahil sa gulat nang pagsipa niya sa upuang kahoy. Naglikha ito ng malakas na ingay.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon