Chapter 44
Aiglentine
"Glenn, we are offering you the best. Kami ang nagpasikat sa pangalan mo so you should have-"
"So dapat magkaroon ako ng utang na loob sa inyo?" Putol ko kay John.
Kita ko ang pamumula ng mukha niya, kanina pa ako dito pero pinipigilan nila ako sa pagalis and it annoys me.
"Glenn" pagpipigil niya, umiling ako dito pagkatapos ay muling tumayo.
"Thank you for establishing my name but hindi kayo ang nagpaganda non kung hindi ako. Stop acting like you are the victim 'cuz I am the real victim here. Using my name huh!" Sarkastikong saad ko.
"I know that you'll come in our premier night, don't worry it's success" saad ko pagkatapos ay umalis na doon.
Sumunod kaagad si Andrea sa akin, after my contract here ay kukuhain ko siya dito. She's the only one whom I can trust.
"Your contract will end this month, may nasisipat ka na bang bagong managament?" Tanong niya.
Umiling ako, I know that Brent is offering me but I still need to think about it.
"Starting next month, I would like to be a free agency. 'Di muna ako tatanggap ng mga movie or drama hangga't di pa ako nakakapili"
"Paano ang mga endorsements mo?" Nagaalala niyang saad.
"Itutuloy natin. If there's a photoshoot then, they can provide us a helper."
"Alright. Magpahinga ka na, susunduin nalang kita bukas para sa appointment mo sa Clarity" tumango ako sa kaniya.
Agad akong pumasok sa aking kotse at pinaandar ito. Kanina lang ay nagbasa ako ng mga article tungkol sa nangyari kanina and most of my fans are mad. Hindi ko sila masisisi dahil nararamdaman na rin nila kung paano ako tratuhin ng management ngayon.
Kinabukasan ay naghanda na ako, I wore a white wrap around dress to be formal and a pink pointed high heels.
Andrea fetched me infront of my unit at pinaalalahan muli ako sa aking desisyon.
"Glenn, you can't sign a contract to them hanggat hindi pa pinipirmahan ni Mr. Ramona ang termination mo"
"I know, I know. I'll give a notice to him, don't worry" bumuntong hininga ang kausap ko.
Hindi na kami nagimikan sa loob ng sasakyan. Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nakarating na kami sa McKinley, Makati kung saan nakatayo ang kanilang opisina.
"Wear your mask first. Baka may makakita sa 'yo dito" babala niya sa akin nang makaalis na kami sa parking lot.
Sinuot ko ang mask ko at bahagyang yumuko nang may dumaan na mga tao, buti nalang ay hindi nila kami napansin.
"Good morning ma'am" saad ng mga guard na naroon, ang isa sa kanila ay sumama sa amin para alalayan kami patungo sa taas.
Maybe Clarity notice them about my visit. May dalawang babae rin ang pumasok sa elevator, I immediately covered my face para hindi nila mahalata.
"Is it really true?" Mahinang tanong ng babaeng may bangs.
"Yes, my friend told me that Glenn is his schoolmate. Imagine! That school is for an elites, meaning Glenn is one of them too" bahagyang napataas ang kilay ko sa usapan nila.
"Sinabi niya ba kung anong last name ni Glenn? We should confirm it!"
"Yes, sinabi niya. I think Puerla... Ano nga ba yun?" Nagiisip na saad niya.

BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.