Chapter 16

50 4 0
                                    

Chapter 16

Go away

"But you are really a pervert!" Muling asar ko sa kaniya ng makababa na kami galing sa rooftop.

"No, I am not Aiglentine" naiinis niyang saad. Humalakhak ako ng malakas nang makita ang namumula niyang mukha.

"If you are not then why are you blushing? Feeling guilty?" Natutuwa kong saad, hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha at nauna nang maglakad sa akin.

Dahil sa nasisiyahan akong asarin siya ay sumunod ako sa kaniya.

"Did you saw it? What color is it?" Tukoy ko sa aking pangbaba. Kanina kasi ay nauuna siya sa akin, habang siya ay nasa baba, ako ay nasa taas pa rin ng hagdanan.

Mabilisan niyang tinakpan ang kaniyang tenga at tumakbo na palayo sa akin. Muli akong humalakhak dahil sa kinikilos niya.

I'm wearing a skirt at alam kong hindi niya 'yun nakita. Inaasar ko lang siya dahil nainis ako kanina. Ang loko! Hindi man lang ako hinintay o sinabayan sa pagbaba, mas nauna pa sa akin. Kung ang mga pinsan o kapatid ko yun, malamang hihintayin or sasabayan pa nila ako. Jarrett don't know how to treat the princess.

"Hey! Wait for me!" I shouted, hindi siya tumigil sa pagtakbo kaya naman ay tumakbo na rin ako papunta sa kaniya.

Ang ngiti sa aking labi ay unti unting naglaho dahil sa nakita. I stopped from running at pinagmasdan ang kumikinang na mga mata ni Jarrett habang masayang kinakausap si Julia. Pula pa rin ang mukha nito, hindi ko alam kung dahil ba ito sa pangaasar ko kanina o baka dahil kausap niya na si Julia ngayon.

Sumimangot ako. Itong lalaking 'to masyadong mahina pagdating sa kaibigan ko. Lumapit ako sa kanila at pumagitna.

"She's off limits" mataray na saad ko kay Jarrett habang itinago ang kaibigan sa aking likod. Kumunot ang noo niya at bahagyang ngumisi sa akin.

"Ano ba Glenn! We are just talking" pagdadahilan ni Julia. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking bewang at mataray na tumingin sa kaniya.

"Yeah, papayagan ko kayong magusap pero this time ay kailangan nasa gitna na ako" I commanded. Of course! Ayoko ng maulit yung nangyari noong nakaraan, ayokong ma out of place sa kanila.

"Is it because of George?" Nalilitong tanong sa akin ni Julia, tumaas ang kilay ko. Oh right! Muntikan ko ng makalimutan yung nangyari.

"No. Bahala na si George kung paano niya ito didiskarethan. Pinagsabihan na siya ni Grandma and tita, so I think he'll gonna listen to them"

Lumingon ako ngayon kay Jarrett at nahuli siyang tinaasan ako ng kilay. Tumaas rin ang akin, do he really think na susuko ako sa titigan? No way.

Alam king naramdaman ni Julia ang tensiyon sa aming dalawa kaya inawat niya na kami. Kahit pala na sabihin kong magiging mabait na ako sa kaniya ay hindi ko pa rin magawang hindi magtaray.

Hindi ako umalis sa gitna nila habang sila ay naguusap. Tungkol na naman sa libro! Wala na bang bago? Yung makakasabay ako?

"No, Jessica should go and leave. Seriously, hindi ko talaga pinagkakatiwalaan ang desisyon niya that time" seryosong saad ni Julia.

"She shouldn't. She needs to face those guys" sagot sa kaniya ni Jarrett, sumimangot ako at tumingin nalang sa harap.

Sige lang magusap kayo na parang wala ako sa gitna niyo.

Pagkarating sa canteen ay nagtaka kaagad ako kung bakit maraming nakaharang sa pintuan. May free taste ba para magkagulo sila?

"Excuse me!" Sigaw ni Julia sa mga nakaharang. Students didn't listen to her, kaya naman ay ako na ang sumigaw.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon