Chapter 9
Convincing
Sinipa ko ang bato na nakita ko habang nagaabang sa tapat ng gate, boys are looking at me, marahil ay nagtataka sila kung bakit ako narito ngayon.
Hinayaan ko silang daanan ako, few of them greets me pero imbes na batiin rin sila ay hindi ko sila pinansin.
I have to do this, kailangan babaan ko ang pride ko dahil kung hindi ay mas lalo akong mapapahiya sa mga tao. It's okay right? Hindi ko tinanggap ang tulong ng mga malalapit sa akin pero ako ang maghahabol kay Jarrett ngayon para lang turuan ako. Roger is right, mas malaki ang maitutulong sa akin ni Jarrett kung sa kaniya ako magpapaturo. I've learned that he played piano one week after he trained, nakakamangha.
Umayos ako ng tayo nang makita ang kuya niya na dadaan sa pwesto ko. Agad na pumula ang pisngi ko ngunit hindi ako nagpahalata.
"Kuya Brent!" Bati ko sa kaniya, tumango siya sa akin at ngumiti.
"Glenn, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya, napakamot ako sa ulo. Of course! Hindi ko pwedeng sabihin na hinihintay kong dumaan dito ang kapatid niya.
"Waiting for someone?" Nalilito kong sabi. Humalakhak siya sa sinabi ko at agad na ginulo ang aking buhok.
"You're cute!" Tumawa siya sa sinabi niya habang ako naman ay pumula pa lalo ang pisngi. Damn! Sana ay hindi niya mahalata.
"Kuya..." Napalingon kaming dalawa kay Jarrett na magulo ang buhok, hindi pa ata ito nagsusuklay. Lumingon ito sa akin pero nagiwas rin ng tingin at seryosong tumitig sa kapatid. "I'm going first" saad niya.
Napabalikwas ako sa aking tayo at nagmamadaling hinawakan ang braso niya.
"Jarrett!" Sigaw ko, nagulat si Kuya Brent sa ginawa ko kaya medyo umurong ito palayo sa amin. "Let's talk" yaya ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, dahan dahan nita tinanggal ang pagkakahawak ko sa mga braso niya at mariing tumingin sa akin.
"I need to go" tanging sambit niya, tumango muna siya sa kaniyang kapatid bago nagpatuloy sa paglalakad.
Agad akong bumuga ng hininga, fuck! I failed it!
"Did you fight?" Tumango ako sa tanong ni Kuya Brent. It's true na nagaway kami at ako ang dahilan kung bakit kami nagaway.
"Oh okay! Kulitin mo lang ng kulitin Glenn, bibigay rin yan. Jarrett might be strong outside but he's soft inside" saad nito. Ngumiti siya ulit sa akin habang lumalapit.
"Paano ba yan, kailangan ko nang umalis. Male-late na ko sa klase ei" napakamot ito sa kaniyang ulo na ikinatawa ko. Marahan akong tumango sa kaniys at nagpaalam na rin.
Habang naglalakad ay naisip ko ang sinabi ni kuya Brent, kulitin ng kulitin. Alright! Gagawin ko yun para mapabigyan niya ang pabor ko.
Pagkapasok sa room ay agad kong nakita si Jarrett na nagbabasa sa upuan niya, napangiti ako. Buti nalang at pumasok na ang kaklase namin, more chance for me to convince him.
"Can we talk please?" Agaran kong saad sa kaniya nang makaupo ako. Hindi niya ako pinansin, nilipat niya ang pahina ng libro para basahin pa ang kasunod nito.
Sumimangot ako, kinuha ko ang libro sa kaniya at isinarado yun upang mabaling ang atensyon niya sa akin. Huminga siya ng malalim sa ginawa ko pagkatapos ay inagaw sa akin ang libro. Hindi man lang niya ako tiningnan!
"I'm sorry!" Sigaw ko dahil sa inis, napatingin sa akin ang mga kaklase ko habang may gulat sa kanilang mukha. Damn it! Nakuha ko ang atensiyon nila, I like it tho, I don't like the reason.
BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.