Chapter 11
Jarrett's Car
"Kuya, please" hinarang ko ang kamay ko sa pintuan ng kaniyang kotse. I'm still waiting for Jarrett, sabi niya ay may kukunin lang daw siya sa library kaya nauna na ako dito para makapagpaalam.
"Aiglentine, alam mo ang sitwasyon mo ngayon. You can't just go outside without mom's approval" seryosong saad niya, sumimangot ako. Ilang linggo ba nila ako ikukulong sa bahay?
"That's why I want you to go with me. Tatlong oras lang naman kuya, please" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya. Huminga siya ng malalim at mariing pumikit.
"I still need to do my paper works Aiglentine" pagdadahilan niya. Hindi ako natinag sa sinabi niya, tumingin ako kay Roger na ngayon ay pinapanood lang kaming dalawa.
"Then you can do that there kuya. You have a laptop in your cruze right?" Tukoy ko sa sasakyan niyang Chevrolet. Kumunot ang noo nito sa sinabi ko, agad kong tiningnan ng may kahulugan si Roger, gusto kong gatungan niya pa ang mga sasabihin ko.
"Caius, payagan mo na. I'll go with you too, Glenn needs to practice as soon as possible dahil nauubusan na siya ng oras" tumango ako, napunto niya!
"Kuya please?"
"Alright! I'll gonna talk to mom, be ready" pagsuko niya, agad akong napalakpak sa tuwa. Roger gives me a thumbs up habang si kuya Caius naman ay seryosong kinakalkal ang kaniyang cellphone.
Maya maya rin ay inilagay niya ito sa kaniyang tenga para sagutin ang kausap.
"Mom, we are going to Ramona's resident. I need to do something there and I'm planning to take Aiglentine with me" seryosong saad niya. Napakuskos ako ng aking palad kahit na hindi ko naririnig ang tugon ni mommy.
"Nope, Caio is not here. He's with Cassandra" napairap ako nang marinig ko na naman ang pangalan na 'yun. I am really not close to her, suntok sa buwan nalang kung maguusap kaming dalawa ng matino.
"Alright... Yes, thank you mom" napataas ako ng aking kamay ng binaba na ni kuya Caius ang cellphone.
"Is it successful?" I asked kahit na obvious na, he nodded to me and smiled.
"Yes, Aiglentine" saad niya. Muli akong napalakpak sa saya. Finally!
"I'll gonna text Brent that we are coming there" narinig kong sabi ni Roger, hinayaan ko siya at nagpatuloy sa sayang nararamdaman ko ngayon.
"Aiglentine, three hours lang tayo doon. No more extension" babala sa akin ni kuya, tumango ako sa kaniya at ngumiti.
"Got it kuya! Thank you!"
"Aiglentine" mahinahong saad sa akin ng nasa likuran ko, agad akong pumihit patalikod para makita kung sino 'yun.
Ang malaking salamin niya kaagad ang bumungad sa akin, napangiwi ako dahil doon.
"Hey..." Di ko alam ang sasabihin, agad kong inayos ang aking ekspresyon at ibinalik ito sa nakangiting mukha. Of course! Kailangan hindi ko ipakita na naaasiwa ako sa kaniya, kailangan kong magpanggap!
"Nakapagpaalam ka na ba?" Tumingin ako kay kuya Caius. He was just listening to us.
"Yup! Is it okay if isasama ko si kuya? Mom won't allow me if ako lang" sumeryoso ang titig nito sa akin at pinanood ang bawat galaw ko. Napalunok ako. Bawal ba?
"Yes" tanging sagot niya. Ngumiti ako at masayang tumingin kay kuya Caius na ngayon ay tumango sa akin.
"She's going with me" seryosong saad ni kuya Caius kay Jarret, marahan lang na tumingin sa akin si Jarrett at tumango.
"Alright! I'll gonna go first?" Litong tanong niya, napalingon siya kay Roger na nakikinig na sa amin ngayon.
"I texted your brother Jarrett and he's already waiting for us there" Jarett again nodded to him at umatras na patalikod.
Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila, never in my life but I'm pretty sure na nakapunta na doon si Roger since Kuya Brent and him are close, and maybe my brothers too.
Pumihit na patalikod si Jarrett para makapunta sa sasakyan niya. Napaawang ang bibig ko nang makita siyang dumeretso sa 458 Italia, the hell! Wala akong masyadong alam sa mga sasakyan but that's my dream car!
Naramdaman ko rin ang paglapit ng pinsan ko sa akin, lumingon ako dito at nakita ang mangha niyang ekspresyon. Of course! That car is too way expensive than his.
"A nerd is entering on a hot car couz" wala sa sariling saad niya.
"Yes, walang wala ang pinagmamayabang mong kotse Roger" basag ko sa kaniya. Agad na kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, ang mga mata niya ay nanatiling nakatuon sa sasakyan ni Jarrett. Nanatili ang kaniyang mga mata kung saan dumaan ang kotse paalis sa eskwelahan namin.
"Will ask my father to buy me that" determinado niyang saad, ngumisi ako sa kaniya. Hopefully, tito will buy him one. For me, I am now satisfied with my limo.
Pagkatapos ng mahabang nangyari sa parking lot ay tumuloy na kami sa bahay ng mga Ramona. I was so shocked to know that they're living in Parañaque too, tho our distance is a little bit far. Alam ko naman na malayo ang bahay nila sa eskwelahan na pinapasukan namin, he even argued with the grab driver last time ng hindi ito pumayag na idrop ako sa village namin, ang tanging sinabi niya lang noon ay madadaanan nila ang village namin kaya pumayag na rin noon ang driver.
Tumingin ako sa SM BF mall na nadaanan namin, I even saw the Starbucks and craved for it pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Ayokong madistorbo ang kapatid sa pagdadrive.
"Are you not hungry?" Tanong niya sa akin ng muli akong sumandal sa headboard. Umiling ako sa kaniya, maaaring natatakam ako sa mga pagkaing nakikita ko pero hindi pa ako gutom. Those foods are only tempting me para bilihin ko sila pero dahil isa akong Puertollano, hindi ko hahayaang maapektuhan nila ako.
"No kuya" sagot ko. Tumango ito sa akin at hininto ang manibela saglit para iliko ito papasok.
"Then are you not mad?" Napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras? Anong ibig niyang sabihin doon?
"Aiglentine, I know you. I'm just wondering kung bakit mo binaba yang pride mo at nagpaturo kay Jarrett?" Bumuntong hininga ako, muli akong tumingin sa harap at nakita ang Porsche na minamaneho ni Roger.
"I am desperate kuya and I think it's a better decision than taking your allowance. I don't want money to involve around us kuya, so please refrain your self from giving me that object" totoong sabi ko. I heard him sighed, hindi siya kumibo sa sinabi ko.
Maybe he realised now that I'm right. Pagkatapos ng paguusap ay hindi na siya nagsalita pa, pumasok ang sasakyan sa loob ng isang village. Guards are patrolling, pero nang sabihin namin ang apelyido ay agad na rin kaming pinapasok.
As what I have expected, the village is quite, swerte na kung may maririnig kang tahol ng aso. Umayos ako ng upo nang makita ang sasakyan ni Roger na huminto sa tapat ng isang malaking gate. Ito na siguro ang bahay nila? Automatically, the gate was opened. Muling ibinalik ni Caius ang kaniyang kanang kamay sa manibela at agad na pinaandar ito papasok sa loob.
Mangha kong tiningnan ang paligid. Katulad ng sa amin ay malaki rin ito, sa espasyo palang ng garahe nila ay magkakasya na roon ang sampung sasakyan. Agad na nagbunyi ang katawan ko nang makita ang mga bulaklak, halatang naalagan!
"Bro!" Napalingon ako sa nagsalita sa aming likod, agad na naginit ang mukha ko nang makita si Kuya Brent.
"Welcome back!" Masayang saad niya sa mga kaibigan. He's smiling, tumingin ito sa akin at kinawayan ako "Welcome to our house Glenn" bati niya, naramdaman ko ang mas lalong paginit ng pisngi ko pero para hindi mahalata ay tumango ako sa kaniya at bahagyang yumuko.
"Tss" I heard someone, napalingon ako sa taong yun at nakita si Jarrett na inis ng nakatingin sa akin, tumaas ang kilay ko. Bakit niya ako tinititigan ng ganiyan? Gusto niya bang sundutin ko ang mata niya?

BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.