Chapter 22

54 5 0
                                    

Chapter 22

Chaos

"You spoiled brat! Ikaw yung dahilan kaya kami naghiwalay ni Caio!" Nanggagalaiting bungad sa akin ni Cassandra. Malamig akong tumingin sa kaniya at hinayaan nalang ang mga kaklase kong awatin siya mula sa pagsugod sa akin.

The dark circles below her eyes are visible, mapupula rin ang mga mata nito marahil dahil sa pagiyak.

"Sabihin mo nga! Anong suhol na naman ang sinabi mo sa kuya mo huh?" Dinuro duro ako nito gamit ang kaniyang hintuturo ng hindi pa rin magkaroon ng chance na makalapit sa akin.

She's too agressive, ang mga estudyanteng dumadaan ay napatigil dahil sa nangyayari ngayon. Umiling ako.

"Let's talk in private not here" saad ko gamit ang malamig kong boses. Nauna akong tumalikod para maghanap ng pribadong lugar para sa aming dalawa pero natigil rin 'yon ng tumawa siya ng malakas.

My classmates removes their hands on her dahil sa ginagawa niya ngayon. Her laughed is different, it's a little bit scary.

Ilang segundo rin ang lumipas bago ito huminto, muli itong tumingin ng masama sa akin. Dahil walang kamay na nakahawak sa kaniya ay malaya itong nakatakbo palapit sa akin.

Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang may brasong yumakap sa akin. Tumingin ako dito para malaman kung sino 'yon at nang makita si Jarrett ay nakahinga ako ng maluwag. He's covering me from Cassandra who was planning to attack me. Napaingit ako sa aking sarili ng may maramdamang mahapdi sa aking braso. Mayroong marka ng mga kuko doon, ang iba ay nagdudugo na.

"Shit!" Mura ni Jarrett sa harap ko. I saw Cassandra keeps pushing him on the other side para saktan ako pero hindi ito nagtagumpay.

"Fuck you Glenn, fuck you! Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay!" Muli niyang saad habang sinusubukan na hablutin ako. Pinipigilan na rin siya ng iba naming kaklase ngunit nanatili itong matatag sa kaniyang pwesto. Kita ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa damit ni Jarrett para lang makalapit muli sa akin.

Napalunok ako, kakasabi ko lang kanina na ayoko ng sakitan pero tuluyan itong nangyari sa amin ngayon.

"I admit, I don't want you for my kuya pero nasa sa kaniya pa rin ang desisyon. I am distracting him, yes! But I didn't had a chance to interfere with his decision. Baka nasa 'yo na ang mali" sagot ko. Nawala na ang pagpipigil ko sa aking sarili.

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa Glenn. This is your fault! Why are you doing this to us? Dahil ba sa ginawa namin ni Patrick sa 'yo?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng buksan niya 'yon.

I didn't expected na sasabihin niya yun o sasabihin niya nga ba? Hindi ako umimik kaya muli itong nagsalita.

"Ano! Tell me Glenn, dahil ba to sa ginawa namin ni Patrick sa 'yo?" Mahinang saad niya na tanging ako lang ang nakakarinig.

"S-shut up!" Nauutal kong saad.

"Why are you being scared again? Sabagay kahit ako naman ay matatakot when someone will punch me on my stomach" natatawa niyang saad. Namutla ako sa aking pwesto ng nagsimulang magsibulungan ang mga estudyante. Sinadya ni Cassandra na lakasan ang kaniyang boses habang sinasabi 'yon.

Hindi niya ba alam kung anong pwedeng mangyari sa ginagawa niya?She's involved on that too.

"The one and only princess of Puertollano was punched once" tumigil ito sa panghahablot sa akin at ngumisi ng malaki. Pinarinig niya 'yon sa mga tao. Napayuko ako sa aking pwesto, ang katawan nalang ni Jarrett ang nakikita ko sa ngayon.

"Glenn" rinig kong mahinang saad ni Julia. I don't know where she is pero alam kong nagulat rin siya sa narinig.

"Cas-Cassandra let's talk in private please" pagmamakaawa kong saad dito. Umiling ito sa akin.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon