Chapter 55

58 3 0
                                    

Chapter 55

Real Identity

"Umusog ka doon!" Naiiritang saad ni Caio kay George habang nakasakay sa barko.

Umiling ako sa dalawa at bumaling sa dalawang natutulog, pagod siguro sila sa biyahe dahil matapos naming maghapunan kanina sa bahay ay dumeretso na kaagad kami sa abra.

"Caio, ako ang nauna dito kaya ikaw dapat ang umusog" sagot sa kaniya ni George.

Kinuha ko ang headset sa aking bag para takpan ang naiingayan kong tenga. Nang mas lalo silang nagingay ay inayos ko na ang sumbrero ko dahil nagsitinginan sa amin ang mga tao.

"You two should stop, nakakaakit kayo ng mga tao" sita ni kuya Caius na nagising.

"Oh! Are we? 'Di naman namin kasalanan na ganito kami kagwapo" hambog na sambit ni George.

Umirap ako.

"Aiglentine is here, baka may makakilala sa kaniya" pagpapaliwanag ni kuya Caius.

George raised his hands up at tumango na para bang narealize niya ang ibig nitong sabihin.

"I forgot, sorry..." Mahinang nagtalo muli ang dalawa sa tabi pagkatapos 'nun ay nagsitahimik na rin.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa madilim na dagat. The event is tomorrow, nagkaroon na rin ng plano kanina kung paano ako magpapakilala sa lahat. Tungkol kay Jarrett, ay hinayaan na nila akong magpasya sa kung anong gagawin ko sa kaniya.

Dalawang oras ang inalaan namin sa barko bago kami tuluyang makababa sa lupa. Kaming tatlong magkakapatid ang nagsama sama sa aking kotse habang ang dalawa ko namang pinsan ay nasa sasakyang dala nila.

Inayos ko ang aking upo sa likod at pinagpatuloy ang naudyot kong tulog.

"Mom is calling" narinig kong bulong ni Caio.

Hindi ako kumibo. Niloudspeaker ni Caio ang kaniyang cellphone at magalang na sinagot ito.

"Nasaan na kayo? Malapit na ba kayo?" May lalim na saad nito.

"We are now in Batangas mom, matulog na po muna kayo"

"Alright, make sure na you're okay. Dito niyo na rin patulugin ang dalawa" tukoy niya sa dalawang pinsan ko.

"Yes mom. I'll tell them" pagod na saad ni kuya Caio.

"Sige na, I know na pagod na kayo. Ibababa ko na 'to, good night" paalam niya.

After that ay tuluyan na akong nakatulog. Nagising nalang ako sa aking kama ng walang kamalay malay. I wonder kung sino ang nagbuhat sa akin dito...

Bumaba kaagad ako sa sala pagkagising at nakita doon ang mga magulang ko na seryosong naguusap. Dad stood up, habang si mommy naman ay nanatiling nakaupo.

"You're awake?" She said, I nodded to her at tumabi sa kaniya.

Humarap ako sa dalawa kong kapatid na parehong nakabusangot ang mukha. Tumaas ang kilay ko.

"Anong meron? Ba't parang may kaldero diyan sa nguso niyo?" Asar na tanong ko sa kanila.

Umirap sa akin si Kuya Caio...

"Why do we have to wake up earlier?" Bulong nito.

"C'mon let's eat, kailangan nating maghanda ng maaga" mommy said.

Napakamot sa batok ang dalawa kong kapatid at sinunod si mommy na nagsasandok na sa kaniyang pinggan. Pinagsandukan rin ako nito ng kanin pagkatapos ay ibinigay kay daddy.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon