Chapter 39

53 7 0
                                    

Chapter 39

Longing

"Jarrett. Jarrett!" Halos mamaos kong sigaw nang makita ang likod niya.

Lumingon ito sa akin dala ang hindi niya makapaniwalang mukha.

"Aiglentine..." tanging saad niya.

Umiiyak akong lumapit sa kaniya at nang makarating ay niyakap siya ng buong buo. Sumiklab ang kirot sa aking puso nang humikbi ito sa mga balikat ko.

"I love you" he whispered. The sincerity of his voice is visible.

Hindi ako sumagot, mas magiging madali ito para sa amin dahil sa oras na sumagot ako sa kaniya, ay baka hindi ko na matuloy ang gagawin ko.

"Can you wait a little longer? Aayusin lang namin 'to.  Aiglentine, kuya can't do that. He's a good guy" pilit niya sa akin.

Itinaas ko ang kaniyang mukha at marahang pinunasan ang kaniyang luha.

"Jarrett" malamya kong saad. "Pamilya na kasi natin ang involve dito. My cousin died b'cuz of your kuya" dahan dahan kong saad.

Kumunot ang noo niya at umiling.

"Do you believed too that my brother can do that Aiglentine?" He frustratingly said. Hindi ako nakaimik.

I am one of the family's victim here, naiimpluwensiyahan rin ang utak at isip ko katulad ng mga pinsan ko. And that thing annoyed me too much, ang lagi kong rason ay kapatid siya ni Jarrett, Jarrett is not him, hindi ang taong mahal ko ang nanakit sa kuya at pinsan ko kung hindi si Brent na kapatid niya. The two of them is different.

"Damn!" Mahinang mura niya patalikod.

"Aiglentine, naniniwala ka rin ba na kayang gawin ni kuya ang mga binibintang sa kaniya?" Muling tanong niya.

Tumango ako. I do believed that kuya Brent did that.

"Damn!" Muli niyang mura.

Tumingin ito ng may nagmamakaawang mukha sa akin at nagsalita.

"Makinig ka sa akin Aiglentine. My brother is innocent, na set-up lang siya" pangungumbinsi niya ngunit hindi tumalab sa akin.

"May mga ebidensiya Jarrett, there's a witness too" pagdadahilan ko.

"Seems like I can't open your mind" suko niya. Tumango ako.

Muli kong naisip ang pinagkasunduan namin ni Raymond. Masakit maalala ang mga 'yun ngunit kailangan kong gawin. Pareho na kaming nasasakal.

"Jarrett... Let's end this" walang paligoy na saad ko.

Gulat itong tumingin sa akin, nanginginig niyang hinawakan ang aking braso habang nangingilid naman ang luha sa gild ng kaniyang mata.

Lumunok ako para tapangan pa ang aking sarili. This is it Glenn, kailangan mo nalang ituloy ito para pareho na kayong makalaya sa isa't isa.

"What did you just say?" Pagkukumpirma niya.

Unti unting pinupukpok ang puso ko sa bawat segundong pagtingin ko sa kaniya. Malalim na ang mga mata nito at halata na hindi na ito nakakatulog ng maayos gaya ko.

"Let's break... Hindi na natin pwedeng ipagaptuloy pa 'to Jarrett"

"Pero bakit? Dahil ba sa pamilya natin? Do they pressured you because of me?"

Umiling ako dito. Although yes, somehow my family pressured me because of him but I didn't acknowledge that. Pero ngayon kailangan ko ng tanggapin ang lahat.

"Jarrett, I love you, you know that right? Pero kasi dawit na tayo sa gulo ng pamilya natin" muling bumukol ang aking lalamunan, pinipigilan ang maaaring pagpiyok.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon