Chapter 45
Bacteria
"Where are we going?" Naiinis na tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa akin, umirap ako dito at hindi nalang nagsalita. This is awkward! Ano ba ang paguusapan namin? Is it about the past?
We entered in a black gate before stopping infront of this big house in Makati. Marahas itong lumabas sa kaniyang sasakyan samantalang ako ay mangha pa rin na nakatitig doon.
"Labas" mariin niyang sabi nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Lalabas na sana ako sa kaniyang sasakyan nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking bag at sasagutin na sana nang biglang hablutin 'yon ni Jarrett.
"Fuck! Give my cellphone back!" Naiinis na saad ko.
Lumabas ako ng kaniyang sasakyan para kuhain ang cellphone ko ngunit bago mangyari 'yun ay pinatay niya muna ito.
"Fuck! Bakit mo pinatay?" Naiirita kong saad. "Brent is calling!" Sigaw ko sa kaniya.
He just shrugged his shoulder at naglakad ng muli.
"It was just about the shooting" pagdadahilan niya.
Nasapo ko ang noo ko, umiling ako dito.
"Dito na tayo magusap" walang ganang saad ko sa kaniya.
Lumingon ito sa akin dala ang nakataas niyang isang kilay.
"We'll talk inside"
"No, hindi rin naman ako magtatagal"
"Sinong nagsabi na hindi ka tatagal dito?" Sarkastikong saad niya.
Umatras ako ng kaunti nang lumapit ito sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at iginiya papasok sa loob kahit na pumipilag ako.
"Jarret, hijo" salubong sa amin ng isang matandang babae. "Hindi ba't sikat na artista yan?" Gulat na saad niya nang dumapo ang paningin niya sa akin.
Yumuko ako...
"Manang, padala naman po kami ng inumin sa opisina ko" magalang na saad niya sa matanda bago muli akong hinila pa pataas.
"Anong sasabihin mo?" Deretsuhan kong saad nang makapasok na kami sa loob.
Jarrett looks at me intensely, ang mga kamay nito ay inilagay niya sa kaniyang likod habang nakaupo sa swivel chair.
"Let's have a deal" kumunot ang aking noo at marahang ngumisi.
"Pinagloloko mo ba ko?" Mataray na saad ko sa kaniya. Deal, deal, deal! Dildilin ko yang mukha mo ei!
"I'll gonna terminate your contract if you want" napatigil ako sa aking iniisip at biglang natuon ang atensiyon ko sa sinabi niya.
"Really?"
He nodded his head "In one condition..." I knew it! "Sasama ka sa akin sa Quezon province next week" muli akong humalakhak.
"Are you crazy? I have a movie next week, and some mall shows, may photoshoot rin ako sa mall niyo! Hindi ako pwede diyan, bakit ba ako ang sinasama mo?"
"Your manager told me na isang linggo ka lang magpopromote sa movie niyo. It would be fine kung aalis tayo dito after your shootings and promotions" napasinghap ako sa sinabi niya.
"No, I can't do that" pagtanggi ko.
"Then, mananatili ka naming model" kalmadong saad niya.
"Bakit ba ako?" Naiinis na saad ko rito.
BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.