Chapter 12

47 5 0
                                    

Author's Note: I'm not a pro when it comes to music and playing the instrument actually. Some of the contents here about music were based on the google, well thank you google! So please, kung may nakikita po kayong mali, pagpasensiyahan niyo na po. I just need to do this dahil ito ang sinasabi ng utak ko, ahaha, charr but for real, kasama kasi siya sa takbo ng story so kailangan panindigan. So that's all and thank you!

Chapter 12

Guitar

"Your position is wrong" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Paanong mali? Ito ang nakikita ko sa mga napapanood ko and even when I hired some instructor ay okay lang sa kanila 'yon.

"This is right" laban ko, ang kaniyang kilay naman ang tumaas.

"Aiglentine, remember that I am your instructor right now" seryosong saad niya. Napatikom ako ng bibig, oo nga pala! Nakalimutan ko.

Binago ko ang ayos ko, hindi ako sugurado doon kaya tumingin ako sa kaniya para magtanong. Agad niyang inobserbahan ang bago kong posisyon habang ang kanan niyang kamay ay nakalagay sa ibaba ng kaniyang ilong.

"Are you comfortable with that position?" Tanong niya sa akin, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Mukhang okay naman ako dito.

"Try to make a sound using that guitar" utos niya. Sumunod ako sa kaniya, bahagya kong pinalo ito na naglikha ng ingay. Napakamot ako sa aking ulo nang kumunot ang kaniyang noo.

"I mean, play that guitar Aiglentine" paguulit niya.

"But I didn't know how" hindi niya ako pinansin, lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko para dalhin sa mga strings.

"Make some sound" bulong niya, agad akong lumayo sa kaniya ng biglang kumalabog ang dibdib ko. What's with me?

"Y-you're to close!" Saway ko sa kaniya, tanging ang seryosong mukha niya lang ang sumagot sa akin. Umalis siya sa pwesto niya at bumalik sa aking harapan.

"Go back, I want you to make a sound using those strings" napasimangot ako. I move my fingers across the strings to strum it even if I don't know how.

"Now I understand why it was hard for you to play an instrument" seryoso niyang saad, kinuha nito ang notebook at ballpen sa malapit na table at nagsulat. "Your hands are small, nahihirapan kang abutin ang mga fret board" tiningnan ko ng palihim ang mga kamay ko. It's true, may hands are small.

"Is this my disadvantage?" Tumango siya sa akin.

"Sort of but your hands are flexible, I think that's enough" muli niya itinuon ang kaniyang atensiyon sa pagkakahawak ko sa gitara.

"I believed you already knew the placement of chords?" Tumango ako sa kaniya, paulit ulit ko nalang yan pinagaaralan pero 'di pa rin ako makatugtog ni isang kanta dito sa gitara.

"Yes, I studied that"

"Then any choice of song?" Napaisip ako, hindi pa nakakapagdesiyon tungkol doon.

"Kailangan na ba ngayon 'yon? Hindi pa kasi ako nakakapili" reklamo ko, huminga siya ng malalim sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kaniyang sentido para pakalmahin ang sarili.

"Yes Aiglentine. You only have a weeks to practice, kung ano ang kakantahin mo ay yung ang papraktisin natin" napaisip ako, may punto siya.

"Pero wala pa akong naiisip" frustated kong sabi, ibinaba ko ang gitarang hawak ko at agad na hinanap ang cellphone sa bulsa.

I need to search.

"Don't panic Aiglentine. It's fine, I'll give you a time para makapagisip" napatingin ako sa kaniya "We still have a time" dugtong niya.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon