Chapter 37

52 4 0
                                        

Chapter 37

Suspect

Some of us may thought that everything will happen as what we imagine but the fate don't allow us, sa huli ay siya pa rin ang mananalo.

Nakatulala ako sa isang pintuan kung saan pinasok ang katawan ni Roger. The Puertollano continues to mourn dahil sa nangyari sa pinsan namin.

The guys already saw Roger's body habang ako ay nandito pa rin sa isang tabi. Nawalan na ng lakas dahil sa sobrang pagiyak.

"Glenn" mahinang sambit ni Julia sa pangalan ko.

Hindi ako umimik dito. It feels like I am a zombie na nakikinig nalang sa mga usapan nila.

Tumulo muli ang luha ko nang makita si tita Rhea na nanghihinang lumabas galing sa loob. Para itong lantay na lang habang nakasuporta sa tahimik pa rin na si Raymond.

"The suspect on this crime was already arrested. Kasalukuyan na siyang tinatanong ngayon" rinig kong saad ng imbestigador kay kuya Caio.

Lumingon ako sa kinaroroonan nila para makakuha ng impormasyon.

"You mean, Brent is the suspect here?" Naguguluhang tanong ni kuya Caio.

Agad na lumaki ang mga mata ko. Brent? It can't be kuya Brent right?

"Siya lang po ang nakita sa lugar ng pinangyarihan at bukod pa doon ay may witness na nakakita sa kaniyang may hawak na baril kung saan ginamit ito sa pinsan at kapatid niyo"

Agad na kumalabog ang dibdib ko, sumagi sa akin ang kaninang paguusap ni Jarrett at Julia. Kaya ba hindi niya ito pinayagan na sumama sa amin kanina dahil alam niya?

"Pero hindi magagawa ni Brent yun. We know him" pagtanggi ni kuya.

"Pero may witness po tayo at mga ebidensiya kung saan si Brent Ramona ang tinuturong suspect"

"Please investigate deeply. Hindi ako naniniwalang siya ang suspect, malapit namin siyang kaibigan and... Damn!"

Napasabunot si kuya Caio sa kaniyang buhok at bahagyang tumingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nakikinig ako sa kanila.

"Aiglentine" baggit niya.

Umiling ako dito. Ang trahediyang nangyari ngayon ay muling nadagdagan ng isang problema.

"Gagong Brent 'yon. Putang ina!" Mura ni George sa harapan ko dahilan ng pagkasikip ng dibdib ko.

"Ayos ka lang ba Aiglentine?" Nagaalalang tanong ni kuya Caio nang mahalata ang pagaray ko.

"Totoo ba?" Namamaos kong tanong.

Kuya sighed deeply at bahagyang yumuko.

"Hindi pa sigurado baby-"

"Pero may posibilidad pa rin!" Sigaw ko. Muling kumirot ang puso ko dahil sa nalaman.

Ayokong mangbintang but it was me who's in a situation like this. I want a justice for Roger who lost his life and to kuya Caius who's been laying to bed and suffering in a coma.

"Caio don't be a soft hearted. Halos lahat na ng ebidensiya ay nakaturo kay Brent. He lured us, acting like an innocent pero nasa loob rin pala ang kulo" malalim na saad ni George.

"Hindi pa tayo sigurado. He's still not guilty!" Julia said.

"Not guilty? How come he's not guilty kung siya lang naman ang kasama ng dalawa?..."

"Don't be blind. May nawalang buhay dahil sa kaniya. Nakita niyo ba ang mukha ni Roger? Puta! Kahit ako na lalaki ay maiiyak nalang dahil sa sinapit niya" pumipiyok na saad ni George pagkatapos ay muling umiyak.

Ring of Strings (Artista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon