Chapter 10
Was convinced
"Gago kayo ah!" Sigaw niya, agad akong humarang sa harap niya para pigilan ang pagsugod niya.
I don't want to cause any commotion anymore, it will be my new problem pagnagkataon at kung maaari ay ayoko ng dagdagan pa ito.
"Patrick enough" pakiusap ko dito, he didn't listen to me instead ay marahan niya akong hinawakan sa kaniyang balikat para papuntahin ako sa gilid.
Mabilis niyang naigalaw ang mga paa niya papunta sa tatlong lalaki at kwinelyuhan ito. Pumikit ako ng mariin sa ginawa niya, sinasabi ko na nga ba.
"Kayo ba ang nanakit sa kaniya?" He seriously said. Kita ko ang takot na namamayani sa mayayabang na nasa harap ko, parang kanina lang ay ang tatapang nila ah.
"Eh ang gago pala ng nga ito ei!" Agaf niyang itinaas ang kanang kamao niya para suntukin ang lalaking hawak niya sa isang kamay. Napakapit ako kay Jarrett at mariing pumikit. I don't want to see this scene, problema na naman ang dala nito sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko pero hindi ko yun pinansin at sinundan nalang siya sa bawat galaw na ginagawa niya habang ang mga kamay ko ay nakakapit pa rin sa damit niya.
"Stop bro, it's a waste of time" Jarrett said, dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil sa narinig. Kita ko ang nakahawak na kamay niya sa kamao ni Patrick, nagulat ako sa nakita. Isn't it hurt? I mean, I admitted that Jarrett has a broad body but he looks so weak at hindi ko aakalain na napigilan niya ang kamao ng isang varsity!
Yumuko si Patrick, marahil ay nagiisip sa kung anong gagawin niya. The boys were still frightening b'cuz of him, on the other side, napahanga nila akong magkakaibigan. The two can run pero instead of doing that ay nanatili silang nasa tabi ng kaibigan. Pinilig ko ang aking ulo dahil sa iniisip, ano ba naman ito! Nada ganitong sitwasyo na ako pero hindi pa rin tumitino ang utak ko.
Malalim akong huminga, tiningnan ko si Patrick na nanatiling nakayuko habang tahimik. Sumingit na ako.
"Patrick enough please. 'Wag na nating palakihin ito" nagmamakaawa kong saad sa kaniya. I heard him gulped, nakita ko ang kaniyang balikat na bahagyang gumalaw pataas at pababa, he's calming his self.
Unti unti niyang iniangat ang kaniyang ulo, kita ko ang frustration sa kaniyang mukha. Napangiti ako sa nakita, he's now listening to me. Matalim itong tumingin sa mga lalaki at bahagyang bumulong, kumunot ang noo ko pero hindi na rin nangusisa pa nang nagmamadaling magsilabasan ang mga lalaki.
Tumagilid ito ng tayo para makita ako, ngumiti ako sa kaniya and he did the same too. Ineksamin niya ang buong katawan ko kaya naman ay dahan dahan kong itinago ang namumula kong braso, pero napansin niya kaagad yun kaya naman ay nagmamadali niya itong kinuha para tingnan.
"Damn! Are you okay?" Nagaalalang saad niya habang nakatingin pa rin sa kamay ko.
"Y-yeah" saad ko, dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa akin dahil hindi ako komportable.
"Aiglentine, it's red. We need an ice!" Umiling ako, tho I know I need it para hindi makita nila kuya 'tong braso ko pero I don't want to depend this on him. Patrick is a good friend, yun nga lang ay lumayo ako dahil sa nararamdaman niya para sa akin, I know I'm being OA but Patrick's love is not healthy. Nakakasakal, kaya naman ayokong paasahin pa siya. Kung kaya ko naman na lumayo ay gagawin ko.
"Hindi na Pat" tanging sagot ko sa kaniya. Inilipat ko ang aking paningin kay Jarrett, walang emosyon ang mga mata nitong nakatingin kay Patrick.
"I'm going first" he bid, agad akong nagimbal sa kinatatayuan ko ng makita siyang lumalabas na ngayon.
Susundan ko na sana siya ngunit pinigilan ako ni Patrick. Nakalukot ang aking mukha habang nakatingin pa rin sa pintuan na nilabasan niya.
"Gamutin natin 'yan" nagaalalang alok niya, muli akong umiling sa kaniya.
"I'm really sorry Patrick, I can do it. Let me go first" nagmamadaling paalam ko, narinig ko ang pagalma niya sa sinabi ko ngunit hindi ko na 'yun pinansin.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Jarrett ngunit hindi ko na makita ang anino nito! Damn!
"Nasaan kaya siya?" Bulong na saad ko. Agad kong pinaglaruan ang mga daliri ko habang iniisa isa ang mga classrooms.
"Huy!!" Napatalon ako dahil sa gulat. Tumingin ako ng masama kay Julia na ngayon ay malaki ang ngisi sa mga labi. She's holding her laugh.
"Ano ba?!" Singhal ko sa kaniya, agad akong nagpatuloy sa aking paglalakad.
"Sinong hinahanap mo Glenn?" George asked, hindi ko siya pinansin, mabilis akong naglakad palayo sa kanila para hindi na madistorbo sa ginagawa ko.
"Hoy Glenn! Saan ka pupunta?" Matinis na sigaw ni Julia, I just waved my hands to her. Bahala silang maglambingan doon, basta hindi lang nila ako magulo ngayon.
Hinanap ko na siya sa halos lahat ng room pero damn that man! Mahilig yatang magtago. Hinihingal akong tumigil sa aking pwesto, my hands were resting on my knees habang nakayuko.
Kung hindi ko lang kailangan ito, hindi ko talaga siya kukulitin. Pero hindi ako susuko! Hahanapin ko siya. Agad kong iniangat ang ulo ko para maglakad muli sana, pero nang makita ko siyang papalapit na sa pwesto ko ay agad akong binuhayan ng loob. Kung sinu-swerte ka nga naman oh!
"Jarrett" Maligayang bigkas ko ng daanan niya ako, pero ang gago! Hindi man lang huminto. Inis ko siyang sinundan at hinila ang kaliwa niyang braso.
Nakakunot noo siyang tumingin sa akin, baka nagtataka lang kung bakit ko 'yon nagawa.
"Let's talk" I exclaimed. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang braso at hinila ito papunta sa lugar na walang makakarinig sa amin.
He was just following me and didn't say anything, mabuti naman. Walang masyadong makakapansin sa amin. Pinili kong puntahan ang lumang garden na nasa likod ng school. Medyo malapit lang ito sa campus namin pero hindi na rin masyadong pinupuntahan dahil luma na.
"What is it? I thought you don't want to see me again pero bakit ikaw itong naghahabol sa akin ngayon?" Dere-deretso niyang saad, his eyes are intensely looking at me na nagpakaba ng dibdib ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko, it was just him Glenn. Kaya mo yan.
"I'm sorry for what I had been said to you. I was just annoyed b'cuz you are staring at my friend at bukod pa doon ay ginalit mo rin si George" saad ko. Ngumisi siya sa sinabi ko.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin?"
"Because you're a nerd, and I hate nerds" walang pagaatubiling sinabi ko ito. Kumunot ang noo niya sa akin.
"You're discriminating us Aiglentine" napayuko ako sa sinabi niya.
"Maybe I am but Jarrett, I really need you. Wala na akong matatakbuhan kundi ikaw, so please, help me" nagmamakaawang saad ko sa kaniya. Muli siyang ngumisi sa akin.
"I wonder what help you need pero sa takbo ng utak ko ay kitang kita ko na and it's a no for me" tanggi niya, agad akong napaayos ng tayo.
Hindi ko aakalain na ganito siya kahirap kumbinsihin.
"Jarrett!" Inis na sigaw ko. "Kung ayaw mo, edi magba-back out ako! I'll tell them that you know how to sing too" banta ko sa kaniya.
"Just b'cuz I know how to sing ay ibinababa mo na ang pride mo. Bakit sa akin? Bakit hindi mo pakiusapan ang mga kuya mo?" Sumimangot ako.
"I don't want their help, I can do this alone" pagmamatigas ko.
"Then do this alone"
"I can do this alone with you Jarrett!" Inis na singhal ko sa kaniya. Hindi siya umimik sa sinabi ko. Ang ngisi sa kaniyang labi ay unti unting nawala.
"Wait for me at the parking lot, we're gonna practice at our house" seryoso niyang sabi. Agad na lumaki ang mata ko at napatalon dahil sa saya.
"Yesss!" Sigaw ko at napasuntok sa hangin. Tumingin ako sa kaniya, tanging ang likod nalang nito ang nakaharap sa akin pero ngumiti pa rin ako.
"Not bad at all" bulong ko.
BINABASA MO ANG
Ring of Strings (Artista Series #1)
RomanceAiglentine Puertollano is a typical dreamer who had been scarred by her past, yet she make it as her motivation to be on a top.