Simula

24 0 0
                                    

"Grabe na 'yong ginagawa kong pambabakod sa'yo Sepe pero ang manhid mo pa rin! " Bulalas ni Kai sa isang Sepe.

  

Paano nga ba nagsimula sa ganyan ang usapan na 'yan?

  

Hinilot ko ang aking sintido at muling ibinalik sa alaala ang una kong narinig sa makasalanan nilang mga dila. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayokong nagsisipagsama sa kanila.

"Bakit hindi ba? " Tumawa si Dada. "Mommy mo, Head over heels kay Boulder Sepe noon. Ngayon naman 'yang pinsan mo patay na patay kay Thaddeus Sepe. Ito pa ang matindi, 'yang si Raika, first love si Theodore na panganay ni Boulder Sepe na kapatid din pala ni Tad! "

"Pero iba ako sa kanila! " Tanggi ni Xed.

"Kulang nalang 'yong bunso ah? "

"Si Kai ang may gusto do'n sa bunso! "

"Asus! Tanggi pa! "

  

Gin Sepe. Hindi lang tungkol kay Gin, Sa buong angkan nila mismo ang pumukaw ng aking atensyon.

  

"Tama na 'yong kaka-panakot niyo ng mga baril niyo sa angkan nila... Obvious namang hindi sila natatakot e? "

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin! " Malakas nitong sigaw. "Okay! Okay! Babaguhin ko, I need your help to end this war between our family "

"Not easy, Xed. Isang Sepe nga lang, Hirap ng malapitan... Buong angkan pa kaya? "

"I'll try my best not to fall deeply in love "

"At dahil din sa pagmamahal na 'yan kaya may war sa angkan niyo "

  

Nang dahil sa pagmamahal...

  

Iyon din ang gusto kong mangyari, Ang matapos na ang gulo sa angkan namin. Tumayo ako ng araw na 'yon, Na s'yang pagtayo rin pala ni Gin Sepe sa kanyang kinauupuan. Hindi ko pa siya kilala noon kaya't binabalewala ko ang kahit sinong myembro ng kanilang angkan. Noong mga panahong baliw na baliw si Kai sa lalaking 'yon... Nakikita ko sa kanya ang aking sarili.

"Ssen, Nandito ka rin pala? "

Tumingin ako ng seryoso kay Koen. "This something bad keeps me going "

"Something what? "

"My feelings for him " Ngumisi siya.

Noon pa man. Noong mga bata pa lamang kami. Tandang-tanda ko pa ang mga bukambibig nila. Mga pangangaral sa pagpili ng tamang lalaki ang itinuro ng angkan ko'y kabaligtaran ng gusto nilang ibaon sa aming mga isipan. MASASAMA ANG MGA SEPE! Huwag na huwag daw kaming mahuhumaling sa mga Sepe, kahit na anong mangyari. Re-reglahin pa nga lang ata kami'y binalaan na kami na huwag na huwag daw kaming bibigay sa mga Sepe na para bang nakikita nila ang future at kaming mga henerasyon nila ang kusang magbababa ng mga salawal para sa estrangherong angkan na 'yon...

    

"To shake someone's faith " Walang gana nitong sabi sa kasintahan ng babaeng nilandi niya.

  

Rigth. Malandi siya.

  

Tumaas ang kilay ko't napahagod ng buhok. Para namang ang ganda ng pinag aagawan nilang babae kung magpatayan 'yang mga 'yan? Like hello? Mas attractive ako sa kanya.

"They're making a scene " Ani Xed.

Pinalilibutan na kasi sila ng mga tao kaya't nakakahakot talaga sila ng atensyon. Sa kalayuan ay tanaw ko ang isang guard, Papalapit sa kinaroroonan namin.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon