Shave.
"Edi malaman nila! " Pagsusuplado nito.
Nagtaray ang kilay nito't bumaling sa inosenteng bata. Maging ang bata'y nakitaan ko rin ng interes. "Girlfriend niyo rin po kuya? "
Bumaling ulit sa akin at mabilis ring umiwas ng tingin, pagkasagot. "Manliligaw ko "
Wow!
Inis man ay hindi ko pa rin nakalimutang mamangha. Grabe! Kahit ata bastedin ako ng lalaking ito'y sasambahin ko pa siya? So weird. Imbis na maturn-off gaya ng ibang mga babae'y mas lumaki pa ata ang paghanga ko sa kanya. Palaki ng palaki ang paghanga ko, palala rin ng palala.
Sa simple nitong pag tingin sa bata na animo'y ordinaryong bata lang na nangangailangan ng atensyon ay nabahag ang aking puso. Ang ibang lalaki'y dadaan-daanan lamang siya.
"Manliligaw niyo po? "
"Yeah "
Natuwa pa ako. "Yeah. Nililigawan ko ang kuya Al mo "
Tuminghala si Al na para bang nang aasar sa akin.
"Al po pangalan niyo? " Naku po! Hindi nga pala sila magkakilala. So strangers talaga kung tumulong itong Sepeng 'to?
"Matagal ka na bang tinutulungan ng lalaking 'to? " Umiling ang bata't napanis ang ngiti ko. "So... Ngayon palang kayo nagkakilala? " Kung mag apir ang dalawa kanina'y buong akala ko talaga'y matagal niya na itong tinutulungan? Marahil sa iba ring bata pero 'yong first time at super close pa ng dalawa? Ang kilay ko'y umarko at si Al ang binalingan. "Are you just using this kid to get rid of your fuck buddy? "
"Ano po 'yong pak badi? "
Natawa si Al. Peke pa. Bumaling sa bata't tumayo bigla nang matauhan. "Kabaligtaran 'yon ng pak ganern! " Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng pisngi nito na ikinainit rin ng aking pisngi. Marunong din s'yang mag blush? Oh my gosh! May bago na naman akong nadiskubre!
Sisisantehin ko na 'yong imbestgador ko! Ako na mismo ang mag iimbistiga ng mga bagay sa kanya. Hindi ko alam na masaya pala?
Kung alam ko lang ay matagal ko na sanang ginawa s'yang addiction.
Naglabas ng wallet at ibinigay sa bata ang buong isang daan. "Ito oh. Bumili ka ng pagkain at hatian mo na rin 'yong pamilya mo? " Kinuha ito ng bata't kumunot ang noo. "Gusto kita kasi kahit laking kalye ka... Marunong kang mag po "
"Pero... " Ngumiti pa rin si Al. "Wala po akong pamilya " Hanggang sa muli na namang napanis ang ngiti nito.
Napahalakhak ako.
Worth it ang pag e-emote ko, este pag bitter-bitteran ko.
Ang cute niya. Ang cute n'yang kiligin at mapahiya. Nakakawala ng poise at pakiramdam ko'y mas angat ako sa kanya ngayon. "Wala kang pamilya? "
"Opo. Mga kaibigan lang "
Tumango-tango ito. "Huwag mong kalimutang i-share 'yan sa mga friends mo. Share your blessing ha? "
"Salamat po, Kuya! " Tumakbo na nga ang bata.
Naiwan kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019