Kabanata 48

1 0 0
                                    

Under attack.
  

Looked at my eyes.

  

I smiled.

  

Despite my smile, he didn't react. Sa klase ng titig nito'y para bang binabasa ang nasa isip ko. Nilawakan ko ang ngiti, saka lamang siya umiwas ng tingin.

"I'm glad. Maluwag mo 'yong tinanggap "

"Bakit? " Yumuko ito. "Hindi ba maluwag na tinanggap ng mga babae mo? "

"Hindi lang naman si Ampere ang nabuntis ko " Nalaglag ang panga ko.

Seryoso? Masakit na malamang nabuntis niya si Ampere, tapos ito pa? Hindi sa mga babae niya ang pinaka-problema, kundi sa babaeng mapapangasawa niya dapat! Ayos lang ba sa kanyang tanggapin si Al kahit hindi lang isa 'yong responsiblidad niya? Pakakasalanan niya pa rin ba si Al kahit na alam n'yang kung sino-sinong babae ang tinikman niya?

  

Sa kaso kasi ni Al, ang mga babae ang hindi matanggap?

  

Ano? Ayos lang sa mapapangasawa niya?

  

Laking panghihinayang ni Al. Agree ako do'n. Bukod sa pera't looks, presence pa ni Al, hindi ka na lugi. Sobrang worth it para sa akin dahil siya lang naman 'yong lalaking inaasam-asam ko subalit hindi ko makukuha kailanman.

"Ganito nalang, " Nauna siya.

Uminit ang pisngi ko't nasa likuran niya na. Hindi ako pumantay ng lakad, sumabay lang. Ang kapantay ko ngayon ay si lola.

"Bakit hindi tayo maging magkaibigan? "

"No way " Mabilis kong sagot.

Bumagal lakad niya kaya't napantay sa amin. "Bakit hindi? "

"Seryoso ka? "

"Yeah. Inalok ko na rin 'yan sa mga naging ex ko but they refused " Umirap akong hindi niya nalalaman.
 

Manhid.

  

"Alam mo, Al. Dalawa lang 'yan. Inlove pa rin sa'yo o wala na talaga? Kapag ang dalawang may relasyon noon at hindi na nagkikibuan pa, walang pansinan, no communication, as in wala na... nangangahulugan na hindi na nila gusto ang isa't isa. Kapag naging magkaibigan naman... There's a chance na isa sa kanila, still inlove o hindi pa rin nakakalimot "

  

Huminto siya.

  

Napahinto rin kami ni lola.

  

"Saan ka do'n? " Ang tanong na 'yon... Tinamaan ako sa tanong n'yang 'yon... To think na wala naman kaming relasyon ni Al dati? Saan nga ba ako do'n?

"Bakit ayaw mong makipagkaibigan sa akin? " Kasi... Kasi... Kasi kapag...

Kinagat ko ang ibabang labi. Pumikit saglit, iyong saglit na 'yon, para bang huminto ang oras, ako at ang kadiliman lamang ang nagpapanatili ng kapayapaan. Magaan sa loob pero nakakaloka.

"A-Ay. Ayoko... "

"You don't want me to be your friend? Kung gano'n ay wala na nga? "

"Not that way! " Luh. Maging ako'y nabigla sa pagtanggi ko. So, gusto ko pa rin siya? Gusto ko? Ganern? Gusto ko ba talaga o ayaw ko? I don't want to cut off the opportunity to get close with him and talk to him like this. Dream come true nga e! But he's just asking me to be his friend? Ano, te? Gusto mo pa ba siya?

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon