Kabanata 38

1 0 0
                                    

Survive.

Anim na araw nalang at ikakasal na siya.

Sumikip ang aking dibdib. Halos lahat sa paligid ko'y masama kung makatingin. Pawang may mga panghuhusga't naiisip ko, kung paano kung ganito rin ang naramdamang pagtrato ni Al nang pinapalayas siya sa teritoryo namin?

"Lumayas kayo dito! "

"Bumalik kayo kung saan kayo nararapat! "

"Hindi kayo welcome rito! "

"Magsialis kayo sa lugar na ito! "

Galit na galit ang lahat. Walang mapaglagyan ang galit. May alam ba sila? Hindi kaya may alam sila sa ginawa ng angkan ko kay Al? Paano kung gano'n nga? O kahit hindi sa akin, pero sa buong angkan ko, oo. Ilang dekada na ba ang alitan na 'to?

Pang ilang henerasyon na ba kami?

Ang puso ko'y kumikirot na rin. Gustuhin mang isatinig ang sakit, nawalan ako ng boses.

Awang-awa sa aking sitwasyon. Paano na 'yong iba ko pang pinsan? Dahil sa amin? Sa katangahan namin, pati sila'y madadamay! Where is the safe place for us? Is there a safe place for us? May ligtas bang lugar na walang nakakakilala sa pamilya nila? E, Halos sa pagkakatanda ko'y ang Buencamino Real lamang ang lugar na hindi nila hinahamak na pasukin dahil sa pag respeto't hindi dahil sa batas namin.

"AALIS KAMI! " Pagtataas ng boses ni Kai. "HINDI NIYO KAMI KAILANGANG PALAYASIN! "

"SALOT KAYO! "

"KAYONG MGA BUENCAMINO! "

"KAYA KAYO MINAMALAS DAHIL ANG SASAMA NIYO! "

Right. Sa kwento nila'y kami nga ang masama.

"HINDI KAMI GANO'N KASAMA! KAYO 'YON! " Tumingin kay Kai at nadurog ang puso ko sa pamumula ng mata nito. "Umibig lang kami sa maling tao... " Dahil sa kaputian niya'y litaw na litaw ang pamumula ng ilang bahagi ng mukha.

Kaiyen Buencamino is braver than me. She tries her best to be brave enough para hindi kami maliitin ng iba. I was like that before. Brave. But now? I can't feel it.

"AALIS KAMI WITHOUT SECOND THOUGHT! " Hinila ako ni Kai.

Mabilis kaming sumakay dahil hinabol pa talaga kami. Pumunta sa nguso't pinagpapalo ang sasakyan ni Kai. Dinuro kami ng isa't napapikit ako sa takot.

"FUCK YOU! HULI KA NANG DASH CAM KO! "

Mabilis na pinaharurot ni Kai ang sasakyan. Hindi ko nakita ang nangyari.

Labis-labis ang aking kaba. Takot na takot rin para sa mga taong mahalaga sa akin. "S-Si Conde... He'll be angry " Halata mo rin ang panginginig sa kanya.

Lumunok ako't itinuwid ang tingin.

"H-He doesn't have to know "

"Nando'n ang Daddy ko, Ssen " Sumulyap muli sa kamay n'yang hawak ang manibela. Nanginginig pa rin. Naiyak ako.

Umiiyak na rin siguro ito.

"K-Kailangan kong pumunta do'n "

"Mapanganib " Nabasag ang boses niya.

Bigla itong prumeno. Itinabi't isinandal sa manibela ang ulo. Hanggang sa marinig ang mga hikbi nito. Ang pag iyak nito. Maging ako'y nakisali. Hindi ko magawang yumuko dahil mas lalakas lamang ang buhos ng luha sa akin.

Ang sakit.

Bakit nangyayari ang lahat ng ito?

Kani-kanina lang ay tuwang-tuwa ako sa panggo-good time kay Al at ngayon ay ako ata ang pinaglalaruan ng tadhana. Kani-kanina lamang ay hindi ko binibigyan ng pansin ang nangyayari sa lupain namin, ngayon ay buong bansa ang nakatutok.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon