Kabanata 34

2 0 0
                                    

Rinig.
   

"Tama na 'yong kaka-panakot niyo ng mga baril niyo sa angkan nila... Obvious namang hindi sila natatakot e? "

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin! " Malakas nitong sigaw. "Okay! Okay! Babaguhin ko, I need your help to end this war between our family "

"Not easy, Xed. Isang Sepe nga lang, Hirap ng malapitan... Buong angkan pa kaya? "

"I'll try my best not to fall deeply in love "

"At dahil din sa pagmamahal na 'yan kaya may war sa angkan niyo "

  

Nang dahil sa pagmamahal...

  

Iyon din ang gusto kong mangyari, Ang matapos na ang gulo sa angkan namin. Tumayo ako ng araw na 'yon, Na s'yang pagtayo rin pala ni Gin Sepe sa kanyang kinauupuan. Hindi ko pa siya kilala noon kaya't binabalewala ko ang kahit sinong myembro ng kanilang angkan. Noong mga panahong baliw na baliw si Kai sa lalaking 'yon... Nakikita ko sa kanya ang aking sarili.

"Ssen, Nandito ka rin pala? "

Tumingin ako ng seryoso kay Koen. "This something bad keeps me going "

"Something what? "

"My feelings for him " Ngumisi siya.

   

Tinanaw ng sobrang tagal ang aming barikada. Ilang minuto ko na ba 'yong pinagmamasdan? Sa totoo lang ay wala nang nagbabawal sa akin na lumabas sa teritoryong Buencamino Real. Malaya na kami. Lahat.
 

Nabigyan kami ng kalayaan ng halos lahat sa kanila'y nag rebelde sa mga matatanda.

  

Umibig sila sa angkang 'yon.

  

Totoo ba ang sumpa? Bakit parang totoo? Halos lahat at si Tyre nalang ata ang exemption sa mga 'yon. Kung hindi lang siya nag ka-girlfriend ay iisipin ko talagang gay siya.

  

Gay siya.

  

Gaya niya.

  

Simula ng malaman kong gay siya, hindi ko na siya muli pang ginulo. Hindi na nagtagpo ang aming landas. Hindi na ako nagtangka pang lumabas sa aming lugar, ngayon lang. I don't go out without a guard. Not for my security, but to prove to them all na tinupad ko ang sinabi kong hindi ko na guguluhin pa si Al. Hindi ko na siya nakita pa.

Sa tingin ko rin naman ay hindi ko na kailangan ng bantay dahil wala namang panganib na nakaabang sa akin.

  

Kung mayroon man...

  

Iyong nararamdaman ko na maaring bumalik ano mang oras, kailan? Ayoko muna s'yang makita. Ayoko s'yang marinig. Gusto ko nang matapos 'tong pagmamahal na ito. Ssen! Alawi! You're a Buencamino! Ilang years na ba 'yang pagmamahal mo? Mas matindi ka pa sa mga pinsan mong ngayon palang tinamaan?

I should request something hilarious. Damay-damay. Kailangang malaman ni lola na umiibig ang mga apo niya sa mga Sepe!

Hindi talaga pagpunta kung saan-saan ang gusto nilang marating, gusto nilang maranasan, kundi dahil sa mga lalaking 'yon.

"Gusto niyo po bang lumabas, Ma'am? " Umiling ako sa guard.

"Huwag kayong magpapasok ng mga Sepe " Napakamot ito sa ulo. Buryong-buryo na siguro sa halos pare-parehas na utos ng kahit sino sa amin.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon