Kabanata 45

3 0 0
                                    

Ouch.
   

"Pinuntahan kita dati, Al " Nag angat ito ng tingin.

  

Pinagmasdan ko naman ngayon ang kanyang labi.

  

"Talaga? " Nawala ang pang aasar sa tono nito.

"Yes. I went to you... " Sa tingin mo'y susuko na lamang ako ng gano'n-gano'n lang sa'yo? Sa tingin mo'y ikukulong ko ang aking sarili sa lugar na ito without any deep reason? May mga dahilan ang bawat bagay. "On the day I came to you, it was also the day a woman came to you "

  

Tumingin na ngayon sa kanyang mata. Kunot na kunot ang noo.

  

"Maraming babaeng pumupunta sa amin to stalk us "

  

Ang labi ko'y halos manuyo. Lumunok ako't itinuloy ang nasaksihan ng araw na 'yon.

  

"... She also went for you "

"Gaano ka naman kasigurado na ako nga talaga ang pinuntahan niya, aber? "

"Ikaw lang naman ang Ex ni Ampere ng mga panahong 'yon " Sapul.

Nagdilim ang mukha nito. Para bang alam niya na kung saan ito patungo. Gusto ko nang mas klaro. Itutuloy ko pa rin kahit masaktan ako. Tanggap ko na ngang ikakasal siya e. Ito pa kaya? Ito pa kayang nakaraan ring ito?

"Umiiyak siya noong araw na 'yon "

  

Tandang-tanda ko pa. Iyong imahe ni Ampere.

  

Napagtanto kong ayokong umabot rin sa puntong kinalalagyan niya noon. Nagmamakaawa. Halos mawalan ng pag asa. Hindi ko nakikita ang aking sarili sa sitwasyon niya, dahil Buencamino kami ng bansa, we will always on top. Sa sobrang tayog ng pride na 'yon... Hindi ko na pinilit pang panghimasukan ang kanyang mundo.

"Hindi ko man kumpirmahin kung ano 'yong sadya niya... Babae din ako. I don't want to be the other girl's reason of pain. Alam ko 'yong pakiramdam na hindi ka enough. Karamihan din kasi, nasa babae ang problema. Kahit alam naming may karelasyon na 'yong tao, ini-intertain pa. So. Yeah. Ayaw naming niloloko pero hinahayaan namin ang aming mga sariling maging option, ngayong hindi naman dapat lalo na kung may girlfriend na 'yong tao "

"Kaya ba... Hindi ka na lumabas pa ng Buencamino Real? " Nanlaki ang mata ko.

May alam din ba siya tungkol sa akin?

  

Hindi naman ako gaano ka-importante sa kanya kaya't ayos lang sa akin na balewalain ang presensya ko.

Pero nang marinig ko sa bibig niya... Ayos lang ba talaga? Minsan rin sa buhay ko'y hiniling ko na sana... Sana'y inisip niya rin ako... Nagustuhan niya rin ako. Nangyari ba 'yon?

  

Gusto ko ngang malaman e.

  

"Kasi inisip mong pananagutan ko siya? "

"K-Kasi iyon naman talaga ang tama. G-Girlfriend mo siya. Boyfriend ka niya. May relasyon kayo... " Nanginginig kong pag amin.

"Iyon ba ang sa tingin mo? Na dapat ko nga s'yang panagutan? " Tumango-tango ito't hindi na makatingin pa. "Pero hindi sa paraang iniisip halos ng mga matatanda? " Sumulyap siya sa dalawa, saglit.
 
  

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon