Kabanata 2

7 0 0
                                    

Drowning.

  

"Ayos ka lang ba? " Tanong ni Raika sa akin.

  

Kumunot ang noo ko.

  

Sinagot naman nito ang pagtataka ko. "Nabalitaan ko kasing may Sepe raw na tumungtong sa lupain natin... " Alalang-alala talaga ang mukha nito.

  

Oa na bang maitatawag 'yon?

  

Ang harmless kaya nila! Isa pa'y siya dapat ang matakot dahil nasa teritoryo natin siya.

  

Ngumiti ako kay Raika. "I'm fine. O kung sakali man, Nand'yan si Conde para protektahan ako "

"Oh my gosh! " Maarte n'yang pangamba. "Paano kung may mga civilian guard pala siya? Edi talo ka na dahil obvious 'yang mga guard mo? "

"Ayos lang ako, Raika! "

"Hindi ako mapakali! " Sigaw niya sa akin. "Mom said they were bad! Huwag daw papabihag sa kanilang mga physical looks, they can kill us! Do you understand?! " I bit my lower lip after hearing that.

Nang nakaraan ay pinag-uusapan pa namin kung anong mga itsura nila at nacu-curious sa bawat myembro nila... At ngayon... Ngayong may nakita ako't nakausap na isa sa kanila... Kailangan ata ng pagbabago.
"Hindi sila mukhang mapanganib "

Muli s'yang naalarma. "God! They are so bad that their faces are bad too! " She embraced herself. "Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? God! Mom need to know this! May nakilala na naman sila sa angkan natin at baka manganib ang bu---"

"RELAX, RAIKA! RELAX! " Si Raika ang pinakamatatakutan sa aming magpipinsan na kabaligtaran ni Rivo na may sayad sa sobrang jolly. Walang takot si Rivo at kami pa nga ang natatakot sa pinaggagawa niya, dahilan kung bakit ganito si Raika.

Naging malikot ang mata nito. "Ayokong maka-encounter ng isang Sepe "

"Are you afraid? "

"Of course! Sinong hindi? " Ang tingin ko'y tumalim.

  

Pursigido na ako.

  

Pinilit kong habulin ang tingin ni Raika hanggang sa pumirmi ito't hindi na nalihis pa pagkatapos kong magbitaw ng mga salita. "Maybe it's about time? Time to face our fear. Bakit hindi naman tayo ang pumasok sa mundo ng mga Sepe? "

"I'm afraid, Ssen "

"Just this once, Raika. I have lost a lot of the people I care about dahil sa pagkahumaling sa mga Sepe and still counting. Many of these people are still drowning, drowing in love. Habang tayo? Ito't lunod na lunod sa galit na wala namang saysay. Lunod na lunod na nga sila pero bakit hindi pa sila umahon? "

  

Dahan-dahan itong huminahon.

  

Buo na ang pasya ko, Raika. Lahat tayong magpipinsan ay haharapin ang ating mga kinatatakutan...

  

"There's always something that makes them stay "

  

I want to know that. What is it? Can we also know that? Feel that?

  

Maging siya'y nakumbisido ko.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon