Impact.
Al.
You're not replying.What the?!
Ang ganda ng bungad ng umaga ko 'no? Iyong feeling na mag re-reply si crush sa'yo, tapos ay malalaman mong hindi mo pala cellphone ang hawak mo. Ouch! Gusto ko na ulit matulog.
At dahil alimpungatan pa ako'y hindi ako nakapag isip ng maayos.
Al.
I'm dying. Please? Text back?Then die!
Nagpakamatay nga
Ngumisi ako.
Dinala sa mental at ni-revive
Hard. Humagalpak ako ng tawa pagkatapos i-send 'yon sa kanya. HAHAHAHA!
Nag reply siya ng emoticon na tumatawa at maging ang inlove na mata. Sarap sa feels! Pakiramdam ko'y para sa akin talaga 'yon at napatawa ko siya sa simpleng bagay na ito.
"Ang ganda ng gising mo ha? " Tanong ni Conde sa akin.
"Aga-aga, nandito ka? "
"Dito ako natulog "
Napabuntong hininga ako.
Tumungo ako ng kusina. Lahat kaming magpi-pinsan ay kumpleto ngayon pati 'yong ibang hindi ko pa nababanggit. Ngayong araw kasi 'yong death anniversary ni lolo kaya't gabi palang 'yong iba, bumyahe na patungo rito.
"Madam! " Napatingin kaming lahat sa katulong.
Si Tyre ang humarap sa kanya. "Bakit po? "
"Sir! May isang Sepe po sa labas! " Napatayo ang ilan naming kaanak. Nawala ang ingay sa lahat at sinakop ng nakabibinging katahimikan.
"Sa mismong teritoryo namin? "
"Ay! Hindi po, sir. Hindi pa po siya nakakapasok sa bakod natin "
Lumapit si daddy. "Sino naman? Aber? "
"Si Allium Sepe daw po "
Bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nang marinig ang totoo n'yang pangalan ay tumayo ako't sumunod kay Tyre.
Humarang si Conde sa akin. "Saan ka pupunta? "
"Pupuntahan siya! "
"Tss " Nagsungit ito't hindi pinansin ang binanggit ko.
Maging si tito na ama ni Xed ay tumayo rin para puntahan si Al. Nanlaki ang mata ko nang maglabas ng baril si daddy. Isinuksok nito sa kanyang sinturon.
Nanghina ang tuhod ko't walang nailabas na salita kahit isa.
"Binabastos ba nila ang araw na ito? " Galit ni mommy.
Hindi 'yon ang naiisip ko. Sa tingin ko'y wala itong kinalaman dito? O baka nga'y wala s'yang kaalam-alam na ngayon pala ang death anniversary ni Buencamino Sr.
"Pumasok na tayo " Ani Xed.
Pumasok kaming lahat sa aming mga sasakyan. Batid kong mabubungaran pa rin namin si Al dahil lalabas kami sa lungga namin, na s'yang ikinatataka ko kung bakit hindi nalang din sa teritoryo namin inilibing si lolo? Grabe. Para na rin naming kinulong ang aming mga sarili sa lupaing ito?
Tutok na tutok ako sa mga malalagong puno ng aming tinatahak.
Nang mapansin ang paghinto ng dalawang sasakyan kaya't huminto rin kami. Nagsipagbabaan sila ng salamin, lumabas ako.

BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
De TodoSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019