Kabanata 41

1 0 0
                                    

Sure.

  

"BUENCAMINO AKO NG BANSA! " Sigaw ko sa kabila ng putukan.

Alam kong mapanganib. Maari pa kaming magkalasog-lasog dahil na rin sa sunod-sunod na pagsabog, Barilan sa bandang gitna, hindi matigil na ingay at sobrang gulo.

  

Gaya ng inaasahan ko sa isang gyera.

 

"BUENCAMINO KALANG NG BUENCAMINO REAL AT HINDI NG BUONG BANSA! "

Sa isang iglap lang... Ang mapayapa naming mundo ay binulabog ng mga abu sayaf, na nagpapakilalang bahagi sila ng samahang ISIS. Sinungaling! Cliname lang nila 'yon para makuha ang atensyon ng gobyerno, maging ang ibang mga bansa.

 

Hindi ito ang mundong ninanais ko...

  

Para sa aming mga Buencamino, Buencamino Real is our home. Our paradise. The safest place for us.

  

"Al! " Hindi pa rin sumasagot si Al sa tawag.

Napaupo ako nang makarinig muli ng pagsabog. Abot-abot ang aking kaba dahil sinundan ito ng makakapal na usok, na halos takpan ang araw sa paningin ko.

"Umalis na kayo rito! " Sigaw nito. Hindi gaanong kalakasan sa sigaw ko kanina. "Masyadong mapanganib! "

  

Ilang reporter rin ang dumating at nakiesyoso.

  

"Mapanganib na! "

"Mag co-cover po kami sa malayo! "

"Hindi nga pwede, sabi! Sobrang delikado! Ni wala nga kayong mga bulletproof! "

"Kailangan pong malaman ng mga tao 'yong nagaganap sa gitna! "

"Halos hindi na makilala 'yong lugar sa laki ng pinsala! "

"May mga tao pa ba sa loob? "

"Umalis muna kayo't mag se-set kami ng distance... " Habang abala ito sa pagpipigil sa mga reporter ay nakahanap ako ng tyempo para pasukin ang mapanganib na gubat.

 

Mas kabisado ko ang lugar na ito kaysa sa kanila!

  

Bukod sa abot-abot ang aking kaba, halos habulin ko ang sariling hangin habang tinatakbo ang distansya papasok nang tuluyan sa dating maberde naming lupain.

  

Mga tao sa paligid ko'y nag hihiyawan.

  

Ang iba'y nagbalak pang humabol.

  

Ilang pikit ang ginawa ko't para bang nilipad lamang sa bilis ng pagtakbo. Para akong hinahabol sa bilis kong tumakbo. Ilang pagtagaktak ng pawis, ilang paghakbang, parang hindi ako ang tumatakbo.

  

Nawala ako sa sarili't huli ko lamang napagtanto kung bakit ko nga ba sinuong ang gyerang ito?

  

Isa pang pagsabog. Mahina.

  

Itim na mga sanga ang tinatapakan ko't tininghala ang tirik na tirik na haring araw. Dati-rati'y sisilong ako sa mga naglalakihan nitong sanga, ngayon wala na. Ilang hakbang pa't halos hindi ko matandaan dahil sa laki ng pinagbago niya.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon