Kabanata 6

5 0 0
                                    

After all.

  

Palo ang natanggap ni Rivo kay lola.

  

Kaming magpipinsan ay tahimik na nanonood. Si Tyre naman ay palihim na natatawa't nagawa pa talagang gatungan si lola. "Dapat lang 'yan sa'yo! Pfft! "

Sinamaan ng tingin ni Rivo. "Dahil ba sa nainlove ako sa isang Sepe! " Ang pisngi nito'y namula sa kakaiyak. May panguso-nguso effect pa't nabahag ang aking puso.

Kinutungan ni Tyre si Rivo. "Tanga! Pinaparusahan ka dahil sa paglalagay mo ng butiki sa kwarto ni Ssen "

  

Umirap ako ng maalala.

  

Pagkatapos ay tumingin sa akin na akala mo'y nakakaawa talaga siya.

  

Hindi ako nagpaapekto.

  

"Inlove din sa Sepe 'yang isang 'yan e " Pang lalaglag niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko't namutla pa. Lahat ng elder sa lahi namin ay napatingin, pagdating talaga sa usaping ito'y big deal na big deal sa kanila. To the point na pinaniwalaan talaga nila na sinumpa ang lahing ito... Hindi ba pwedeng ginayuma? Sinumpa talaga?

  

Ang malinaw na paliwanag sa lahat ng nangyayaring ito'y pag ibig ang tawag dito.

  

Sa nararamdaman naming ito... Love ito.

  

Hindi naman 'yon mahirap kilalanin e? Love ang tawag dito't aware sila sa tawag na ito. Alam nila 'yon dahil naranasan nila. Hindi ko pa man nararanasan ang sinasabi nilang pagkabigo sa pag ibig dahil sa isang Sepe... I know they just kept us from feeling this at tinawag na lamang nilang sumpa para katakutan namin ang pakiramdam na ito.

"Hindi po! "

  

Namumutlang tumingin kay Tyre. Ngumisi ito't inaasahan ko na ang pang tra-traydor.

  

Ilaglag mo rin ako gaya ni Rivo. Inaasahan ko 'yon pero ayoko pa ring marinig. Ayokong aminin. "Hindi po, Lola "

"Anong wala? " Hinampas ito muli. "Lola! "

Pinadilatan ko ng mata si Rivo na ikinataka ng ilan naming pinsan dahil kilalang-kilala namin ang isa't-isa.

"Si Raika din po, Lola! " Sabay turo kay Raika para mapunta sa kanya ang parusa.

Gagatungan ko sana si Raika ng umamin nga ito. "Name him? Theodore Sepe po, Lola "

  

Si lola'y nagulat.

  

Lumapit si Koen at Xed. "Ako din po! "

"Ikaw din? " Tanong ni Koen kay Xed.
"Oo! E, Ikaw? Sino ba sa'yo? "

"Si Red! "

"Si tagapagmana din sa akin! " Nagkatinginan silang dalawa. "Siya lang 'yong kilala kong Sepe? " Napatanong pa si Xed sa pag aalibi.

Tig iisang hampas sa ulo ang natanggap nila kay lola. "Naglolokohan na tayong lahat dito! " Padabog na umalis. Nakahinga kaming lahat ng maluwag dahil hindi niya 'yon pinatulan.

"Koen " Tawag ng ama. "Pumasok ka sa kwarto namin at may pag uusapan tayo "

"Joke lang po 'yon! " Nataranta. "I still don't see that Sepe! "

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon