Kabanata 3

5 0 0
                                    

Panget.

 

"Payapa na ba ang iyong isipan? " Hindi ako sumagot sa aming pastor.

Hindi po. Sa tingin ko'y hindi pa po. Nababaliw na po ako, Lord. Saglit lamang 'yong uncounter na 'yon pero pakiramdam ko'y kami talaga para sa isa't-isa? Ang strange-strange po talaga ng feeling, pastor. Hindi naman ako ganito ka matandain sa mga lalaking nagkakagusto sa akin e? Alam kong may gusto sila subalit hindi ko binibigyan ng pansin. Iba pala kapag ikaw naman 'yong hindi binigyan ng pansin...

First time 'to. Itong strange feeling na ito. "Ikaw ba hindi nakakita ng isang Sepe? " Tanong ni Koen.

  

Tuminghala ako sa kanya't hindi rin sumagot.

  

"So, Nakakita ka " Hinala niya. "Sino? "

"Al Sepe "

Bumuntong hininga ito. "Nakita din namin siya sa mall pero wala namang effect 'yon? " Hindi naman kasi sa mall nangyari 'yong first conversation namin e? Sa Buencamino Real mismo. Sa mismong lupain natin kung saan may isang matapang na Sepe ang naglakas na loob na lumandi.

  

Malandi siya.

  

I swear. Pagkatapos kasi noong araw na 'yon, nalaman kong kaya pala siya narito ay dahil may sinira na naman s'yang isang matibay na relasyon na inabot ng 7 years. Biruin mo? 7 years ay nasira niya pa? Hindi ko alam kung anong trip ng isang 'yon at sa may karelasyon pa talaga tinamaan ng kalandian.

  

Nababaliw ako kakaisip sa kanya!

  

Hindi ko na minsan napapagtuunan ang aking pag aaral. Kinakain ako ng sistema ng Sepe'ng 'yon. Lintik siya.

  

"Gawa ng mga evil spirit ang sumpa " Ani ng aming butihing pastor.

"Naniniwala po kayo sa sumpa? " Tanong ni Koen sa kanya.

Tumayo ako't tumingin sa kanila. "Hindi ito sumpa gaya ng mga sasabi nila tungkol sa lahi natin, Koen. Alam mo ba kung ano ito? "

  

Nagkatinginan sila ng pastor.

  

"Love. Love ang tawag dito "

Totoo naman e! Love ang tawag dito sa nararamdaman ko at bakit kailangan pa nilang lokohin ang mga sarili nila?

  

Kahit ata ang mga tao sa paligid ko'y gano'n din ang iniisip.

  

"Saan ko ba pwedeng magtagpuan ang isang Sepe? " Lahat sila'y napahinto sa kanilang mga gawa.

  

Nagkatinginan silang lahat.

  

"Saan po? "

"Kahit saan " Sagot ni manang. "Bukod sa lugar na ito, Ma'am Ssen "

  

Nagulat ako.

  

"Kahit saan? Pwede ba 'yon? "

"Lumabas ka sa lungga mo't pakalat-kalat ang mga Sepe. Ito lang naman ang lugar na bihira sila pumarito "

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon