Kabanata 10

4 0 0
                                    

Taken.
  

Natagalan pa ang pag sink-in sa aking isipan.

  

"You're a bad shit "

Bad shit! Hindi good shit! So, ibig sabihin ay hindi ako kabilang sa mga 'yon? Hindi ba ako kabali-baliw? Ang sarap magbaliw-baliwan gaya ni Rivo at dahil nasa lahi namin 'yon... Kinakabahan ako.

Inulit sa aking isipan ang pagbato ko ng linya sa kanya. "Impact ba kamo ang hanap mo? Pwes, bibigyan kita ng dahilan para mabaliw rin sa isang Buencamino " Tila namangha sa katapangan ko. "I want you to break up with your girlfriend. Gaya mo... Gigil din ako ng mga marurupok "

Oh my gosh! Oh my gosh! Ako? Gigil ng mga marurupok? Isa kang marupok, Ssen! Bakit may pa break up with your girlfriend ka pang nalalaman?

  

Oh, shit. Bad shit. I feel cheap.

  

"Bulaga! " Hindi ako nagulat sa pagtulak sa akin ni Conde. Sa halip ay sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Bakit? "

  

Animo'y guilty kaya't sumeryoso para hindi ko mapag-initan.

  

"Hindi ba ako maganda? "

Gulat na tumingin sa akin. "Maganda "

"E, Bakit walang lalaking baliw na baliw sa akin? " Ewan ko ba? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero natawa siya.

"Pfft! " Namilipit ito't nawala ang balanse. "Iniisip mo ba 'yong sinabi ni Al? Pfft! Huwag mong isaisip! Isabuhay mo 'yon! HAHAHAHA! " Walang nakakatawa.

"Hindi ko pa ba sinasabuhay sa lagay na ito? "

"Baliw lang ang papatol sa lahi niyo " Sinapak ko siya sa braso.

Mas lalo s'yang natawa. "Conde Salud! "

"Oh? " Nagsalubong ang makapal nitong kilay. "Ssen Buencamino Alawi? "

Nakakainis. "Nakakainis ka! "

Pagkatapos nilang magtirik ng kandila'y nag simula na silang manalangin. Ang isip ko'y nag lakbay kung bibisitahin ko rin ba si Haeri Sepe, lola ng mga Sepe. Ang bukod tanging obsession ni Kindon Sepe. Ang bukod tanging babae na bumihag sa puso't atensyon ng malupit na si Don Sepe. Pinaka sa babaeng kinaiinggitan ni lola...

  

Mula noon... Hanggang ngayon...

  

Si Haeri Sepe pa rin ang reyna ng mga Sepe.

  

"Anong iniisip mo? " Hindi ko pinansin si ate Elise.

  

Ang iba'y nag usap-usap habang 'yong ilan naming kaanak ay nagsimula ng maglakad.

  

"Ate? "

"Hmmm? "

Bumuntong hininga ako. "Anong mayroon sa mga babaeng nagugustuhan nila? "

"Impact " Right. Kasasabi lang ni Al kanina. "Impact, Especially if that person is your soulmate "

 

Tumingin ako sa kanya't ang atensyon nito'y nasa puntod ni Buencamino Sr.

  

"Impact is different if it's just based on looks, Ssen. Maraming babae d'yan, mas magaganda't mas dyosa. But the impact of your soulmate? Iyon ang mas nakakabaliw sa lahat. Iyong tipong hindi ka naman attracted sa kanya dati pero may something sa kanyang hindi mo kayang ipaliwanag? Hindi mo kayang pigilan? Maco-confuse ka't mare-realized ang pinagkaiba ng babaeng gini-girlfriend lang dapat sa babaeng mapapangasawa "

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon