Kabanata 32

0 0 0
                                    

Wait.
 

Napaupo ako sa pagod at tinanaw ang walang hanggan nitong pag agos. 

  

Isang mainit na katanghalian at hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Oh, C'mon, Ssen? Nagre-rebelde ka ba sa sarili mo? Nagre-rebelda ka dahil wala kang nagawa kundi tumili ng tumili't magmakaawa sa kanilang tigilan na si Al? Did they hear you? No.

Inaantay ko na nga lang 'yong moment na pumarito si Don Sepe sa lugar na ito't komprontahin ang angkan namin?

O kaya 'yong moment na lahat kami'y paimbistigahan at sa dulong bahagi pala ng aming teritoryo'y may mga parak?

  

Wala. Wala ring dumating. Isang linggo na matapos 'yong insidente.

  

"Kamusta na kaya siya sa hospital? " Kahit hospital nga'y hindi ko siya madalaw? Ayaw ng angkan nila? Oh. Huh. Ayaw ng angkan ko. Ang mismong angkan ko ang may ayaw. Iniisip nilang baka gumanti sila't higit pa raw sa ginawa nila kay Al ang iganti sa akin? Baka nga raw ay pagtangkaan pa ang aking buhay? Kaya't heto. Balik sa normal ang lahat. Kung anong normal kong buhay bago ko makilala ang isang Sepe.

  

Aalis na sana't manananghalian nang mapansin ang isang itim na bagay.

  

Nanlaki ang mata ko't tinakbo ang kinaroroonan no'n. Thank God! Iyong kapares ng sapatos ni Al! Halos maiyak ako. Ginugol ko talaga ang linggong ito para hanapin ang bagay na ito! Sa twing bigo ako sa paghahanap ay umiiyak na lamang ako. Hanggang sa makauwi.

  

Pero sa mga oras na ito?

  

Hindi ko alam? Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak gayong nahanap ko naman ang sapatos? 

"Ssen? " Boses ni Conde sa aking likuran.

Imbis na sa kanya'y tumagos sa kanyang likod ang aking paningin. Iniisip ang imahe ni Al na naglalakad sa malawak naming lupain na walang saplot, walang pang yapak, hinang-hina't nakakaawa ang sitwasyon. 

  

Pinuruhan siya nila.

  

Ni hindi nga ako sigurado kung nakakalakad ba talaga siya ng maayos ng mga oras na 'yon e? Paano kung nakadapa pala siya't ng lumakas-lakas ay pinilit niya palang lumaban para lang makalabas sa teritoryong ito? Paano kung gano'n nga?

  

Paano kung inabot siya ng ilang araw?

  

Hubo't hubad pa siya. Paano kung nilamig siya? Ni wala man lang ako para yakapin siya ng mga oras na 'yon? Ni wala man lang kaanak niya ang sumalubong sa kanya?

"No one helped him "

"Al na naman ba? " Sabi ng sumulpot na boses. Mainit na naman muli ang ulo ng lalaking dumating. Sumama ang aking timpla. Lumayo sa kanya't hindi siya binigyan ng pansin.

"Ssen... " Eventually I still feel important for him. "I'm sorry "

Hindi ko siya inimik at inangat ang sapatos. Tumulo ang laman nito sa loob. Isang pares ng sapatos. Check. Ang isusunod ko ay ang kanyang tuxedo na sa tingin ko'y aabutin rin ako ng mahaba-haba.

  

I don't care.

  

Pampalubag loob ko ito. Hindi ako makapag isip ng payapa. Maraming gumugulo sa aking isipan. Mabigat ang aking loob. Kahit sa ganitong paraan man lang. Sana. Sana kahit papaano'y maipadama ko lang sa kanyang humihingi ako ng kapatawaran.

  

Nag ugat ang lahat ng kamalasan niya ng umibig ako sa kanya.

  

Hindi nga ata tamang pagsamahin ang isang Sepe at Buencamino. Hindi sila pwedeng tumapak sa iisang lupain. They should always be east and west, north and south. Hindi pwedeng maging nasa iisang lugar. Hindi pwedeng magkasama. They could destroy each other, Ika nga ni Rivo.

Hinigit ang aking siko. Tumigil ako saglit. "I'm sorry, Ssen "

"Hindi kita gusto, Conde "

  

Nagulat ito.

 

Nagdilim ang mukha. "Alam ko. Patay na patay ka nga sa kanya e. As if you were born, not for another man, you were born for a Sepe " Pero iba ang naiisip ko? Hindi kami pwede.

Nag init ang talukap ng aking mata. Nag iwas ng tingin. "Ganoon pa man... Hindi ako nagsisising si Al ang unang lalaking pinag alayan ko ng puso't sarili "

  

Bumitaw ito. Ngumisi ako.

 

"Gusto kita, Ssen " Mabilis ring naglaho ang ngisi ko. B-Bakit gano'n? W-Wala akong maramdaman? Walang espesyal sa mga salitang 'yon? Bakit?!

  

Inabala ko ang sarili sa pagsuri sa basang sapatos ni Al.

 

Ayoko nang tumingin pa sa mata niya. "Ang swerte mo " Tumayo sa aking tapat. Ramdam ang titig nito. "Nakakalapit ka sa amin na walang malisya sa paningin nila. Nakakasalo mo kaming kumain at kahit nga ata sa mga fairy tale stories ng girl cousins ko, napapasama ka, Conde. Gusto ko ring maranasan ni Al 'yon? "

Iniisip na tulo lamang din 'yon ng sapatos subalit sa itaas galing. Pumikit para luminaw ang mata sa pagharang nito. Ang daloy ng akong luha'y ramdam na ramdam ko. Maiinit at masasagana. Hindi ko lubos maisip na hindi pa pala ako tapos sa pag iyak na ito.

"G-Gusto kong malaya s'yang nakakapasok sa lugar na ito't nirerespeto " Nag angat ng tingin sa kanya.

 

Lumambot ang mukha niya.


"Nirerespeto dahil gusto ko siya "

It will not happen. I will be a prisoner of my own family. This will also be the danger zone for him.

 

Our generation will experience the war that I previously ignored.

 

"Al... Alam mo nama--"

"Alam ang ano?! " Yumuko ito't hindi na itinuloy ang gustong sabihin. "Bakit ikaw nirerespeto nila? Dahil ba sa kaibigan ka ni Tyre? Bakit sila Dada? Kaibigan sila nila Xed, pero nirerespeto! So unfair! Kaibigan lang naman kayo! Dapat mas mataas 'yong gusto namin kaysa sa kaibigan lang! "


Pinagtutulak ko siya.


"Napakasama niyo! "

Aakmang tatalikod nang muli itong nagpamalas ng kasamaan. "Okay! " Nanlilisik ang aking mata ng mag angat ng tingin sa kanya. "Isantabi muna natin 'yong kaalamang isa s'yang Sepe? "


Nagpumiglas ako. Ayokong makinig.


Hihingi ako ng sorry kay Al, personally. Wala na akong pake kung magiging grounded ako pagkatapos nito. Para na rin naman akong grounded e. Nakakulong ako sa teritoryong ito.

"Hindi lang dahil sa isa s'yang Sepe kaya't hindi pwedeng maging kayo... " Ayokong marinig 'yong sasabihin niya.

Pupuntahan ko si Al kung nasaan man siya sa mga oras na ito. Pupuntahan ko siya para ibalik ang pares ng sapatos na ito. Lumabas man s'yang walang panyapak, for the last time, he still welcome in my life.


He can go back if he wants to.


... I will wait, wholeheartedly.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon