Kabanata 33

1 0 0
                                    

Isang.
   

 

Humigpit ang hawak ko sa braso ni Conde. Ang atensyon nito'y kanina pa nakamasid sa akin.

  

Nandito na nga ako pero bakit nag aalinlangan naman ako?

  

"Kung hindi ka pa ready na malaman ang totoo... Bumalik nalang tayo? " Tumingin sa kanya't umiling.

  

Tumango ito't inalok ang kamay.

  

Pero mas nag dalawang isip pa ako sa kaalamang nag aalok ito ng kamay at kailangang hawakan. Okay na nga sa akin ang braso e? Pero naisip ko rin na ang pangit tingnan kung ganoong klase nga ako hahawak.

"Did Blantyre Buencamino know about this? " Nagtagal sa akin ang tingin.

Muli akong namangha sa kakisigan ng tagapagmana ng pamilya Sepe. Hindi siya nag fa-failed na pamanghain ako kahit ang mga kalalakihan pa. Not surprisingly, as Tyre was impressed by him, gusto-gusto raw ni Tyre kung paano mag isip ang tagapagmana. Hindi niya nakikita si Red haired guy na kakompitensya. Para sa kanya'y nasa itaas ito't tinitinghala niya.

Hindi niya ako tinulungang kumonekta sa sitwasyon ni Al, bukod sa kaalamang binugbog niya ang bunso nitong kapatid, mataas ang paghanga niya rito't ayaw n'yang mabastos ito. Sobrang taas ng tingin ni Tyre sa kanya.

  

Gaya niya'y nag angat rin ako ng tingin.

  

"Hindi "

Ang tangkad. Magandang lalaki. Karespe-respeto pang tao. "Then leave? "

  

Natigilan kami.

  

Respeto ba kamo?

  

"Ang sabi ko'y saka niyo na kastiguhin si Al kung may nabuntis man siya sa lahi niyo? He cannot walk until now. I don't have to cut his legs para lang iharap sa inyo... " Ang puso ko'y kumirot. "I will submit him if necessary "

  

Suplado niya kaming tinalikuran.

 

Hindi pa man siya nakakalayo ay muli akong nagsalita. "Ang totoo n'yan... Wala ka talagang balak na iharap sa akin ang kapatid mo "

  

Humarap ito't nagkatitigan kami.

 

Blank lamang ang expression niya. Nilamig man sa klase ng tingin nito, hindi niya makakayang pantayan ang alab ng aking pagmamahal. I was determined to see and talk to Al.

"Tama ba? "

"At bakit ko siya hindi ihaharap sa'yo? "

"Dahil... Isa akong Buencamino "

"Ssen! " Banta ni Conde sa akin.

  

Hindi ako natakot.

  

Ngumisi ito. Nakita ang ngisi ni Al sa kanya. Muntik ko nang makalimutan na magkapatid nga pala ang dalawa.

  

"Not because you're a Buencamino, Ms. Buencamino "

Nagtaas ako ng kilay. Wala akong nakikitang iba pang dahilan para pagbawalan akong makipagkita sa kanya. "Ano? Dahil lang ba sa pinagbawalan ako na makita si Al ay ganoon na rin sa akin? Pati din ba si Al ay pinagbawalan na makita ako? Gano'n ba? Ha?! Dahil ba sa pinagba-bawalan din siya? "

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon