Patay gutom.
Everyone knows about the curse.
And there are times when I think of what if there wasn't really a curse at pinaniwalaan nalang din ng mga Sepe na huwag suklian itong mga nararamdaman namin?
"S-Sinong Sepe? " Tumingin ang inosente nitong mukha sa akin.
"Al Sepe "
Umiwas ito ng tingin at bumaling sa mailaw na sasakyan. "Si Tyre na siguro 'yan? O kung hindi si Tyre, baka si Conde? " Niyaya ko s'yang lumapit sa sasakyang 'yon para hindi na kami mahirapan pang maglakad ngayong dis oras na ng gabi.
Nasilaw sa liwanag kaya't pinangharang ko na lamang ang aking kamay. Gano'n din si Janslette. Pinilit na kinikilala ang lalaki sa loob nito at kataka-takang hindi pa siya lumalabas?
"Conde? "
Hinawakan ako ni Janslette sa siko. "Hindi siya 'yan " Sigurado n'yang sabi. Gumilid kami kaya't hindi na sa amin nasentro ang liwanag. Dahan-dahang lumapit sa kanya hanggang sa makilala ang lalaking sumulpot.
"Al! " Bumilis ang tibok ng aking puso.
Wala s'yang pake. Wala talaga s'yang pake. Pero 'yong effort na ginawa niya ngayon? Mas lalo pa akong nainlove. Sigurado na ako. Gusto ko ang lalaking ito. Gustong-gusto ko siya.
Hindi ito dala ng sumpa. Nararamdaman ko ito, sa loob ng aking dibdib. Maging ang aking utak ay nakikiayon. "Al! You found me! " Tumingin rin sa akin at nginitian ko siya ng pagkalawak-lawak.
Tumingin ito sa harapan at pinatay ang makina. Bago lumabas ay hindi nakaligtas sa aking mata ang pag igting ng panga nito. Grabe! Na-appreciate ko talaga ang paggawa sa lalaking ito. Sobrang perfect niya sa paningin ko't nababaliw akong mahawakan siya, mahalikan siya't maangkin maging ang puso niya.
Binuksan na para bang napilitan.
Pagkalabas niya'y dinambaan ko siya ng yakap. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Oh my gosh! Mas lalo akong naiinlove sa'yo, Al! " Nang makabawi'y inilayo niya ako sa kanya.
Dumistansya ako't nahiya sa inasal.
Hindi pa rin nawala ang ngiti sa aking labi. Ang puso ko'y masaya sa hindi ko inaasahang pagsulpot nito.
"Thank you " Bukal sa loob kong sabi.
"I must... " Yumuko. "Have done something right? "
Nabahag ang puso ko. Itong pakiramdam na ito ang nagpapasigla ng aking puso, Al Sepe. Napakaswerte ko ata sa lahi namin? Kahit hindi mo ako suklian dahil inaasahan ko na 'yon, atleast, sa history ng lahi namin ay may isang Sepe na naghanap sa isang Buencamino.
Ako 'yong Buencaminong 'yon at siya naman 'yong Sepe.
"Something right? " Muling nag angat ng ulo ng mawala na ang pagdududa sa isipan. "Na kinakailangan kong magpakalalaki sa isang babae't ihatid siya ng ligtas kahit hindi ko siya girlfriend dahil nangangailangan siya ng tulong " Wahhh! Ngayon mo sabihing huwag ko s'yang magustuhan dahil makakasama sa amin? Ngayon niyo sabihin? May dahilan kung bakit ko siya nagustuhan kahit pa playboy siya! He's a unique playboy for me. Gentlemen pero hard. Siguro nga'y iba lang 'yong una kong pagkakakilala sa kanya pero iba talaga e! Hindi siya malandi gaya ng iniisip ko noong una! Hindi siya malanding tingnan!
Agad itong tumalikod ng makabawi. Binuksan ang sa likod at hindi na muling humarap pa sa akin. "Ihahatid ko na kayo "
Tumingin ako kay Janslette at una s'yang pinapasok.
"Gusto ko sa tabi mo! " Sinira nito ang pinto.
"Ang mabuti pa'y maglakad ka nalang? " Mabilis n'yang pagpapalit ng attitude. Nanlaki ang mata ko. "Demanding ka e? " Bawi niya.
Umirap ako. "Magmumukha kang driver ko kung mag isa kalang sa harapan? "
"Sa gwapo kong ito? " Tila inis pa rin pero mahinahon na. "Mas nagmu-mukha kayong bayarin sa likuran ko? " Na s'yang ikinalaglag ng panga ko. Sumayad hanggang lupa't windang na windang pa rin.
Nakalimutan ko...
Ito nga pala ang Al na nakilala ko. Harsh and hard. Pinagbuksan ang sarili sa tabi nito. Pinagana niya ang makina't hindi nagsalita sa kalagitnaan ng byahe.
"Sa may kubo nalang! " Turo ko sa daan.
Tahimik lang na nakayuko si Janslette sa likod. Nahihimigan kong inaantok na ito kaya't hinayaan ko na lamang. Baka kasi kababalik niya lang ulit at babalik na naman siya bukas? Mas mabuti ngang magtagal siya roon kaysa 'yong ganitong kada sabado'y babalik at aalis rin ng linggo. Once a month ay okay na. Sigurado naman ako sa seguridad ng matanda n'yang mga magulang basta't nasa teritoryo namin.
"Ihatid nalang muna natin itong kasama ko dahil inaantok-antok na? "
Naalimpungatan ata. "Ha? Ay! Hindi na po! Dito nalang! Kahit dito nalang kasi masikip 'yong daan! Matatagalan kayong makabalik! Lalakarin ko nalang? "
Tama siya. "Sigurado ka? "
Tumingin ako sa daan na may kasikipan nga. "Hindi ako makakapayag " Ani ni Al Sepe.
Magpapaka-gentelman din siya?
"Kaya ko na! Malapit na rin naman e! "
"I insist " Napangiwi ako sa pagmamatigas nito. Parehas kaming napatahimik ni Janslette sa sitwasyon. Muli itong yumuko't pinasok talaga ni Al ang sasakyan sa payat na daan. Lumiwanag ang kubo't kita ko sa labas si Tyre, Conde at ang pamilya Grande.
Naunang lumabas si Janslette na sinundan ni Al. Huli ako. "Sabi na nga ba't mahahanap mo ang Senyorita Ssen! " Matagumpay na sabi ng ama nito.
"At matagumpay ka ring nakita ni Al Sepe... " Tumalim ang tingin ni Tyre.
Imbis na sa akin, sa kaharap ang tingin nito.
Sumulpot ako sa likuran ni Janslette. "Hindi kasi siya makampante hangga't may isang babaeng nangangailangan ng tulong niya! " May panunuya kong pagsingit. "Hindi tulad ng iba d'yan at sa babae pa talaga ako pinahanap ngayong hindi maganda sa babaeng nagpagala-gala ng gabi? "
"I have my ways to find you, Ssen. Iniisip ko lang kung marunong ka nang umuwi na hindi naliligaw? " Singit rin ni Conde.
Tinuro ko si Tyre. "Pero iba pa rin ang pakiramdam kapag alam mong kadugo mo 'yong nakahanap sa'yo! "
Nawala ang pagsusuplado nito't bumalik sa pang aasar. "Pero mas masarap pa rin sa pakiramdam kung 'yong taong nakahanap sa'yo ay mahal mo? " Laway. Gusto kong magpalunok ng laway pero natuyuan ako.
"Tubig? " Nataranta si Janslette at pumasok sa loob. Mabilis ring nakabalik na may bitbit na isang basong tubig. "Thank you! Matulog ka na rin? " Pagod itong ngumiti.
Tumingin ang dalawa kay Al kaya't napadpad din sa kanya ang aking atensyon. Masama ang timpla nito nang mapatingin sa akin. "Antok na antok ka na ba kaya ka beastmode ngayon? "
"Napilitan lang naman akong puntahan ka "
"Pwede mo naman akong i-ignore kung gugustuhin mo? "
"Kaya ko " Matapang na tumingin sa aking mata. "Pero sa ibang babae... Hindi ko kaya "
Bakit ako exception doon?
Hindi lang panga ang nalaglag ngayon... Pati balikat. "It’s just stupidity to give time and effort on someone that will completely destroy you. Buencamino ka nga, patay gutom sa lalaki "
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019