Respeto.
Isang kamot sa ulo ang pinakawalan ko.
Lahat sila'y nagsipagbabaan ng mga salawal kaya't naglabasan ang mga hubad nilang katawan. Ni hindi man lang mag shave ang mga loko?
Buti nalang at nag trim ako, Takaw infection daw kasi ang nagsha-shave and for good hygiene na lamang ang trim. Normal lang naman 'yon sa babae diba? Halos karamihan ay may mga balahibong pusa sa ibaba.
Umawra si Rivo't tumalon sa talon.
Natawa si Raika at Koen sa pakikipagsama sa tubig. Sa irita ko sa kanilang dalawa'y tinulak ko sila kaya't sumunod silang dalawa kay Rivo. Naiwan kami ni Xed.
Kaming magpi-pinsan ang close sa lahat dahil hindi nalalayo ang edad namin.
"Ayaw mo talagang maligo? " Ang buhok nitong maalon ay pumantay.
"Hinalikan ako ni Al " Sarap sa feels. Lakas nga lang maka-lutang. Tuminghala ako sa papalubog na araw.
"Ikaw ang bahala... Ikaw ng bahalang sumunod sa amin sa baba "
Tumalon na rin ito.
Ito ay bahagi pa rin ng lupain ng mga Buencamino. Dulong bahagi ito at private property talaga ng angkan namin. Bukod sa talon na maituturing namin na kayamanan, ang katahimikan sa lugar na ito ang pinaka-iniingatan namin.
Sumilip ako sa baba't tuwang-tuwa sila sa biyaya ng panginoon.
Malamig ang tubig, malinaw din ito. Sariwang-sariwa.
Ito ang gusto ko.
Itong lugar na ito ang yamang hindi maaaring pasukin ninuman bukod sa aming lahi. Sino pa bang nakapasok sa lugar na ito? Pamilya Grande, Lakas maka-sosyal ng apelyido nila e. Sila 'yong care taker namin sa bahaging ito.
Ang mag asawang Grande'y umaalis sa lugar na ito tuwing death anniversary ni Buencamino Sr. bilang pagbibigay respeto sa may ari ng lupain dahil sila'y mga umuukupa lamang na walang bayad. Bilang ganti sa kabaitan ng angkan ko'y naninilbihan pa rin sila hanggang ngayon. "So, Bakit ang malas ng angkan ko kahit ang bait-bait namin? "
"Ssen! " Oo na po.
Bababa ako sa matutulis na bato o 'di naman kaya'y humanap ng ligtas na ruta patungo sa baba? Talon nalang din kaya ako?
Ayokong mag-effort kung may mabilis naman na way.
Bumuntong hininga ako't tinanggal ang aking damit. Rinig ko ang tawanan nila sa baba. "SsenTot! " Sa inis ko'y pina-agos ko rin ang aking damit sa baba. "Ahh! Ano 'yon?! "
"Octupos na makati! "
"Seriously, Ssen?! Sa falls? "
Pfft. Halata sa tono nilang kinabahan sila kaya't sinunod ko ang jeans ko. Sa pagkakataong nito'y nagsipaghiyawan pa sila ng mas malakas. "More! " More? Right. Sinunod ko ang bra ko kaya't mas lalong lumakas ang hiyawan nila.
"Guys! " Sigaw ko. "Nakaka-attract kayo ng ingay! Baka may engkanto dito! "
"Whooa! Ssen! Iyong sa baba pa! "
Hayop. Atat lang? "Psst! Huwag kayong maingay! " Gosh. Ayoko talagang nagsisipagsama sa mga 'yan. Nakakahiya kung sakaling may matandang namboboso pala sa amin? Eww. Makakapatay talaga ako kung sakaling may mamboso nga sa amin.
"Ang tagal na nating ginagawa 'to, Ssen! "
"I know! " Sigaw ko sa baba. "I... "
Tumingin sa sikat ng araw. Tirik na tirik. Kitang-kita kami nang maliwanagan kung tutuusin. Gaya nga ng sinabi ni Raika, Matagal na namin itong ginagawa. Wala ni isang nakahuli sa amin. As with other maria clara, for us, our bodies are sacred. Walang pwedeng bumastos. Walang pwedeng makakita hangga't hindi siya ang taong pag aalayan namin ng aming sarili.
Saglit ko lang niyakap ang dibdib dahil sa hiyang walang dahilan.
Ilang minuto pa't napagpasyahan kong isunod ang pang-ibaba. Nahiya na naman ako't nagpalinga-linga sa paligid.
"SsenTot? " Rivo.
"Ewan ko ba? " Sumama ang aking kutob. "Pakiramdam ko'y may nagmamatyag sa atin? "
"Guni-guni mo lang 'yon! " Malakas na sigaw ni Koen na nilamangan ng ingay nang pag ragasa ng tubig.
"Hala! Baka pinagnanasaan ka na ng engkanto d'yan sa taas! " Panakot ni Rivo.
Mas lalo akong kinilabutan. Nagtaasan ang aking mga balahibo. Agad akong tumingin sa tubig at mas lalo akong nilamig. Shit. Malamig at heto pa ako't kinikilabutan? Argh. Creepy ha? Creepy talaga. Lumunok ako't inapak ang paa sa malamig nitong tubig. I trembled and prayed for nothing.
Dumilat at sa pagdilat ko'y nakakita ako ng pambihirang nilalang. Our eyes met and experienced the stopping of the world. Akala ko'y wala lang 'yong mga salitang 'yon?
Pero nang maranasan ko... Totoo pala.
Bumagal ang oras. Ang mundo ko'y huminto. Ng mga oras na 'yon... Doon ko napagtantong iba talaga ang impact niya.
Siya na ba ang soulmate ko?
Bakit ibang-iba ang impact niya kumpara sa mga lalaking hindi ipinagbabawal sa amin?
"Al! " Para akong napapaso. Buong init sa aking katawan ay napadpad na lamang sa aking buong mukha.
Nawala ang balanse ko kaya't nagising ako sa pagkalunod.
"Hey! Ms. Buencamino? " Sumugod ito't nagpatangay rin sa agos.
Oh shit! Hindi pwede!
Nataranta ako't tinatagan ang apak habang nilalabanan ang lakas ng tubig. Hindi kami pwedeng mahulog sa talon! Makikita n'yang hubo't hubad ang mga pinsan ko! Oh my gosh! Malas! Malas! Malas! Malas na lahi 'to! Ngayon ko lang napatunayan na ang malas talaga ng lahi ko! Al Sepe! Binabaliw mo akong playboy ka!
"Hold my hand! " Inalok niya ang kanyang kamay.
"Kasal na ba sunod nito? " Nagawa ko pang magbiro.
Tumalim ang tingin nito't muntik pang mawala sa balanse.
"Don't fall... You'll sink " Ouch.
Humawak na nga ako't sabay kaming tumungo sa pampang. Ang puso ko'y sumobra ng ingay kahit ng nasa tubig pa lamang kami. "Hindi ako natatakot malunod, Sepe. Natatakot akong hindi malaman ang dahilan kung bakit kahit lunod na nga 'yong iba... Hindi pa rin sila umaahon? "
"What? " Nagsalubong ang kilay.
Napadpad sa iba ang tingin nito't kinunotan ko siya ng noo. Yumuko rin at nakita ang hubad kong katawan. Nanigas ako't nanatili ang tingin sa trim kong pubic hair! Patay. Hindi ako nag shave! Hindi ako nag shave. Sana'y nag shave nalang pala ako?! Sana'y... Masisiraan ako ng bait. Mapapaaga ang pagkabaliw ko.
"Wanna borrow my polo shirt? "
Manghang tuminghala sa kanya. "S-Seryoso ka? " Umiwas ito ng tingin. Mabilis kong tinakpan ang katawan gamit rin ang parte ng aking katawan. "Pahihiramin mo ko? I mean, parehas tayong basa. Maiintindihan kong para lamang matakpan ang hindi dapat matakpan sa aking katawan kahit paano, kahit basa pero... " Muling tumingin sa aking mata. "Hindi ka ba naaakit sa hubad kong katawan? "
"Anong tingin mo sa akin? Bastos? "
"Oo! " Bigla kong gatong. "Playboy ka e! "
"I'm not a pure fuckboy, Buencamino! " Tila nainsulto pa sa aking nasabi. "Hindi 'yon maiaalis sa akin pero may respect pa rin naman ako sa isang babae! "
"Wow! " Nawala ang inis sa aking sistema.
Umigting ang panga nito.
Sa puntong ito'y hindi niya na nagawa pang tumingin sa akin ng deritso dahil sa hiya.
"Ito lang 'yong pag respetong alam ko. Hindi man kita makausap ng maayos, kayang kitang respetuhin sa paraang deserve ng bawat babae " Mah heart... Mah soul... Nabaliw na... Nahulog na.
Uno puso. Patay tayo d'yan.
"Pakasalan mo ko, Sepe. Nakita mo ang hubad kong katawan na dapat ay sa taong pag aalayan ko lamang dapat ng sarili? "
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019