Fantasy.
"Pangalawang araw na nila itong puro tubig lang... " Tukoy niya sa mag asawang Grande.
"Ikaw din naman ha? "
Tumingin sa aking mata. "Kaya ko pa. Pero sila? " Muli itong tumayo at nagsalok ng tubig sa palad.
Bumalik muli sa amin at nilagpasan ako. Lumuhod ito sa matandang lalaki at pinainom ng tubig gamit ang palad.
Kita ko ang kagalakan sa puso ng asawa nito. "Salamat " Hindi ko 'yon narinig dahil sa sobrang hina. Ibinase ko 'yon sa buka ng bibig nito.
Sunod niya ring pinainom ang isa.
"Al... " Umupo sa aking tabi ng matapos.
"Nauuhaw ka rin ba? "
"Magdamag mo na ba 'yong ginagawa sa kanila? " Inosente itong tumingin sa akin. May mangha sa aking mata. 'Di nga? Ibig sabihin ay kahapon niya pa 'to ginagawa? Hindi nga? Si Al, Nagsasalok ng tubig sa palad, para sa ibang tao? Wow.
Ngumiti ako nang may maalala. "Hindi ako nauuhaw "
"Mabuti naman "
Iginala ko ang aking mata sa katititig sa mukha nito.
Sa paglipas ng panahon ay halos wala pa rin itong pinagbago. "Bakit mo 'yon ginagawa? "
Kumunot ang noo. "Walang pinipili ang pagtulong "
Hindi inalis ang tingin sa kanya't pinag aralan ang pagkaka-depina ng mga bagay-bagay sa kanya. Mas kumapal din ata ang kilay niya't pansin ang pag ahit no'n. Mas makapal ba 'yon kaysa sa dati? Maging ang panga niya'y para bang ang sarap haplusin. Kung hindi ko lang alam na may nag ma-may ari na sa kanya'y baka ginapangan ko na ang isang 'to sa sobrang kakaiba niya sa mga Sepe. Iyong ilong ay matangos pa rin... Iyong lips na kissable... Ang nakakaakit nitong mata'y kanina pa rin pala nakatitig sa akin.
Uminit ang mukha ko.
"Sabagay, " Umiwas ng tingin. "Kahit ako rin naman ay tutulong dahil nasasakupan namin sila "
"... Help them because they need it at hindi lang dahil sa nasasakupan mo sila "
Agad na napatingin sa mag asawa. Nakaramdam ako ng awa.
"Tutulong din naman ako kahit hindi namin nasasakupan! "
"And when did you help others? " My eyes widened.
He smirked.
Umayos ng upo. "I'm helping! I will help! "
Tumango siya't labas na naman sa kabilang tainga. "Sabi mo e "
"Hindi ka naniniwala! " Ani ko.
"Tinutulungan ko sila hindi lang dahil sa may mabigat akong dahilan... Tinutulungan ko sila dahil deserve nila 'yon " Napatahimik ako ng mga salita niya. "Magiging mag isa sana ako sa lugar na ito kung hindi ko sila tinulungan "
Noon pa man. Hindi ko man usisain lahat. Alam ko ang kaibahan niya sa mga lalaking nakilala ko. I believe in that thing. I am convinced, Sepe.
Muling namayani ang katahimikan.
Naging abala ito sa pag iisip. Hindi niya namalayan na kanina ko pa pala siya pinagmamasdan.
"E, Ikaw? " Nahihiya kong tanong. "Nauuhaw ka ba? "
Nakuha ko muli ang atensyon niya.

BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019