Baliw.
"You broke their four years relationship! " Tumigil ito sa paglalakad.Inis na humarap sa akin at muling natapatan ang galit nitong mukha. Ewan ko ba? Hindi ako natatakot sa kanya. Hindi ako makaramdam ng takot. Isa s'yang Sepe subalit hindi 'yon ang nakikita ko... Nakikita ko s'yang espesyal kahit pa bahagi lamang siya ng ordinaryong lipunang ito.
Ang mata nito'y tumagos sa likod kung nasaan si Conde at Tyre. Tahimik lamang 'yong dalawa subalit ramdam ko ang naninimbang nilang presensya.
Ibinalik sa akin ang tingin. "Galit ka dahil nilandi ko 'yong babae 'no? " Malamang! Malandi siya't hindi niya dapat nilandi ang babaeng 'yon, Edi sana... Hindi siya nakasira ng isang relasyon.
"I'm a girl. I know the feelings of my fellow women "
"Pero hindi mo pa nararanasan 'yong pakiramdam na pinag... " Hindi nakaligtas sa aking mata ang pag galaw ng adams apple nito. Kumunot ang noo ko't inisip ang dahilan kung bakit siya natigilan.
"Ano? "
"Nothing " Bawi niya't lumiwanag ang awra.
"Wala man akong experience sa gano'n. Alam ko 'yong pakiramdam na sinaktan, Al Sepe "
"Iyan ang hirap sa inyong mga babae. Hindi porket babae ka'y akala mo'y siya na 'yong dehado rito dahil lang sa tingin ng mundo'y mahina kayo, samantalang both parties can do cheating " Ah. Kasi 'yon ang pananaw niya. Malalakas ang mga babae. Ang malagpasan ang isang pagkabigo'y isang tagumpay para ipakitang kinaya mo ang hamon ng buhay. Mas malakas kami kaysa sa inyo.
"Hindi lang kami basta babae "
"Don't act innocent, Woman can cheat "
"Dahil nilandi mo! "
"Nagpalandi sila. Watch out, Mas manloloko pa ang babae kaysa sa lalaki "
Aangal pa sana ako subalit tinalikuran niya na ako nang may sumundo sa kanya.
Isang pulang kotse't pumasok na sa loob.
"Ssen " Tawag sa akin ni Tyre.
Ang tingin ko'y nasa pulang sasakyan pa rin. Ilang minuto pa itong nakahinto kaya't hindi ako kaagad humarap sa dalawa. Nang mawala'y saka lamang ako nag response.
"Po? "
Matapang pa rin ang awra ni Tyre. "Hindi mo pa ba nakukuha ang nangyari kanina? "
Huh?
Si Conde'y tahimik na tumango. Nakuha nito ang nais iparating ni Tyre kaya't kalmado siya.
"Ano ba 'yon? "
"The girl is cheating "
"Kasi nilandi ni Al! " Sigaw ko't umigting ang panga nito.
Tumahimik ako't hinayaan siya sa gusto n'yang sabihin. Senyales na rin na hindi siya nakikipagbiruan. "The girl is cheating to her partner, Ssen. The man is a victim and not the woman. Iyong ginawa ni Al? Inilalabas niya lamang ang tunay na kulay ng mga babaeng 'yon. Sa madaling sabi, Pinaglalaruan niya ang mga player to get revenge. Kuha mo? "
Gano'n?
Pero? Pero four years sila? Four fucking years at pinagpalit lamang sa isang pagkakamali? Kung hindi siya nilandi ni Al, Edi sana... Sana'y... Sana'y walang nasasaktan ngayon.

BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019