Kabanata 40

3 0 0
                                    

Law.

  

"Parating na rin si ate Koen rito, ate "

  

Nagkatinginan kami ni Kai.

  

"Bakit raw? " Tanong ni Xed sa bunsong kapatid.

"Halos lahat daw tayo pinuntahan ng mga Sepe pero bakit siya daw hindi? " Umiling-iling na lamang ako.

Lumapit sa akin si Kai para bumulong. "Ako na ang bahala rito. Ang mabuti pa'y alisin mo muna ang Sepe'ng 'yan? "

"Good idea " Masama kasi ang naiisip namin.

Lumapit ako kay Red at pinaki-usapan s'yang umalis nalang muna. Hindi kasi maganda ang kutob ko kung sakaling mag pang abot silang tatlo.

"T-Teka lang! " Hinila siya ni Kai.

"Hihirit pa, may anak na 'yan " Saka lamang umatras si Xed.

Peke akong ngumiti sa lalaki. He really has a son. The hotter, manly and more mature, Sepe, was happily in a relationship with his obligations as a father. Some women do not accept this fact... Bigla na lamang s'yang nawala in the middle of the declaration as a successor, nagulat na lamang kami na sa panganay na apo na ang pamumuno.

  

Bigla na lamang s'yang nawala.

  

We didn't hear anything about him, as if the existence of the heir was lost in the world.

  

Nayanig ang lahat ng mga kababaihan... Nang bumalik s'yang... May anak na.

  

"I... I... Miss him " Malungkot na ani ni Xed.

  

Umiwas ng tingin si Red.

  

"Umalis na tayo " Dahil t'yak akong hindi ito palalampasin ni Koen.

"You view life differently, Now. That's what made me fall inlove with you. Harder, Sepe "

Umigting ang panga nito. Sa kalaunan ay sumagot rin. "I am married "

 

Nanlaki ang aming mga mata.

  

Mahina itong natawa. "Things started to change when i decided to leave. Sa huli, I proved to you I am not the one "

Nakakagulat 'yong balitang may anak na siya. Pero mas huli na ang lahat sa katotohanang kasal na siya. Iniisip ko pa ngang nagsisinungaling lamang ito? Pero paano kung gano'n nga? Paano kung totoo ngang kinasal na ito? Ang tagal n'yang nawala! Bigla na lamang s'yang sumulpot at pagbalik niya, There was something about his principles that amazed me.

"Your family didn't accept our help "

Nang makabawi'y kumunot ang aking noo. "Paanong hindi? "

"Their pride is too high to receive help from us "

Gano'n. Ngumiwi ako. "Gusto mo bang kontakin ko si Mommy? Ngayon niya mas kailangan ng tulong, tagapagmana! "

Hindi ko pinag-isipan. Konting kibot ng labi't halos kagatin ko ang sariling dila. "Sorry " Pagpapaumanhin ko dahil sa panandaliang nakalimot.

  

Wala na dapat titulo!

  

Isa na lamang s'yang ordinaryong Sepe. Determinado na rin kasi ako, kaya gano'n. "Ngayon namin mas kailangan ng tulong! Isantabi muna ang pride pride na 'yan! Kailangan ng pagkakaisa. Hindi lang ito simpleng alitan na gaya nang nagaganap sa lahi natin? It's a real war. As the sun rises, the damage is getting worse, not only in our territory, but also in our minds, sa mga naging biktima ng gulong ito. Kailangan nating pairalin ang pagkakaisa kaysa galit. Pare-parehas tayong Pilipino, dugong Pilipino. Why don't we submit to the same law? " Determinado para sa pagbabago. "Ika nga sa bibliya, Let us love one another "

"Kung... Kung sakaling mabawi ko ang posisyon... Iyon talaga ang una kong gagawin " Ikinagulat ko ang bagay na 'yon.

  

Ikinagulat ko na kasama kami sa plano niya.

  

May kung anong nagpagaan ng aking loob sa kaunting salita na 'yon. Iyong dating ang taas-taas ng tingin ko sa kanya, para bang kapantay ko na lamang siya ngayon. Hindi na ako nakaramdam pa nang pangmamaliit. Hindi niya ako kinakausap para maliitin, kinakausap niya ako na para bang may malalim kaming koneksyon sa isa't isa.

"I have seen this long before " May mangha sa akin. "Sepe and Buencamino family... Without fighting "

  

Aakmang aalis na nang pigilan ko ito sa pagpasok sa kanyang sasakyan. 

  

"Pupunta ka nang Buencamino Real ngayon, sasamahan kita! "

"Mapanganib "

"Alam ko. Alam mo ring mapanganib. Pero kahit alam mong mapanganib... Pupuntahan mo pa rin si Al, Hindi ba? " Tumingin muli sa aking mata na para bang binabasa ang aking iniisip. "You have already received a rejection from our family. Like you, Sepe. I also want to save the entire Buencamino Real "

"Hindi mo ako naiin-- "

"Hindi ako manghihimasok! Papapasukin kita sa Buencamino Real without breaking the law! " Umawang ang bibig nito. "Para sa buong Buencamino Real, ililigtas natin sila "

"Hindi ang Buencamino Real ang gusto kong iligtas "

Asa pa ako. "Kasi kapatid mo si Al, blah blah blah... " Binalewala ang sinasabi niya sabay takip ng tainga.

"... Kundi ang mga Buencamino mismo "

  

Wala kaming kibuan pagkatapos marinig 'yon.

  

"Ikinalulungkot ko't limang araw na lamang ang natitira bago ang kasal ni Al " Ani ko para mawala ang mahaba-habang awkwardness sa  pagitan namin.

Nasa bungad pa lamang ay hinarang na kaagad kami. "D'yan lang kayo. Bawal nang pumasok pa dito "

Sumilip ako sa bintana. "Nasa loob po ang mga magulang ko "

"Nililikas na ang mga nasa loob. Hindi na kami nagpapapasok pa "

"Iyong mommy ko po, tumawag siya sa akin kahapon! Nasa loob pa rin po siya! "

"Ma'am, Hindi na po talaga pwede. Ang mabuti pa'y umalis na lamang kayo para hindi kayo madam--"

"Sir! " Tawag ng isa.

Nang makalapit ay si Red naman ang kumausap. "Hindi po kami pinapapasok sa loob. Utos po ng mga Buencamino "

Tumingin din ang sundalo sa kanya. "Buencamino ako! " Tukoy ko sa aking sarili. "BUENCAMINO KAMI NG BANSA. PINAHIHINTULUTAN KO KAYONG PUMASOK! " Isinigaw ko talaga para marinig ng lahat. Isa akong Buencamino. Bahagi ako ng gyenigerang lupain ng Buencamino Real. Ano mang kinahaharap ng aming lupain, MAKAKAAHON KAMI.

Habang tanaw rin sa kalayuan ang mausok naming lupain at naglalagas nitong kagubatan... Nawalan ng ganda... Hindi dito natatapos ang lahat.

 

Gaya ko'y mag su-survive rin ang lupaing ito.

 

Itatama namin ang lahat. Ibabalik sa kung ano ang nasa dapat nitong kalagyan.

 

Kasama na do'n si Al. Sa altar. Kaharap ang babaeng minamahal niya. Will start a new future. Payapang mundo. Ang sarap pakinggan. Ang sarap sa pakiramdam. Everything is all right. It's not too late. Makakaahon kami.

 

Pinatay nito ang makina kaya't nabalik sa kanya ang aking atensyon.

Inalis ang seatbelt at aalisin na rin sana ang sa'kin nang magsalita ito. "We must defend ourselves and apply a law that suits our rights even if we committed a sin, Buencamino. Though it's risky and hard for many lives... Walang batas-batas sa panahon ng gyera. People seek for better future, Buencamino Real needs help of unity, This hope is for all. All "

Saka lumabas ng sasakyan.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon