Kabanata 17

5 0 0
                                    

Buwan.
   

Nakalimutan kong wala palang wifi sa lugar na ito kumpara sa mansyon namin kaya't titiisin ko na lamang muna ang free data.

  

Madilim sa lugar.

 

Rinig ang ingay ng paligid sa sobrang katahimikan ng gabi. Dinistract ko ang aking sarili sa pagsu-surf sa facebook.

Tanging brightness lamang ng aking cellphone ang lumalaban sa liwanag ng buwan. Hanggang sa makapasok muli sa sariling mundo't mawalan ng pake sa mundong aking kinabibilangan...

  

Biglang may lumitaw na nguso sa kawalan.

  

Isang malaking nguso't para akong tinakasan ng huwisyo ng bigla na lamang kaming nagkagulatan ng kabayo! Lokong kabayo! Nagulat ako! Abah, nagulat rin siya! Gustong maki-chismis at dahil rin sa nangyari, bigla akong nabaliw ng bongga.

"AAHHH! " Napasigaw ako ng malakas.

Ang takot ko'y tumindi. Hindi napigilan ang sariling katawan. Marahil ay matatawa sila sa sitwasyon ko pero hindi ako natutuwa! Binulaga ako ng kabayo! Ginulat niya ako! Pakiramdam ko'y malalagutan ako ng hininga sa grabeng nyerbos! Jusko!

  

Isang pahid sa pawis at boom... Naligaw ako.

  

"Eh? " Lumunok sa madilim na kagubatan. "Tyre! "Dinial si Tyre at narinig ko ang halakhak nito sa kabilang linya.

"You're not funny! " Bulalas ko sa galit.

Rinig ko na rin ang halakhak ng iba pa. "Gosh! Tyre! I need you! I'm scared! " Hindi pa rin tumigil na para bang sinadya kong magpatawa, e halos atakihin nga ako e?!

  

Pati puso ko'y naiwan din ata ang pagiging normal.

  

Malakas at mabilis ang pagtibok nito. Na s'yang hindi normal sa akin. Lintik. Naliligaw ako. Hindi ko kabisado ang daan pabalik ng mansyon kung gabi na! Malo-lowbat ang cp ko kung gagamitan ko ng flash light. Huhuhu. I feel helpless.

  

Oy!

  

Anong ingay 'yon?

 

"Atapang ako! " Atapang a tao. Lintik! Hindi ako matapang! Natatakot nga ako sa simpleng butiki e! Paano kung may sawa rito?

  

Walang mananagot sa akin!

 

"Tyre! " Muli kong tawag sa kanya.

"Huh? " Boses sa kabilang linya. "Who's this? "

"Who fucking this?! " Pag uulit ko't inilayo sa tainga ang cellphone. Agad rumihistro ang numera ni Al, na ikinalaki ng mata ko.

  

Malas.

 

"Al... "

"Delete my number " Agad-agad? Ayaw niya ba talaga sa akin?

"A-Ako 'to... Si Ssen "

"Ssen, Who? " Para bang totoo ang tanong nito. Medyo nainsulto ako sa tanong na 'yon pagkarinig.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon