Kabanata 29

0 0 0
                                    

Matter.
   

Nabasa ang suot kong gown.

  

Naglalakad kami ngayong nakayapak sa paligid ng talon. Halos hindi ko marinig ang ingay nila dahil sa malakas na pagbagsak ng tubig nito.

  

Nilamig ako't muntik nang madulas. Mabuti na lamang at nahawakan ni Al ang kamay ko.

  

Bibitaw sana nang humigpit rin ito. Napangiti ako ng palihim. "Thank you "

"They will kill me if you ever get hurt "

"Ouch " Umarteng nasaktan. "Sana'y sinakyan mo nalang ako. Birthday ko pa naman ngayon? "

Bumitaw ito't napanguso akong bigla. "Abuso ka hindi porket birthday mo "

Not gentleman. Una itong naglakad habang ako'y hirap na hirap. Bukod sa naka-paa na ako ngayon, imbis na heels, ang bigat ng gown ko! Super bigat ng pa-balloon kong gown dahil basa! Mas dumoble pa ata ang bigat n'yang naiisip ko na nga ring tanggalin na rin.

  

Good idea.

  

Mabilis ko ring iwinaksi sa isipan. Okay lang sana kung si Al 'yong makakakita e? Pero sa oras na tanggalin ko ito'y baka buong nayon ang makatuklas dahil pinaghahanap pa rin nila kami hanggang ngayon.

Huminto siya. "Naririnig ko sila "

Oh shit! Napakapit ako sa polo rin nitong basa. Hawak sa braso ang tuxedo. Sa kabila naman ang dalawa n'yang sapatos.

"Bilisan natin! " Taranta kong ani.

Tumingin ito sa akin. Bagot. " Leave me here. Ako nalang ang magtatago "

  

Hindi ako sumagot.

  

Nagpatuloy siya. "Hanggang dito nalang ang tulong na titiisin ko galing sa'yo, Buencamino. Bumalik ka na ro'n. Hindi ka dapat naririto? " Muli akong pumikit sa iritasyon. "Dapat ay nagsasaya ka sa party mo? Sumasayaw, kumakain, nag e-enjoy kasama ang mga kamag anak mo, kaibigan... Siya? "

"Paano ako mag e-enjoy kung halos ipagtabuyan ka ng lahat? " Nag angat ng ulo sa kanya. "Party? Sa sobrang kaadikan ko sa'yo, para na ngang party mo 'yong party ko e? Mga panauhing may maskara't mukha mo ang naka imprinta. Kahit iyong invitation card ko'y walang paalam na kinuha sa timeline mo. Ginawa nila 'yon para idama sa akin na kahit sa kahibangang ito man lang... Nakasama kita sa birthday ko "

"Hindi kasi dapat ako ang kasama mo, kundi siya! "

"E, Sino bang siya ang tinutukoy mo?! " Lumapit ako't pinaglapit muli ang aming distansya.

"Your boyfriend! "

"Wala akong boyfriend, Al Sepe! "

"Shaking someone's faith is my expertise, Ssen. Don't fantasize on your idea of me, liking you. Unless? You are some kind of manhid, which I know you’re not. Ito ang dahilan ko kung bakit ako naririto "

  

Ouch. Sakit sa heart.

  

Kinagat ko ang ibabang labi at tinulak siya sa talon.

  

"WHAT THE! " Nakatayo ito ngayon. Buti nalang at hindi naanod. Binato ko rin ang takong ko sa kanya't nasalo niya.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon