Kabanata 26

0 0 0
                                    

Maskara.
   

"I'm dead! "

"Birthday mo tapos usapang death ang gusto mo? " Pabiro n'yang sabi. "May movie n'yan! Happy death day, Ssen Buencamino Alawi " Ikaw ang mauuna sa ating dalawa!

Nagtaasan ang aking mga balahibo dahil na rin sa suot kong gown. Ibang kilabot ang dala nang kaalamang narito ngayon ang totoong Al Sepe na banned sa buong Buencamino Real.

  

Nakikihalubilo.

  

Nakikisali sa kasiyahan. Habang ako'y hindi na mapakali. Halos maihi sa sariling party. Don't ruin my party but you really made my day, Jerk. Kaya gustong-gusto kita e.

"I wasn't aware that you are a gate crasher? "

"My real plan is to gate crash your relationship with your new found love. I didn't know that it's your birthday? "

Hinawakan sa kurbata nito. "Mas matutuwa ako kung lalandiin mo ako after this? " AT KUNG SINO MAN ANG NAG IMBITA SA TUNAY NA AL AY ANG TANGA MO!

"I'm starting "

  

Kinagat ko ang ibabang labi para maitago ang kilig.

  

Ang kamay niya'y parehas napadpad sa aking baywang. Takot ang namayani sa aking sistema, kasabay ng paglinga-linga sa paligid. Binitawan ko ang kurbata't inayos ang maskara ni Al, na siya rin mismo.

Alam kong siya 'to. Sa buhok, sa tindig, sa lakas ng loob, sa mata at mas lalong-lalo na sa pakiramdam na kaya n'yang ipadama sa akin. Itong pintig ng puso kong napapatanong kung dahil ba ito sa kaba na baka mahuli kami o dahil ito talaga ang pakiramdam ng inlove sa isang tao?

"I love you, Al "

  

Tumingin sa aking mata't kinilabutan ako.

  

Hindi siya nagsalita't lumayo nang si Tyre na mismo ang umagaw sa akin sa kanya. "Al " Shit! Nakilala niya.

Itinaas ni Al ang dalawang kamay. "Wala akong gagawing eskandalo "

"Subukan mo't ipapa-gang bang kita sa buong angkan "

"So gross! "

"Leave "

Hindi nakaligtas sa akin ang pag irap nito. Tumingin ako kay Tyre. "Hindi siya mapapano, Ssen. Huwag ka lang gumawa ng ikapapahamak niya "

"Pero si Al? "

"D'yan lang 'yan. Kakain "

"Paano kung uminom siya? "

"Yari siya. Dapat kasi ang mga magagandang lalaki'y hindi nag pupunta sa kung saan-saan. Paano kung ma-rape siya't pag interesan? Sa panahon ngayon--"

"Stop! " Lumayo sa kanya. "I'll follow him. Hindi niya kabisado ang lugar na ito at baka mapano siya kung maggaga-gala pa siya? Hindi rape ang iniisip kong masamang pwedeng mangyari sa kanya rito "

"You'll stay here. It's your party "

"Baka mapagkamalan s'yang magnanakaw! O kung hindi man, baka baboy ramo! " Nagtaray ang kilay ko. "Alam mong pinapaputukan nila ang sinumang paghinalaan nilang banta sa angkan natin? Sa oras na ito, posible "

"Hindi siya hayop, Ssen. Sepe siya " Kaya nga mas lalo akong dapat kabahan e! Sepe siya! Kahit pa sabihing makapangyaring pamilya rin sila, nasa teritoryo siya natin! Our land, our rules! Hangga't nasa lupain natin siya'y hindi siya ligtas.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon