Worth.
Ako panget? Sa gandang kong ito'y panget pa sa standard niya? Abah ayos. "May problema ba 'yang mata mo? "
"Hmm? " Biglaan nitong iginilid ang aking sasakyan. "Wala. Bakit? "
"Bakit? " Sarap talagang sakalin. "Ikumpara mo naman 'yong beauty ko sa babae mo kanina? "
"Babae ba 'yon? Akala ko'y bitch "
Umawang ang aking labi.
Pumapasok ba talaga sa kanyang isipan na kapag nakipagrelasyon ka sa isang tao'y tanggap mo dapat ang lahat sa kanya? That you need to respect someone? She is also part of your obligations because you're committed. Kung gusto mo namang manira ng isang relasyon ay dapat lang na saluhin mo siya sa kanyang pagbagsak at damayan sa kanyang pagtataksil. Cheating is a choice! Ikaw ang pinili niya kahit mali! Dapat ay handa ka sa kinalalabasan nito, sa resulta nito.
Ngumisi ito sa reaksyon ko at lumabas. Maging ako'y lumabas rin. "May damage 'yong new car ko! "
Tumingin rin ito sa nabasag. "Nakikita ko nga "
"Bayaran mo! "
"Mayaman kayo 'di ba? " Kinagat ko ang ibabang labi.
"May pera ka rin namang pambayad ha? "
"Ako ba nakasira n'yan? " Binalewala nito ang aking paghihimutok. Ipinasok ang kamay sa bulsa't cool na tumingin sa akin. Iritado man ang tingin nito'y hindi ko maiwasang mamangha sa taglay n'yang kagwapuhan.
Nagdidilim man ang mood nito'y nagliliwanag naman sa akin ang mukha nito dahil sa ganda ng kanyang balat. Ang puti! Glowing white ang kulay ng kanyang balat! Mas attracted talaga ako sa mga mapuputi't hindi kataka-taka na maraming nahuhumaling sa kanya. Tss. Marami rin kasi s'yang naloloko.
"Maganda ba lahi niyo? "
Pagbabago ko ng usapan.
"Buencamino ka 'di ba? " Kumunot ang noo ko. "Wala bang maganda sa lahi niyo? " Wow! Kami pa talaga ang nahanapan mo ng kapintasan ha? Hindi ba papuri ang dating sa'yo no'n? Bakit parang lait kung pakinggan sa amin?
"Magaganda! Syempre! "
"Ah " Sumilay ang ngisi. "Kaya pala puro basted 'yong mga babae sa angkan niyo 'no? " Natawa ito sa sariling nabanggit.
"KASI MGA HEART BREAKER KAYO! "
Itinaas nito ang dalawang kamay. "Chillax? " Natutuwa na sa sitwasyon. "Kasalanan ba ng angkan namin kung hindi lang talaga namin kayo type? " Obvious sa tono ng pananalita nito ang paghuhusga.
Kailangan kong itayo ang aming bandera!
Buong angkan ko ang nilalait niya.
"Akala mo lang 'yon! Akala mo ba'y patay na patay ako sa'yo?! "
"Pfft! " May kumawalang tawa sa kanyang maruming bibig. "Iyan din 'yong sinabi ng mga tanders sa angkan niyo? " Bastos 'to ha?!
What the! Tanders! Tinawag n'yang tanders ang henerasyon ng aming mga magulang?! At gano'n na rin ang pinagmulan naming lahi! Nirerespeto namin sila! Lubos-lubos ang respeto namin sa kanila kahit pa pawang mga kababaihan kami. For your information, Our clan consists of the powerful lady of the country.
![](https://img.wattpad.com/cover/150571765-288-k35615.jpg)
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019