Class.
Kinuha ko ang sigarilyo nitong nakasuksok sa bunganga kung paano din ito hawakan.
Lahat silang magka-kaibigan ay nagsipagtaguan ng mga sigarilyo. "Geh. Hithit pa? " Nagsipagyukuan ang mga ito.
That's it! That's how it should be! Lahat dapat ng mga nasa paligid namin ay makaramdam ng takot. Gusto ko 'yong feeling na ganito, 'yong kinatatakutan kami't hindi nilalamangan. Kami dapat ang gugulang at hindi ang kung sino-sinong cheap na akala mo'y mas angat pa sila sa amin. Dapat nilang pakaisipin na Buencamino kami ng bansa, kami dapat ang nasa itaas.
"Hindi ka dapat naninigarilyo! " Buong tapang na nag angat ng tingin. Bumungad sa akin ang makapal nitong eyeliner at lipstick na itim. "Rebelde ka ba? Ha! "
Ngumisi siya. "Nasaan si ate Xed? " Pagbabalewala sa tanong ko.
"Huwag mong baguhin ang usapan, Xoe "
"Pinsan lang kita "
"Pero mas matanda ako sa'yo kaya sumagot ka ng maayos! "
Nag taray ang kilay nito. "Isusumbong mo ba ako para ako ang pag initan ng lahat na kung tutuusin, mas malaking krimen 'yong ginawa mo kaysa sa ginawa ko? "
Kumunot ang noo ko. "Anong ginawa ko? "
"Ang mainlove sa isang Sepe "
Nagulat ako. Maging ang kanyang mga kaibigan ay nagulat. Walang pakialam si Xoe sa problema ng pamilya dahil mas gusto n'yang lumabas sa comfort zone at gawin 'yong mga gusto n'yang walang dumidikta, dahilan rin kung bakit mukha s'yang rebeldeng pinabayaan na kung tutuusin ay kilala rin bilang bahagi ng aming pamilya.
"HOW DARE YOU SAY THAT! " Napaatras ang mga bata sa pagtataas ko ng boses.
"IYONG BISYO KO O IYONG NARARAMDAMAN MO?! " Pinandilatan niya ako ng mata kaya't mas lalo akong nanggigil. "ANO SA TINGIN MO ANG PAGTUTUUNAN NILA NG PANSIN? "
"WALANG HIYA KA! " Sasampalin sana siya ng pigilan ako ni Xed.
Napalalim ako ng paghabol hininga.
Gulat na tumingin sa kanya. "Don't hurt my sister " Maging siya'y may galit na rin na kinikimkim. Hindi niya ako masisisi kung bakit ako ganito, hindi ko rin siya masisisi dahil baby sis niya ito. Hindi ako umaasang pakikinggan niya ako. Away lang 'to. Magbabati rin kami kung sakali. 'Yon nga lang, hindi ko maipapagtanggol ang aking sarili.
"I'll do it " Na s'yang ginawa niya nga.
Isang sampal ang nagtiklop ng kanilang mga tapang. Maging si Xoe ay nabigla. Namumula ang mata nito ng mag angat ng tingin. "Why did you hurt me? "
Matigas ang bungo nito ng pumantay ng tingin sa kapatid. "Balang araw... Maiintindihan mo rin 'yong pakiramdam na ito, Xoe "
Tumulo na nga ang luha nito. "ANO BANG PAKIRAMDAM 'YON?! "
"Ito! " Sabay turo ni Xed sa kanyang dibdib. "Iyong pakiramdam na mainlove! Mabaliw! Mahumaling sa taong deserving naman pero sa paningin nila'y maling tao dahil lang sa ayaw nila! Hindi mo pa nararanasan 'yong pakiramdam na magmahal kahit sa ibang tao nalang? " Inawat ko si Xed dahil may puso ang bawat bato nito sa kapatid. "Balang araw... Maiinlove ka rin sa isang Sepe "
"Hindi mangyayari 'yan! " Sabay hikbi nito at napahawak pa sa pisnging namumula.
"Kakainin mo rin 'yang sinabi mo. Baka nakakalimutan mo? May sumpa sa angkan natin. Letse ka! "

BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
РазноеSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019