Apo niya.
Isang putok galing sa loob ng kweba ang umalingasaw. Ang dibdib ko'y sumikip at dahil sa labis na pag aalala'y nakalimutan ko na rin atang huminga.
Labis-labis rin ang kanilang mga takot para sa aking sitwasyon.
"Ang bata mo pa, Ssen! " Ani mommy at tinanggal sa aking mukha ang natuyo kong buhok dahil sa pawis. Umiiyak rin ito ngayon. "Ang bata-bata mo pa para maranasan 'yon! " Maging siya'y masama ang loob. Hindi matanggap ang nangyari. Hindi lang siya halos lahat sila. "Do you know how hard that is? "
Ang hinang-hina ko ring ina'y sumaklolo sa kalunudan ko. "S-Ssen "
Hindi ako makahinga, Mom.
Nasasakal ako sa sobrang higpit niyo. E, Ano kung ang bata ko pa? 18 years old na po ako. Legal age. Mga kaedaran ko sa highschool ay halos hindi na rin virgin! Ay iba nga'y buntis pa! Aakyat sila ng stage na may pakwan na sa t'yan.
"Hindi ako makakapayag! " Ani Tito sa malapit at sumunod rin paloob sa kweba.
Umalma ako. "A-Anong gagawin niya sa loob, Mom?! "
"Ssen! "
"Bugbog sarado na po si Al sa loob! Hindi pa ba sapat na kabayaran 'yon sa ginawa?! "
"Nag iisip ka bang bata ka?! " A tear drops in her eye. "HINDI MO ALAM KUNG ANONG MANGYAYARI SA'YO PAGKATAPOS NITO! MASISIRA ANG BUHAY MO, SSEN! BATA KA PA PERO BAKA MABUNTIS KA NG MAAGA! HINDI KA NAG IISIP! HINDI MO GINAGAMIT 'YANG UTAK MO?! "
"Mom! " Umiiyak kong sigaw sa kanya. Hindi kayang mag taas ng boses kahit kanina niya pa ako pinangangaralan. "B-Baka mapatay nila si Al! "
"Hindi ako magtataka kung mapatay nga nila ang Sepe'ng 'yan " Buong tapang n'yang panakot sa akin.
"Mommy! " Pumiyok ako.
"Anak kita! I made you almost perfect, Ssen. You deserve a love that makes you feel perfect! Don't ever, ever settle for someone that makes you feel worthless! You are my priceless possession and you! You deserves a precious one! Do you understand? That’s why you have to love yourself enough. Buencamino tayo ng bansa. Tayo dapat ang hinahabol. You may not have the love you're praying for, God will bless you with one "
"But Mom! S-Si Al! "
"ARGH! " Sabay wala ni Conde. "WALANG HIYA NAMAN OH, SSEN! AL PA RIN! NASA GANITONG SITWASYON KA NA NGA PERO AL PA RIN?! LETSE! " E, Ano? e, Ano kung si Al pa rin? E, sa nag aalala ako e? Mahal ko siya e! Mapipigilan ko ba? Hindi, kasi mahal ko! Ayoko s'yang mapahamak! "PURO KA NALANG AL! PATI SARILI MO, PINABAYAAN MO NA! HINAYAAN MONG SAKUPIN KA N'YANG KABALIWAN MO SA SEPE'NG 'YAN! FUCK! ARGH! "
Gusto ko s'yang ipagtanggol. Gusto kong isatinig ang nasa aking isipan. Tila nawalan din ako ng boses ng mga oras na 'yon dahil hindi lang siya... Lahat sila'y nagbitaw ng mga masasakit na salita sa amin.
"Kung saka-sakali na mahumaling man ako sa isang Sepe, Ssen? " Tinitigan ko siya sa mata. Parehas namumula ang mata namin. Parehas ring matapang at naghahamon. "Hindi ko ibibigay ang sarili ko. Wala namang kasiguraduhan e? Hindi sapat na gusto mo lang siya. Sa panahon ngayon, sa mapanghusga nating lipunan, lahat big deal "
"Xed " Ang luha ko'y tumulo. Kasabay rin ng sa kanya.
"Ang tanga-tanga mo " Ang sakit.
Hindi ako matingnan man lang ni Kai sa mata. "Nandidiri ako sa'yo, Ssen " Hindi ako kumibo.
"Bumababa ang tingin nila sa mga ganoong klase ng babae " Raika. "Buencamino tayo ng bansa. N-Nasa itaas na nga tayo e? " Pekeng natawa. "Ibinaba mo pa ang sarili mo? "
Insulto 'yon. Hindi ko man tanggapin. Pasok na pasok sa aking tainga. Gusto kong magbingi-bingihan, magbulag-bulagan, pero sa huli'y talo pa rin ako. Kailangan ko pa rin 'yong intindihin kahit sumasakit na ang ulo ko. Kailangan ko daw 'yon para matuto.
"Ewan? " Maging si Rivo. "Nalulungkot ako. Nanghihiyang. Halos sabay-sabay tayo lumaki pero bakit nau-una ka ata? "
Kinagat ko ang ibabang labi para mapigilan ang ingay na gustong kumawala.
Tiningnan ko rin siya sa mata. "Ssen... G-Graduate pa tayo e? " Of course, Rivo! Gra-graduate ako! Magtatapos ako! Dahil ba sa hindi na ako virgin ay hindi na ako mag aaral? Dahil ba sa tingin niyo'y mapapariwara na ako? Pababayaan ko 'yong sarili ko? Iyong pag aaral ko? Of course, Not.
"Never allow yourself to be pulled down because of love " Hindi ko... Inaasahan 'yon... Mula sa kanya. "You could destroy each other? "
Nasagot ang isa sa mga tanong ko kung paano nila nalaman kung nasaan kami ni Al.
Itinaas ni Mang Lito ang sapatos ni Al. "Isa nalang. Wala na 'yong kapares " Tumulo ang laman nito.
Walang pake itong hinagis ni kuya Menard, pabalik sa tubig.
Nanghina ako't tahimik na lamang na umiyak. Walang saplot. Wala ring panyapak. Doon palang ay naawa na ako.
Naaawa ako sa kanyang sinasapit sa mga oras na ito.
Isang balik ng tingin sa kweba't nakita ang pinakamasamang mukha ng aking ama pababa. Galit na galit at may dugo sa kanyang damit. Sumikip muli ang aking dibdib at hindi na maibuka pa ang bibig. Sumunod rin ang ilang kalalakihan sa loob...
Hindi ako magtataka kung magtanim siya ng galit sa angkan namin.
Hindi na ako magtataka kung isumpa niya rin ang buong angkan ko.
Al. I'm sorry. I'm really sorry. Hindi ko alam kung ano bang dapat kung unahin? Ano bang unang dapat kong sagipin? Iyong sarili kong lugmok na sa sitwasyon o ikaw na lugmok na sa lupa't hindi na makatayo?
Hindi matigil ang aking pag luha.
Ang mga tao sa paligid ko'y umiiyak rin. Hindi simpatya para sa bawat hinaing ni Al, kundi simpatya dahil bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, sa isang Sepe pa?
"That karma belongs to him... " Lola.
Pakiramdam ko'y nangyari na rin ito. Iyong hinuhusgahan niya sila't sa huli'y mapapaisip ako na, hindi kataka-taka kung bakit hindi sila nagustuhan ng mga taong 'yon.
Paano kung isa pala sa amin?
Pero sa ginawa nila?
Malabo na 'yon. Malabong-malabo na 'yon. Sa pag aakalang matatapos na ang gulong ito'y muli na namang sisiklab. Hindi love ang makakapagpatigil sa gyerang ito... Kundi kapatawaran.
Hindi kami masusuklian dahil na rin sa kasamaan din nilang taglay.
Tila nauunawaan ng mura kong isipan at napatunayan na rin.
Dumura ako.
Hindi nagustuhan ni lola't sinampal ako. "Alisin niyo sa lupaing ito ang lalaking 'yan. Hayaan niyo s'yang umalis na walang saplot. Walang kahit ano. Bugbog sarado! " May diin ang huling utos.
"Magagalit ang Don sa pagtratong ginagawa niyo sa apo niya, Lola "
"Magpapasalamat pa siya't hindi ko pinatay ang apo niya "
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019