War begin.
"Hey girls! " Ani ng isang kapapasok lang na lalaki. Hindi ko naman dapat siya mapapansin e, hindi dapat kung hindi lang talaga familliar sa akin ang hubog ng kanyang itsura. Mula sa buhok, sa pananamit, sa kilos... "I'm Al Sepe, At your service! "
Lahat ng mga nasa paligid ko'y namangha sa pagsulpot ng estrangherong lalaki.
Tumaas ang kilay ko't nagtaka sa pagpapakilala ng lalaking 'yon.
"Sepe raw? "
"Isa s'yang Sepe? "
"Ang gwapo! Sepe daw! "
Tila hindi pa rin sila natatauhan. Maging ako'y nagtaka. Dahil ba sa sobrang kamangmangan ng mga tao sa paligid namin ay nauuto nila? Dahil ba sa ang lugar na ito'y pinagbabawal sa angkan nila'y gagamitin na nila ang kamusmusan ng mga nakatira rito?
"Senyorita Ssen! " Ani ng matandang babae na nagdala ng pagkain para sa amin.
Takot na bumalik sa kanila ang tingin ng matanda. Maging ang ilan ay pinakikiramdaman ako. Kumuha ako ng binalatang mangga at isinawsaw sa alamang. Ngumisi ako na s'yang ikinatahimik ng ilang manggagawa.
"Palayasin niyo " Utos ko sa matanda.
"Oh, O-opo! " Takot itong lumapit.Ang ilang kadagalahan sa lupain namin ay sumulyap na rin sa akin. Napatayo ang mga ito't nakitaan na rin ng takot.
"Senyorita! " Ani ng isa pang matandang lalaki sa akin. "Gusto niyo po bang pakitaan ko ng tabak ang Sepe'ng 'yan? " Huh?
Maging ang mayabang na binata'y napatingin na rin sa akin. Bumaba ng kanyang kabayo, maging ang ilan rin. Lahat sila'y sumisigaw ng kayabangan. Hindi niyo kilala ang binabangga niyo mga asshole.
Ngumisi ako.
Bumalik ang matanda. "S-Senyorita... A-Ayaw po niya? "
"Niya? " Ngumisi ako. "Marami sila. Pag aalis-alisin niyo 'yang mga haliparot na 'yan sa harapan ng Sepe'ng 'yan, Hindi na kasi ako natutuwa "
Nagsipag angatan ng mga tingin ang lahat.
Inis akong humarap sa kanila. "Ang sabi ko'y paalisin niyo 'yang mga malalanding babae na 'yan? "
"Po! " Gulat sa aking inutos. "Hindi po ang isang Sepe ang palalayasin? "
"Palayasin? " Binalewala ko ang iniisip nila. "Welcome na welcome nga dito ang mga 'yan e " Lalo na si Al. Maling-mali talaga 'yong dating katuruan e. Kaya may war sa angkan namin ay dahil sa pagiging danger zone ng lupaing ito e! Ang lupaing ito ang danger zone ng lahi nila at dahil pinamumunuan ito ng angkan ng mga Buencamino, walang gustong magtagal sa lugar na ito.
Walang napapadpad na Sepe. At kapag walang Sepe, Ayon, busted. Iiyak at magdra-drama na akala mo'y pinagkaitan ng pag ibig sa mundo gayong marami namang lalaki. Kasama dapat sila do'n, iyon nga lang, iniisip ng lahat na bawal sila sa amin. Bawal din sila sa lupaing ito.
"Manong... " Ang may katandaan nitong mukhang nagtaka. "Paki taga nga po ang mga babaeng 'yan? " Sabay turo sa mga 'yon.
Tumingin sa akin na may pagtataka.
Lumawak ang ngiti ko. Nagtilian ang mga babae't nagtago sa saya ng mga magulang.
Tumingin ang binata sa akin at naglakad, papalapit sa akin. "Good afternoon, Miss "
"Hmmm... Good afternoon din " Masaya kong bati.
"I'm Al... Sepe " Sabay kindat. De hamak na mas malakas ang dating ni Al kumpara sa kanya. At kung mayroon man akong maipagmamalaki sa katangian ni Al, Hindi niya kailangang magpapansin. Kaya n'yang maging angat sa puntong ang mga babae na mismo ang magkakaroon ng interes sa kanya. Gano'n s'yang tipo ng lalaki. Hard to get close, but when you get in touch... So good to be true.
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019