Sinasagot.
"You're a Buencamino? " Imbis na tumango'y katahimikan ko ang sumagot.
Tahimik itong lumayo sa akin.
Napairap na lamang ako kawalan. Halos lahat sila'y pinangingilagan ako! Halos lahat sila'y hindi ako malapit-lapitan. Minsan nga'y napapaisip ako na ilihim ang totoo kong pagkatao para makahanap ng soulmate. Char lang.
"Anong ginagawa ng isang 'yan dito? " Hindi ako tumingin at nanatiling nakikinig lamang sa ingay ng paligid. Hangga't hindi kami nilalait ay hindi kami kikibo. Takot lang nila? After all, I am a Buencamino.
Lumapit si Conde sa aking tabi. "Hindi dapat siya dumadayo rito? "
Umangat ako ng tingin sa kanya. "Who? "
"Allium "
"Why? "
"Because he's a Sepe "
Agad kong sinilip 'yon at hindi ko siya makita sa umpukan ng mga tao. "Sikat siya? "
"You didn't know? "
"I'm asking "
"Yeah. Famous for being a flirt, Ssen "
"Flirting a bitch? "
"Flirting a saint "
Kumunot ang noo ko. Hindi naman talaga big deal sa akin ang pagdayo ng isang Sepe dahil wala akong pake sa kanila. Basta't ang alam ko lamang ay may apat na Sepe na nag aaral sa teritoryo namin ang naglipat ng school dahil sa iniisip nilang alitan sa angkan namin.
Anong alitan?
Did they do something wrong with my family? Tinutukan ng baril? Binastos? Hindi ko makuha ang sagot at para bang ang lalim-lalim ng galit ng aming angkan sa angkan nila. Eh parang wala naman silang ginawa sa amin?
Wala naman talaga ha?
Tumingin sa dalawa kong bodyguard na alerto dahil sa presensya ng isang Sepe. Kapag lumapit ako'y mangingialam sila kaya't si Conde na lamang ang inutusan ko. "Conde... Can you escort him? "
"You care? "
"I'm not. Sepe siya. Baka hindi nila palabasing buhay ang isang 'yan? " Na sa tingin ko'y tama lang. Maging ang mga tao sa paligid namin ay grabe rin ang loyalty, to the point na ginawa na rin nilang batas ang bawat galit namin sa angkan nila.
Tumango ito't tumungo na nga sa kanila.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin hanggang sa magsipag-balikan sila sa kanilang mga gawa dahil sa pag pagitna ni Conde.
"Wait... " Unti-unti ko na ring nakikita ang kalamangan niya sa madla.
Nanlaki ang mata't nakilala ang taong 'yon.
"Al Sepe " Siya 'yon! Siya 'yong gwapo sa mall! Siya 'yong lalaking 'yon!
Nanghina ang aking tuhod.
Kasabay no'n ang pag ingay ng aking dibdib dahil sa kaba. Oh shit! Makikita ko na siya! Nanginginig man ang aking mga paa, hindi ko maaring palagpasin ang pagkakataon na ito.
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
De TodoSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019