Love is true.
"ANO?! " Naka-loud speaker ang phone ni Kai.
"Si Theo! Kanina! He went mad at me! Hindi ko naman alam 'yong pinuputok ng butsi niya e?! " Halos mangiyak-ngiyak na sumbong ni Raika. "I don't know what happened to them! As far as I know, tayo ang may problema't hindi sila! "
Nanlumo ang balikat ko.
Nagkatinginan kami ni Kai. "I just like him! I don't love him! That's so deep! " Mababanaag mo rin sa boses ni Raika ang pag iyak.
"Okay. I'll end this call, Raika "
"Ang sakit ha! Sinama niya pa talaga 'yong anak niya sa pagkabinata! Nananadya ba siya? "
Pinutol na ni Kai ang tawag.
Bago ako pumikit ay umirap muna ito. "Hindi kaya'y may kinalaman sa nangyari sa Don? "
"Wala naman tayong kinalaman sa nangyari sa Don ha? "
"Inatake ang Don kani-kanina lamang dahil sa labis na pag aalala sa paboritong apo "
"Hindi siya ang paboritong apo, Kai "
"Ok. Okay. Hindi siya ang paboritong apo. Pero apo niya pa rin 'yon. Totoo nga siguro 'yong kasabihan na mas gusto ng mga lolo't lola ang mga apo, kaysa sa mga anak " May naalala ako sa pinupunto niya.
"Agree. Hindi ako paborito ni Lola "
"Lahat naman tayo, Ssen. Si Tyre lang ang gusto ni Lola dahil siya lang 'yong bukod tanging lalaki sa henerasyon natin "
Iniliko sa hotel na tinutuluyan ni Xed ngayon.
Tinanaw ko ang matayog nitong istruktura. High rise buildings, hospitals, schools, shopping malls and even outdoor beauty, grabe. Ang yaman ng lugar na ito. Mas maunlad nga't mas mayaman sa turismo ang lugar na ito. Ilang dayuhan kaya ang umuukupa't napapaisip ako na mas gusto siguro nila ang city life kaysa sa buhay sa bundok?
Kaya ding umunlad ng Buencamino Real gaya nito.
Makakaahon din kami. Pagsubok lamang ito. Makakaahon din ang Buencamino Real at kaming mga Buencamino ay babalik sa lugar kung saan kami nararapat.
Hindi kami mapapataob ng gano'n-gano'n lang.
"Ssen? " Nag alinlangan pa ako dahil sa bigat ng aking mga paa. May kung anong nagpapagulo sa akin, hindi ko mawari kung ano?
Aahon kami. Makakaahon kami.
Elevator pa lamang ay masama na ang aking kutob.
Sa bigat ng bawat yapak ko... Nahihinuha kong masama nga ang magiging kahihinatnan. "T-Tiwala lang? " May pag aalinlangan kong kumbinsi sa sarili.
Sumiksik ako sa dulo't tuminghala sa numero nitong nadadagdagan bawat baitang. "Bakit ang tagal naman ata? " My sweat was cold. I really feel bad about it. Pasama na rin ng pasama ang aking pakiramdam.
"Tagal? Sakto lang kaya? "
"Gano'n ba? "
"Okay ka lang ba, Ssen? "

BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019