Lalaki.
KL. Short for Kiara Louise.
Isang sampal ang pinakawalan ni Ampere. Inaasahan kong ang sampal na 'yon ang dapat dumapo kay KL, subalit sa maputing pisngi ni Al pinalasap. Agad itong namula sa kanyang pisngi.
Sinasabi ng isip kong mabuti nga sa kanya 'yan subalit sinasabi naman ng puso kong huwag mo s'yang saktan.
Halos sambahin ko nga siya e! Halos sambahin ko siya't heto ka't sasampalin siya?! Hayop ka! Deserve ni Al ang lahat ng ito pero hindi ko pa rin maiwasang makonsensya sa nangyayari. Iyong Sepe'ng gustong-gusto ko ay maluwag lamang na tinanggap ang sampal na 'yon?
Paano kung ako 'yong sumampal? Tatanggapin mo ba? Sa pagkakakilala ko sa kanya'y mamata-matain niya pa ako't mamaliitin. Gano'n siya sa akin. Masama.
Iwinaksi ko sa isipan na baka nga gusto niya talaga si Ampere?
His feelings are not true. Stick to it.
Dapat lang sa'yo 'yan! Sakit. Why am I hurting? "Nakakadiri ka " That word shook his system... For me it's nothing. But for him, iba 'yong bigat ng mga katagang 'yon.
Pagkatapos ng araw na 'yon ay bumalik siya sa dati n'yang ritwal. Mas lumala pa nga ngayon dahil ayon sa nakalap kong impormasyon... Tumikim siya ng babae.
Nakipagsex siya sa kung sino-sinong babae!
Ang puso ko'y kumirot sa hindi maipaliwanag na dahilan. Malalim ang hugutan nito dahil hindi ko masikmura sa aking isipan na nagawa n'yang maghubad sa ibang babae at tumikim. Hindi ko lubos maisip na mas magiging mapusok pa siya't nilalabas talaga ang tunay n'yang kulay.
"Al! " Hinawakan ko ito sa braso.
Sa baba ang tingin at umakyat sa akin. Supladong nag iwas agad ng tingin at hindi man lang ako kinibo.
"Saan ka pupunta? "
Mas lumala pa siya! Al! Lintik! Abot-abot ang aking kaba dahil hindi basta-basta itong pinapasok niya! "AL SEPE! ALLIUM SEPE! " Tuloy-tuloy itong lumapit sa grupo nila na kinakatakot ko.
Oh my gosh, Al!
"ALAM KONG GALIT KA SA AKIN PERO SORRY NA! " Hindi niya ako pinakinggan.
Nagkumpulan ang ilang kalalakihan at napatingin pa sa gawi ko.
Sa sobrang pag aalala'y binangga ko ang kinatatakutang fraternity ng bansa. Lahat sila'y hindi nagpatinag sa pagbangga ko sa kanila't ako pa nga ang nasaktan. Hindi ko kayang mag angat ng tingin dahil walang laban ang angkang pinagmulan ko kung binubuo naman ito ng iba't-ibang makapangyarihang pamilya ng lipunan.
Uminit ang talukap ng aking mata. "Al! " Mahina kong tawag sa kanya.
Grabe na ang panginginig ng aking tuhod. Ayon rin sa nabalitaan ko sa fraternity na ito, hindi ka basta-basta makakapasok kung hindi mo na hit ang goal nila, na Life changing experience. Babaguhin nito ang pananaw mo sa buhay at gagawa ka ng isang kahangalang hambuhay mong dadalhin.
Mabuti man o masama ang magiging kahihinatnan nito... It will change your life in a snap.
I don't care about their brotherhood. Natatakot ako sa maari n'yang sapitin kaysa sa maari ko ring sapitin? Maari akong ma-gang rape, anumang oras o pagkakataon. Maari rin akong ipapatay at saka na ang hustisya basta't nagawa nila ang gusto nila sa akin. Gano'n sila kadumi! Kasama! Ikinakatakot ko rin na baka mamukhaan ako ng ilan at maari ring kursonadahan ng isa sa kanila? Sa gandang kong ito, hindi malabo 'yon.
"Kilala mo Al? " Ani ng isa.
Yumuko pa rin ako't pilit tinatago ang mukha. "Yeah, Because she's a Buencamino. A cheap Buencamino "
"Hindi ako cheap! " Galit na bulalas ko habang nanlilisik ang papaiyak nang mata.
"Bakit? Iyon naman talaga ang totoo? "
Kumunot ang noo ko't nabastos sa sagutan naming ito. "Hindi ako cheap gaya ng iniisip mo, Al! Buencamino kami ng bansa at kapag sinabing Buencamino... Kami dapat ang nasa itaas "
"Nasa itaas ka man... " Tumingin rin sa akin na may galit sa mata. "Kami naman ang hinahabol-habol "
Ouch. Isa pang pag kirot.
Nahiya ako't muling yumuko. Nag alala lamang ako sa wala?
Nag aalala ako sa kanya kaya ako naglakas ng loob na ilayo siya sa maari n'yang ikasira. Tapos ano itong igaganti niya? Tratuhin akong parang hindi babae? Deserve ko rin naman ang pag respeto ha? Mahirap ba akong respetuhin? Hindi lang dahil sa nag aalala ako! Gusto ko siya kaya ako ganito!
"Iniisip mo bang mahal na kita? " Naghiyawan ang mga nasa paligid.
Umangat muli ang tingin at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha.
Buong tapang akong tumingin sa matang may kinikimkim rin na galit sa akin ngayon. "Gusto lang kita, Al Sepe. T'yak naman akong may lalaking nakalaan para sa akin at hindi ako umaasang ikaw 'yon? Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo 'no! Maraming lalaki d'yan! "
Natuwa ang mga myembro. "Tama 'yan! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo! "
"May lalaking mas deserving sa atensyon ko, Sepe " Bakit kasi hindi mo ako pinapansin?! "Iyong lalaking hindi ko na kailangan pang magmakaawang tingnan ako kasi para sa kanya, ako lang 'yong nakikita niya! "
"Tama 'yan! Nandito pa kami! "
Tumingin sa akin na humuhupa na ang galit pero pinipilit niya pa ring makipagmatigasan, dahil nga siguro sa hindi niya ako gusto? Hindi lang bilang girlfriend kundi bilang babae na rin? Baka ayaw na ayaw niya talaga sa akin kaya kahit limpak-limpak ang pera ko'y wala lang sa kanya? Tamaan man siya ng kiblat ay hinding-hindi siya maiinlove sa isang tulad ko? Kahit kami nalang ang tao sa mundo'y hinding-hindi talaga siya magkakagusto sa akin dahil galit siya? Mas nangingibabaw 'yong galit niya.
"Iyong lalaking hindi ko na kailangan pang mamalimos ng pagmamahal dahil hindi lang puso ang kaya n'yang ibigay sa akin, pati sarili niya! " Nagbagsakan na rin ang mga luha sa aking mata. "Buong siya ang ibibigay kasi para talaga siya sa akin! "
Masasagana ito't hindi matutumbasan ng kung sinong lalaki lang.
Ito rin 'yong first time na umiyak ako ng todo sa isang lalaki dahil sa pag ibig. Ang sakit! Ganito pala 'yon kasakit! Ito na ba 'yong love? Gusto ko lang siya pero hindi ko siya mahal! Ang sakit-sakit ha!
Sana'y hindi nalang ako nagkagusto kung ganito pala kasakit 'yon?
Ganito din ba ang naranasan ng mga matatanda sa lahi namin? Hindi ko pala dapat pinagkakatuwaan ang pagka-busted sa kanila dahil super sakit pala.
"Siguro naman ay may inilaan si God na nararapat na tao para sa akin 'no? " Nabasag ang boses ko.
Mukha akong kaawa-awa sa inaakto ko.
Hindi ko intensyong kaawaan ng mga tao sa paligid ko, lalo na kung napapalibutan ako ng lalaki. Al is not the only man in the world! many more! Sadya lang, sadya lang na siya ang nakikita ko't hindi ko din alam kung bakit?
Bakit sa aming dalawa lang umiikot ang mundo ko?
Madami ngang lalaki pero siya lang talaga 'yong nakikita ko e! Huhuhu!
"Mind your own fucking life, Bitch " Al.

BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
SonstigesSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019