Sumpa.
Fresh na bumulaga sa akin si Rivo. "May extra underwear pa ba d'yan si Janslette? "
Tumango ako't tinuro ang sampayan.
Mukhang bumisita si Janslette galing syudad at gaya ng kanyang magulang ay umaalis rin siya t'wing sasapit ang death anniversary ni lolo.
Suot ko nga ngayon ang damit niya, na hindi naman nalalayo ang edad sa amin.
"Ako din! " Ani Xed.
Pinagsusuot din nila at alam naman nilang ibinabalik namin ito sa t'wing nakakabalik kami sa mansyon. Nakasanayan na rin siguro ng aming mga tauhan ang ganitong gawi naming magpi-pinsan.
"And'yan lang pala kayo? " Boses ni Conde.
Lumabas ako't sakay siya ngayon ng kabayo. "Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?! " Dinuro ko siya.
"Hinahanap ko ang mga makukulit na prinsesa... "
"Paano kung naabutan mo kaming mga hubo't hubad? " Tumalim ang tingin nito kaya't umatras ang tapang ko.
"Huwag niyo na ulit gagawin 'yan "
Yumuko ako. Nilagpasan ako ng kabayo nito para itali sa malaking puno ng acacia.
Lumabas si Rivo. "Sana inagahan mo, Conde "
"Iyong isa, pinagbabawalan ako. Ikaw, gusto pa akong mas maaga-aga? Ang labo niyo talagang mga babae? " Bumaba siya sa kabayo.
"Gusto mo fivesome? " Sabay lagay ng palad sa balikat nito.
"Kilabutan ka nga! " Tinulak siya ni Raika kaya't nawala ito sa pagkakakapit sa binata. "Para lang ata tayo sa mga Sepe! "
"Ulol! Ikaw lang ang may gusto sa Sepe! Montecarlo 'yong akin! "
"Insert name Sepe Montecarlo! "
Muling napadpad sa akin ang tingin nito. Walang salitang lumabas kahit na sa loob-loob ko'y may bumabagabag sa kanya.
Nang makabalik kaming lahat sa mansyon ay inuna ko kaagad trabahuhin ang polo shirt ni Al na pink. Ang lakas maka-manly ng pink. Nagliliwanag kasi siya sa aking paningin kahit ano pa man ang suotin niya, gano'n siya. Girly man ang kulay, iba kapag magandang lalaki ang nag suot.
"Pagkatapos po ay paki-dryer bigla " Maging ito'y nagtaka sa inabot ko. "Ako ang magpla-plantsa n'yan, Manang. Remind them na be careful... Mahalaga sa akin ang bagay na ito "
Masaya akong lumabas.
Patungo sa hallway ay nakasalubong ko naman si Raika. "Panlalaki 'yon... "
Natigilan at napaisip.
Tumingin sa kanyang nalinawagan. Marahil ay kaya nagtaka si manang kanina ay dahil na rin sa damit kong pinalaba. Pang-lalaki nga pala 'yon at hindi pam-babae!
"Hala? "
"Sabi na e " Nilagpasan ako kaya't sumabay ako sa paglalakad. "Kanino? "
"K-Kay Al "
"Sepe " Saglit na nanahimik. "Kung sakali pala... Baka hindi lang ikaw ang nakitaan niya? "
"Sinigurado kong ako lang, Raika! " Sa aming dalawa'y mas tensyonado pa ako sa kanya? Mas kabado pa ako gayong siya ang mas maalalahahin sa aming dalawa? Siya ang mabilis kabahan! Bakit ako 'yong nakakaramdam nito?!
"Hindi ka natakot? " Buong tapang n'yang tanong.
"Hindi. I honestly felt safe "
"Because they're harmless "
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019