Kabanata 1

398K 7.1K 1.2K
                                        

(A/N): Si Christopher Andrada 'yang nasa itaas. ☝️

Kabanata 1:
Cassiopeia Mikael's Point of View

"Nako, bakla, hindi talaga ako makapaniwala! Isa ka nang ganap na Mrs. Andrada!" Sabi ng bestfriend kong si Desiree.

"Sshh." Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ko—senyas na manahimik siya. "Huwag ka ngang maingay diyan! Baka may makarinig pa sa iyo at sabihin nilang ang bata-bata ko pa pero nag-asawa na ako." Nakangusong sabi ko.

"Eh kasi naman, bakla, kinikilig talaga ako," humawak pa siya sa magkabila niyang pisngi at para bang inililipad siya sa ulap ng Sarili niyang imahinasyon. "Imagine, naging asawa mo ang secret crush mo since freshman years nang walang kahirap-hirap? Ikaw na talaga girl. Ikaw na ang lubos na pinagpala!" Umakto pa siyang kunwari ay may ipinapatong na korona sa ulo ko.

Grabe. Para talaga siyang ewan.

"Huwag ka ngang OA riyan," sabi ko na may kasama pang pag-irap. "Ang lakas ng boses mo!"

Kapag talaga marami ang nakarinig sa amin, tiyak mapagkakamalan akong baliw. Grabe pa naman kung makapang-judge ang mga babae rito sa school na ito. Na para bang wala nang karapatan ang ibang taong magkagusto sa nagugustuhan din nila. Kung makapag-react, akala mo ay girlfriend sila ng mga crush or idols nila to the point na kapag nagkagusto ka rin sa mga iyon, paniguradong ubos ang buhok mo. Literal!

Kasalukuyan kaming naglalakad sa lobby area ng Escuela Normal at heto nga, walang sawa sa pagdaldal si Desiree na kesyo ang suwerte ko raw at kung ano-ano pa.

Anyway, I am Cassiopeia Mikael Sandoval-Andrada. 18 years old. Third year college na ako at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BS-HRM). Sandoval pa rin ang gamit kong apelyido sa school dahil ayaw ipaalam ni Christopher na ikinasal na siya sa akin. Hindi iyon pwedeng malaman ng iba dahil puwede iyong ikasira ng career niya as one of the representatives of our school when it comes to modeling. Naiintindihan ko naman siya sa rason niyang iyon.

"Nariyan na si Chris!" Nagtatatalon pa sa kilig na sigaw ng isang babae. "Wala talagang makakapantay sa kagwapuhan niya!" Dagdag pa niya na kulang na lang ay mabugbog ang katabi sa kahahampas niya sa braso nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. 'Wala talagang kupas 'yan! Tsk, huwag mo ngang pagnasaan ang asawa ko.'

"I know that it might sound cringe, pero siya ang mas nagpapainit ng panahon." sabi ng isa pang babae sa katabi nito pagkatapos ay itinuon ang tingin sa asawa ko. "Sa akin ka na lang umuwi, Chris!" sigaw pa nito.

"No way, b*tch, he's mine!" Pakikipag-agawan ng pangatlo.

"In your dreams, malandi ka!" Sagot naman ng nauna.

Napailing na lang ako. Kung magtalo naman kasi sila sa kung kanino dapat umuwi si Tupe, eh para bang mayroong mananalo sa kanila. Kulang na lang ay magbugbugan para lang iuwi ang asawa ko.

"Retards! I am his wife. We're already married so back off!" Buong lakas na sigaw ko — sa isip ko.

Akala niyo siguro isinaboses ko talaga iyan, ano? Siyempre hindi. Sugurin pa ako ng mga Christopher fanatics na iyan or should I say, lunatics!

Hindi pa ako handang malagasan ng buhok. Tama na sa akin na alam kong kahit na anong mangyari, sa akin lang siya at ako ang uuwian niya, periodth!

"Yiiee, bestfriend . . . " Pabulong pang panunukso sa akin ni Desiree saka pa sinundot ang tagiliran ko. "Nariyan na ang labidabs niya." Kinikilig-kilig pang sabi nito.

Malalim ang naging pagbuntong-hininga ko habang nakatingin sa kanya. Kung alam lang kasi niya.

Unti-unting lumalapit sa kinatatayuan namin si Tupe at talagang hindi ko mapigilan ang sunod-sunod kong paglunok. Bakit ba kasi ang gwapo-gwapo niyang maglakad?

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon