Kabanata 50

128K 2.5K 176
                                    

Ch. 48: Tragedy


Jasmin's POV


Nandito ako ngayon sa airport. Kumuha ako ng plane ticket. Uuwi na muna 'ko sa Korea para makausap ko si Bryan. Hindi pwedeng sa ganitong paraan lang kami matatapos. Hindi pwedeng hindi kami mag-usap. >_< Siguradong may dahilan siya kung bakit siya nakipaghiwalay sa 'kin. Hindi ako naniniwalang engaged na siya. Hindi niya 'ko maloloko nang gano'n gano'n lang.


"Jas, bakit ba kasi kailangan mo pang kausapin ang lalaking 'yon? I mean, iniwan kana niya e. Bakit kailangan mo pa siyang habulin?"


"Dapat alam mo ang sagot diyan, Deejay. E bakit ikaw, iniiwasan na nga kita, sumusunod ka parin."


"E syempre, gusto kita e."


"'Yan din ang sagot ko kaya ko siya hahabulin. Mahal ko siya!"


"Love is blind nga naman." Narinig kong bulong niya saka pa siya bumuntong hininga.


"Talagang love is blind."


Pagkatapos kong makuha ang ticket ko, dumiretso na 'ko palabas. Bukas ng umaga ang flight ko. Nakakainis naman kasi! Bakit ba nagkakaganito ngayon ang Bryan na 'yon? Sabi niya pa sa 'kin bago ako umalis, hihintayin niya 'ko. Magpapakasal pa nga daw kami e. Tch, magsisix months palang ako dito sa Pilipinas, biglang engaged na siya kaagad? Anong akala niya sa 'kin, uto-uto?!


"Jasmin, hintay naman. *pout*" - Deejay


"Hwag ka ngang magpout diyan, nakakasura."


"Bakit ba ang init ng dugo mo sa 'kin?" - Deejay


"Bakit ba sunod ka nang sunod sa'kin?"


"Friends kaya tayo. Sasamahan kita kahit saan."


"So, 'pag magkaibigan kailangan palaging susundan? Ang galing naman." Para-paraan ng lalaking 'to e 'no? -_-


"Uuwi kana sa Korea pero nagsusungit ka pa rin sa 'kin."


"So, 'pag uuwi na kailangan maging mabait?"


Wala na siguro siyang maisip na sabihin kaya hindi na siya nagsalita pa ulit. Maganda 'yan dahil wala na 'kong balak sumagot pa sa kanya.


Cassiopeia Mikael's POV


Nagdaan ang sabado at linggo. Monday na naman at as usual, kailangan na namang pumasok sa school. Inihatid na nila Mama at Mommy si Jasmin sa airport. Ngayon na kasi ang flight niya. Sana magkaayos sila ni Bryan para maging okay na si Jas.


"Nay, pasok na po 'ko." Paalam ko kay Nanay Rosie. Naunang pumasok si Hubby dahil mauuna ng isang oras ang klase niya sa 'kin.


"Sige hija, mag-ingat ka." - Nanay


"Opo. Salamat po."

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon