Kabanata 2

232K 5K 338
                                        

(A/N): Si Cassiopeia Mikael Sandoval—Andrada ☝️

Kabanata 2
Cassiopeia Mikael's Point of View

Hindi na ako pumasok sa mga natitira kong klase after lunch dahil namamaga ang mata ko. Baka kasi magtanong ang mga kaklase ko at ayoko namang sabihin na si Tupe ang dahilan niyon. Alam kong alam nilang silent die-hard fan din ako ng asawa ko pero magmumukha lang akong siraulo kapag sinabi kong mag-asawa kami dahil mukha namang imposibleng mangyari iyon.

Anyway, may sarili na kaming bahay ni Tupe. House and lot kasi ang iniregalo sa amin ni Mama—Tupe's mom—noong kasal namin. Pero, since technically sa papel lang naman kami kasal ni Tupe at hindi naman asawa ang turing niya sa akin, never kaming nagtabi sa pagtulog. Hindi naman na siguro nakakagulat iyon. Ni kausap nga ayaw, tabi pa kaya?

Nauna akong nakauwi sa bahay. Inaasahan ko naman na ito. Obviously, magkaiba naman ang schedule namin at madalas ay mayroon silang photoshoots or rehearsals after class.

Isang linggo pa lang kaming nagsasama sa iisang bubong pero almost two weeks na kaming kasal. Nagtataka siguro kayo kung paano kami nauwi sa ganitong set up, ano? Well, I'll share it with you.

— Three weeks ago —

Ipinatawag ako ni Mommy at Daddy sa bahay namin dahil mayro'n daw silang importanteng sasabihin sa akin. Hindi na kasi ako madalas umuuwi sa bahay dahil mas gusto ko matulog sa dorm na malapit lang sa university para less hassle sa biyahe kapag papasok. Kaagad naman akong umuwi. Saktong dinner na niyon kaya naman after naming maghapunan, doon na nila ako kinausap.

"Ano'ng importanteng bagay ba ang sasabihin niyo sa akin at biglaan niyo pa talaga akong pinauwi?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sila at saka may iniabot na envelope sa akin si Daddy.

I stared at them curiously as they handed me the envelope. "And what is this for?"

"Basahin mo ang kung anong isinasaad diyan, anak." Iyon ang isinagot ni Mommy sa akin kaya naman, binuksan ko agad ang envelope.

Pansin kong medyo may kalumaan na ang envelope. Para bang itinago ito sa loob ng mahabang panahon. Naka-seal pa ito nang maigi. Nabura na ang ilang bahagi ng nakasulat sa papel dahil sa sobrang kalumaan nito pero may bahaging sobrang linaw sa paningin ko.

"We have agreed to arrange the marriage of our children once the child, Cassiopeia Mikael Sandoval, reaches the legal age. Any objection or hindrance to the arranged marriage shall not be accepted in court."

"Are you joking!?" Gulat na tanong ko sa kanila.

Sino ba naman ang hindi magugulat sa balitang ikakasal ka na!? Next week na ang 18th birthday ko, at kung legal man ang papel na ito, ngayon ang taon na ikakasal na ako!

"Sweety, we only did this for your own good. That's why we made sure our businesses became successful—for the two of you. We want to ensure that you'll have a good future. Besides, we know that you'll be safe with him. Christopher is a kind and affectionate child." Paliwanag pa ni mommy.

"Pero, mom!" Napasabunot pa ako sa buhok ko. "Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin? Seryoso ba ito? Paano? Kailan? Gaano niyo ba kakilala at tiwalang-tiwala kayo sa kaniya? What if masamang tao pala talaga siya?" Naghuhuramintadong sunod-sunod na tanong ko.

"Hija, you're over reacting." saway sa akin ni Daddy na ikinanguso ko naman.

"Daddy naman, hindi niyo na ba ako mahal? Ipauubaya niyo na lang ba ako nang ganoon lang? May malaki ba tayong utang at ako ang pambayad? Bakit ako at hindi si mom? I've been a good daughter to both of you. I've never caused you any headaches—except for being beautiful—and I've never wanted anything other than to be a good woman. Ako na walang malay? Ako na naging maganda lang mula noong araw ng pagkasilang? Explain it to me, Mom, Dad!" Mahabang linya ko sa kanila.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon