Kabanata 31: His Makulit na Side
Cassiopeia Mikael's Point of View
Pagkarating namin sa bahay, kaagad na iniupo ako ni Christopher sa sofa at saka niya kinuha yung first aid kit sa aming kabinet.
Nilinis niya ang sugat sa tuhod ko. Nilagyan ng betadine saka binalutan ng gauze.
"Tapos na. Sa susunod, mag-ingat ka na dahil napaka clumsy mo."
"Ikaw kaya ang may kasalanan nito." Paninisi ko sa kaniya. "Pa-walk out, walk out ka pa kasi eh, iyan tuloy."
"Whatever." Masungit na namang sabi niya.
Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga magulang namin.
"Anong ginagawa ninyo rito?" Takang tanong pa ni Christopher sa kanila.
"We've decided to visit you here. Nalaman kasi naming nagkaayos na kayong dalawa and I am glad that it's true. At isa pa, miss na namin kayo, eh." Sabi ni Mama Sophia
"Yes, she's right. I'd also missed my unica hija." Lungkot-lungkutan pang drama ni Mommy.
"Eh, bakit mga naka-bag kayo? Dont tell me—"
"Yes hijo, dito kami matutulog ngayon sa bahay ninyo. Magtatabi-tabi tayo ng Daddy mo at si Mikael naman at ang Mommy niya." Masaya pang saad ni Mama.
"What the?! Anong pakulo na naman ba ito, Mom? Tsk, umuwi na nga kayo."
Hinila ni Mama Sophia ang patilya ni Christopher na naging dahilan ng lalong pagkalukot ng mukha niya.
"Manahimik ka riyan. Sa ayaw at sa gusto mo, matutulog kami ngayong gabi rito."
Para na naman silang mga bata.
Patuloy na nagbangayan ang mag-ina tungkol sa pagtulog dito sa bahay.
Ewan ko ba rito kay Hubby, hindi ko maintindihan kung ano bang ipinaglalaban niya. Masaya ngang matulog kasama ang mga magulang namin, eh. Actually, na-miss ko na iyon.
Sa huli, walang nagawa si Christopher kundi ang sumunod kay Mama. Ang cute nga niya, eh. Para kasing nalugi hahahaha.
Noong magtutulugan na kami, papasok na sana ako sa kwarto na pagtutulugan namin nila Mommy nang bigla akong tawagin ni Christopher. Kunot ang noo niya sa akin.
"Wifey, diyan ka talaga matutulog?"
"Oo, iyon ang sabi nila Mommy, hindi ba? Bakit?"
"Wala!" Naka-ismid niyang sagot "Tss. Sige, goodnight."
"Goodnight, Hubby."
"Tsk." Pagmamaktol pa niya sa hindi malamang dahilan tapos ay pumasok na siya sa kwarto nila.
Problema ba non?
Pumasok na rin ako sa loob at nakipagkwentuhan muna kanila Mommy. Ang dami nga nilang kwento, eh. Kung pwede lang sabihin sa kanila na 'talk to the hand' o kaya'y 'kwento niyo sa pagong', baka nagawa ko na. Kaya nga lang, baka masapok pa nila ako sa ulo.
12:00MN na nang maramdaman kong tulog na sila Mommy. Akala ko hindi na matatapos ang kwento nila tungkol sa ganito-ganiyan.
Phone vibrates.
Kinuha ko ang phone ko saka tiningnan kung sino ang nag-text.
From: Hubby♥
Labas riyan.Grabe naman text ito.
Ayoko nga! Inaantok na ako.
— Sent
Huwag ka nang makulit, lumabas ka na.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...