Kabanata 11

186K 4.6K 544
                                        

Kabanata 11
Cassiopeia Mikael's Point of View

​Pagkababa ko sa dining room ay kaagad kong naabutan si Christopher na tahimik na nag-aalmusal doon. Subalit noong sandaling magtagpo ang mga mata namin at napansin niyang papalapit ako sa kaniya, biglang bumilis ang sunod-sunod niyang pagsubo ng pagkain. Hindi pa man din ako nakakarating nang tuluyan sa tapat ng mesa ay natapos na siya kaagad, binitbit ang plato, at parang nagmamadaling umalis sa presensya ko.

​Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa likod niya. Naiilang din kaya siya ngayon sa akin dahil sa nangyari nitong madaling araw? Dahil sa halik na 'yon?

​"Good morning, Hubby!" bati ko sa kaniya nang may malawak at pagkatamis-tamis na ngiti habang nilalagpasan niya ako.

​Isang matalim na ismid lang ang isinagot niya sa akin kasunod ng kaniyang pagtayo para marahas na ilagay ang pinagkainan sa lababo. Napakasungit talaga. Kahit kailan ay napakahirap niyang basahin.

​Habang mag-isa akong kumakain ng almusal sa mesa, naramdaman ko ang malakas na pag-vibrate ng telepono ko sa gilid. Nang tingnan ko ang screen, isang mensahe mula sa best friend ko ang bumungad.

DesireeBantot♥
Bading, mag-mall tayo ngayon. Sale sa buong boutique, dali!
[Received]

Me:
Eh? Gusto ko sana kaso wala akong pera ngayon, eh.
[Sent]

DesireeBantot♥
Don't worry, treat kita. Sama ka na, ha? I love you, baby! :*
[Received]

​Ayon naman pala, libre naman pala ng bruha! E, di go! HAHAHAHA.

DesireeBantot♥
1:00 PM. SM North, okay? Don't be late. See yah, sweetypie.
[Received]

​Pagkatapos kong mag-almusal ay iniligpit ko na rin kaagad ang aking pinagkainan at saka nagtungo sa sala. Bigla kasing pumasok sa mood ko ang manood ng K-Drama para palipasin ang oras bago ang pakikipagkita ko kay Desiree.

​Inopen ko ang Netflix account ko at sinearch ang My Love from the Star. Ilang beses ko na itong napanood pero hinding-hindi ako nagsasawa. Ang pogi-pogi talaga ni Kim Soo Hyun, lalo na ang lakas ng dating ng kaniyang pagka-chinito. Gosh.

​Sobra akong nag-eenjoy sa pinapanood kong eksena nang biglang sumulpot si Christopher mula sa kung saan at walang sabi-sabing pinatay ang telebisyon gamit ang remote.

​Inis akong lumingon sa kaniya saka siya sinamaan ng tingin. "Bakit mo pinatay? Ano bang problema mo?!"

​"Hindi mo pa ba nakakabisado iyang ka-alien-an na 'yan? Ilang beses mo nang napanood 'yan, ah. Pwede ba, maghanap ka naman ng ibang mapagkakaabalahan," malamig na sabi niya sa akin bago pabagsak na inihagis ang remote control sa kabilang sofa.

​"So, ibig sabihin . . . nakikinood ka rin sa akin tuwing nanonood ako kaya alam mong paulit-ulit na 'to?" pang-aasar ko.

​"Anong masama? At saka, first of all, ako ang nagbabayad ng kuryente sa bahay na 'to kaya may karapatan akong patayin 'yan kapag nag-aaksaya ka lang," katwiran niya, itinaas pa ang kaniyang panga.

​"Feeling naman kaniya talaga 'yung perang pinagbabayad," bulong ko sa sarili ko, dahil alam ko namang allowance pa rin mula sa pamilya namin ang ginagamit sa mga bayarin dito.

​Narinig niya yata ang sinabi ko dahil mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.

​"Oo na, eto na, hindi na manonood," pagsuko ko na lang dahil ayokong masira ang magandang gising ko. "Killjoy talaga kahit kailan," huling bulong ko pa bago naglakad pabalik sa itaas.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon