Kabanata 8

176K 4.2K 657
                                    

Kabanata 8


Cassiopeia Mikael's Point of View


Me:
I'm here at the school na, hubby. See you around, kahit na ayaw mo 'kong makita, hehehehez. -Sent

Mabilis na lumipas ang apat na buwan namin sa university dahil na nga siguro sa maraming activities sa school. And, guess what? Halos hindi na kami mapaghiwalay nila Gabriel, Desiree, at Alexis sa sobrang close namin sa isa't isa. Nagtatampo nga sa akin si Desiree kasi mukhang type raw ako ni Gabriel. E jusko naman, ni hindi ko na nga inililingon ang tingin ko sa iba dahil si Christopher pa rin naman ang gusto ko. Hindi niya naman kailangan ma-bothered sa akin.

Sa kiosks na nasa likod ng building namin ang naging tambayan naming apat. Dito kami nagkikita-kita every lunch time.

"O, ano nang plano sa sembreak?" Tanong ni Alexis.

"Wala pa ako. Sa bahay na lang siguro." Sagot ko.

"Ako din." Si Desiree naman 'yon.

"Sa bahay lang? What if let's have a vacation somewhere? Bonding time lang. Ano kaya kung pumunta tayo sa beach? Or, hiking?" Suggestion naman ni Gab.

"Game ako diyan pero saang beach? Or saang bundok naman kung hiking?" Si Alexis ulit 'yon.

"Boracay? Palawan? Mount Balagbag?" Suhestiyon ko naman.

"It will be okay with me kahit saan tayo." - Gabriel

"Boracay na lang, okay ba? Ikaw Desiree, okay lang ba sa 'yo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Siyempre okay na okay 'yan sa kanya kasi kasama si Gabriel, eh." Pang-aasar na naman ni Alexis.

"Letse! Sasama ako dahil sasama ang bestfriend ko! Palibhasa wala kang bestfriend, eh." Depensa ni Desiree sa sarili niya.

"Nako, nagde-deny na naman siya, as if na hindi obvious!" Pang-aasar ko rin sa kaniya. "Isinangkalan mo pa talaga ako, ah."

Namumula na si Desiree kaya naman napatawa na lang kaming tatlo. Magpa-final exam na at pagkatapos non ay semestral break na pero wala pa ring pagbabago sa relationship namin ni Christopher sa apat na buwang nagdaan.

Pero, hindi pa naman ako sumusuko.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-text ulit siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagrereply sa mga texts ko. Paminsan-minsan sumasagot siya sa tawag ko, pero galit naman. Bored, ganon.

Me:
Nagpa-plano kami ng bakasyon nila Desiree. Gusto mo sumama?
- Sent

Alam ko naman na hindi siya interesado pero atleast, alam niyang naalala ko siya.

"So, what's our plan for this sembreak?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Familiar ang boses na 'yon sa akin dahil madalas ko iyong naririnig sa tuwing lumalapit ako kay Christopher. Siya kasi ang madalas na kausap.

"Wala pa 'kong plano. Saan mo ba gustong pumunta?" Si Christopher ang sumagot na 'yon.

Tungkol saan ba yung pinag-uusapan nila? Is it only about the photoshoot? Bakit sila lang ang nag-uusap? At bakit ba palaging nakakapit ang braso niya sa braso ng asawa ko?

Kung pwede lang ibato sa pagmumukha ng babaeng 'yan yung marriage contract namin, ginawa ko na! Nanggigil na ako sa kanya.

"Mikael, baka masira mo na 'yang bag mo, huwag mo masyadong panggigilan." Rinig kong sabi ni lex.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon