Ch. 40
Someone's POV
I think, this is the right time for my first plan. *evil grin* Let the battle begin, Cassiopeia Mikael Sandoval! Everyday, I will make your life worthless.
Cassiopeia Mikael's POV
"Hija, okay ka lang ba?" Tanong ni Nanay Rosie pagkababang pagkababa ko sa kitchen.
"Opo, Nay. Nasobrahan lang po yata ako sa kwek kwek kagabi."
"Nako eh, hindi ka kasi kumain ng kanin kagabi. 'Yan tuloy ang nangyari sa 'yo."
"Oo nga po eh. Nasaan nga po pala si Hubby?"
"Eh nagpaalam. Maaga daw siya ngayon dahil may aasikasuhin. Heto nga't nagsabing hwag ka daw papapasukin 'pag hindi ka kumain ng agahan."
"Si Hubby talaga, ginagawa akong bata." *pout*
"Eh mabuti nga't maalaga ang iyong asawa. Parang dati lang eh palagi ka niyang sinusungitan hindi ba? Tignan mo't parang hindi kayo mapaghiwalay ngayon."
"Oo nga po e. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang sobrang maalaga siya sa 'kin ngayon." Napangiti ako. "Kumain na po tayo, Nay."
"Aba'y sige't ipaghahanda kita."
Naghanda na si Nanay ng makakain at sabay na kaming nag-almusal.
Pagkatapos ko kumain, nag-ayos na 'ko para sa pagpasok sa school. Sabay kaming pumasok ni Desiree.
"Bakla, bakit hindi mo yata kasama ngayon si Dela cruz?" Tanong ko sa kanya.
"Tinakasan ko -_- Paano ba naman, sa araw-araw na ginawa ni Lord wala na siyang ibang ginawa kundi ang buntutan ako."
"Ayaw mo non? Choosy ka pa 'te? Alexis na yan o."
"Whatever. Kung sinama ko siya dito malamang mao-OP ka lang."
"Sigurado -_-"
Pagkadating namin sa school, kakaibang mga tingin na ang ipinukaw sa'min ng mga estudyante. Ano na namang problema nila? Nai-star struck pa din sila sa mga magaganda? *pout*
Nagdire-diretso lang kami ni Desiree sa paglalakad.
"Eeeww. Sabi ko na nga ba eh. Pinikot niya lang si Chris."
"Yeah right! Tama ka diyan, girl. Napakalandi. Hipokrita!"

BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS)
Teen FictionHe's handsome, freakin' hot, snob, cold, campus hearthrob, model, popular. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya kahit sa unang tingin? Sinong babae ang hindi sya papangarapin? He always make fun of me. He doesn't want to know others that he...